"Okay ka lang?"
Napatingin ako kay Bianca. Kasalukuyan kaming kumakain ngayon nang tanghalian. Wala si Tita dahil may pinuntahan ito sa bayan.
"Oo naman."
"Kanina ka pa kasi tulala. May problema ba?"
Umiling ako.Gustuhin ko man tanungin si Bianca pero wala akong lakas nang loob. Si Vince na lang kaya?Baka may alam siya. Chismoso yun. Ay! Naku! Hayaan ko na lang mag-open si Bianca sa akin.
"Ang lalim nang iniisip mo ha?"
"Ben?"
He smiled. Tumingin siya sa relo niya saka ako hinila.
" Saan ba tayo?" Tanong ko nang makalabas kami nang school.
Hindi siya sumagot. Pinapasok niya ako sa kotse niya saka siya pumasok sa driver's seat.
Hindi ko alam kung saan ako dadalhin niya pero sigurado naman akong di niya ako ipapahamak. Nasa tapat nang isang multi-purpose building kami huminto. Agad akong lumabas sa kotse. Ano bang gagawin namin dito?
"Tara," saad niya at nauna nang pumasok sa building.
Wala akong choice kung di sumunod ako sa kanya. Pagkarating ko roon, unang sumulobong sa akin si Vince kasunod naman niya si Vyne.
"Mabuti naman at pumunta ka," masayang saad ni Vince bago lumingon kay Ben. " Mabuti napapayag mo. Hindi yan mahilig sa ganito."
" Ito nga pala suotin mo," saad ni Vyne sabay abot sa akin nang isang skyblue na t-shirt. "Sige. May gagawin pa kami."
Nang umalis ang dalawa ay agad akong pumunta sa C.R. para magbihis. Ang t-shirt na binigay sa akin ay may nakalagay na volunteer sa likod. Volunteer sa ano? Nang lumabas na ako si Bianca ang bumungad sa akin.
"Halika na. Marami pa tayong gagawin," saad niya na may ngiti sa labi pero kabaligtran ang nakikita ko sa mga mata niya.
Buong araw kami nag-repack nang mga pagkain at school supplies. Bukas ay babalik kami para ibigay ito sa mga estudyante, magulang at guro sa isang paaralan na malayo sa bayan. Napag-alaman ko rin na sa magulang pala nila ni Ben at ni Vyne ang building nato.
"Sa wakas. Tapos na."
"Makakapahinga na rin tayo."
Yan lang ang mga sinabi nang mga kasamahan ko na halos miyembro nang PYCC pagkatapos namin mag-repack. Nakakapagod talaga pero iba ang feeling habang ginagawa ko ito. Iniisip ko pa lang yung mga taong biibigyan nang mga pagkain at school supplies na may mga ngiti sa labi parang nawawala ang lahat nang pagod.
"Hatid na kita," may awtoridad na sabi ni Ben sabay abot nang isang plastic bag.
"Uy! Ano yan? Bakit siya lang? I smell something," biro ni Jeric.
Tumawa ang iba naming mga kasama. Napatingin ako kay Bianca pero mukhang di niya narinig dahil may pinag-uusapan sila ni Kim. Nahagip nang mga mata ko ang titig ni Vyne na para bang may ginawa akong masama. Nakaakbay si Vince sa kanya na mukhang tuwang-tuwa pa sa nangyayari.
"Mukhang makaka-lovelife ang best friend ko ha," kantyaw nito.
I sighed. " Salamat na lang, Ben pero ano.."
Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang makita kong nakatingin siya kay Bianca na ngayon ay nakatingin na sa amin.
"Hatid ko na kayo ni Bianca."