Alas 10 na nang dumating kami sa paaralan. Medyo natagalan kami sa byahe dahil sa layo nito. Pagkarating namin ay masayang bumati sa amin ang mga guro. Habang pumapasok kami ay tinignan ko ang kabubuan nang paaralan. Maganda, malinis at may iba't-ibang mga halaman nakatanim yun nga lang ay maliit ito kumpara sa mga paaralan sa bayan. Sa tingin ko, may isang section lang taga grade level. Nang makapasok kami sa Principal's Office, si Jeric ang unang nagpakilala. Nasa likod lang niya si Ben.
"Magandang hapon, Principal Campaner. Ako'y lubos nagpapasalamat at pinayagan ninyo kami na maging parte ang paaralan niyo sa aming outreach program, " ring kong saad ni Jeric.
Nilapitan ko si Vince na nasa pintuan lang nakatayo.
" Bakit si Jeric yung nagpapasalamat. Hindi ba si Ben?"
Mukhang hindi naman siya nagulat sa tanong ko dahil ngumiti pa ito na tila nang-aasar. "Hayst, Aubrey! Wala ka ba sa meeting? Isa yan sa mga activitity ni Jeric. Nalimutan mo ba siya ang Service Committee Chairman?"
Tumango ako.
" Aubrey! Aubrey!" Biro niya at ginulo ang buhok ko.
"Thank you po," malambing na saad nang batang babe nang matanggap niya ang school supplies niya.
Nakasuot siya nang uniporme pero naka-tsinelas lamang. Sa tingin ko ay nasa Grade 2 pa siya.
"May ibiibigay akong toy. Anong gusto mo?"
Tumango siya. " Gusto ko po yung doll," she smiled. "Gusto ko po kasi magkaroon nang doll kaso wala kaming pera para makabili nito."
I smiled and tapped her head. Kinuha ko yung pinakamalaking doll pero bago ko ibinigay sa kanya ay tinignan ko ito. It's the same doll I wanted when I was still on her age. Yung araw na akala ko may doll na akong paglalaruan ay yung araw din palang nawawala ang Mama ko.
"Are you okay?" Kinuha niya ang doll sa akin at ibinigay sa bata.
Tumango ako. "Oo naman."
"Naalala mo pa rin ba yung nangyari kapag nakakita ka nang doll?"
I sighed. Binigyan ko nang school supplies at laruan yung sumunod na bata. "Oo pero okay lang. Ganyan talaga. Hindi na yun mawawala sa memorya ko. Parte na yun nang buhay ko."
Niyakap niya ako. " Masaya ako. You are slowly healed. "
" Vince! "
Kumawala sa yakap si Vince nang may tumawag sa kanya.
" Mukhang may nagseselos," natatawang saad bago umalis.
Nang hapon na, nagkaroon nang ibang activities. May storytelling na pinangugunahan ni Jeric kasama ang mga members niya, may pa-games at syempre may pakain. Bandang alas 7 na nang dumating kami sa bayan. Pagkarating sa bayan ay isa-isa kaming hinatid ni Ben sa kanya-kanya naming bahay.
Nagsisimula na ang simbang-gabi kaya ito ako ngayon inaantok sa klase. Hahayst! Hindi naman talaga ako nagsisimba tuwing simbang-gabi pero iwan ko ba kung bakit ngayon ay gusto kong makatapos nang simbang-gabi. Kahit nga silang Tita, Bianca at Vince nagulat nga sa akin.
"Reminder, your last project this semester will be submitted on the 1st week of January. Class dismissed."
Napailing na lang ako. May professor talaga na ayaw ka pasayahin sa Christmas break. Hindi pa ako nakalabas nang room ay may tumawag sa akin kaya agad ko itong sinagot.
"Aubreyyyyy.." Sigaw nito sa kabilang linya.
"Bakit?" Wala sa mood kong sabi habang nililigpit ang gamit ko.
"Tulungan mo ako."
Napakunot ang noo ko. " Wala akong pera."
Narinig ko ang tawa niya sa kabilang linya. Nang lumabas ako sa classroom, nakita ko si Vyne na tila may hinihintay.
"Vyne?" Agad kong binaba ang phone ko. "Anong kailangan mo?"
Nakatingin siya sa akin na tila ba may nagawa akong mali. "Di ba sinabi ko na sa'yo na layuan mo si Ben?"
"Pero siya lang naman yung lumalapit sa akin at ang usapan hindi ako maiinlove sa kanya. Hindi ako inlove sa kanya."
" Still." Galit na saad niya. " Nakipagbalikan na ako kay Vince kaya lumayo ka na kay Ben. Gawin mo ang parte mo."
Sasagot na sana ako nang umalis na siya. Hahayst! Ilalagay ko na sana ang phone ko sa bag ko nang maalala kong tumawag pala si Vince. Anak ng! Nakalimutan kong tapusin ang tawag.
"Vince??" Nag-alala kong sabi. "Ano kasi--"
" It's okay. " He ended the call.
Nasa library ako para mag-aral pero halos wala naman akong naiintindihan dahil si Vince lang ang nasa isip ko kaya napag-desisyunan kong umalis na lang sa library. Nang makalabas ako ay may nakita akong estudyanteng tumatakbo papunta sa akin. Nang makalapit na siya ay doon ko siya nakilala. Si Jeric.
"Aubrey," nahihingal na sabi nito. "Si Vince."
"Ano? Nasaan?"
Tinuro niya ang likod nang building nang Engineering Department. Agad akong tumakbo papunta doon at nandito nga si Vince..at si Ben. May dugo na ang labi ni Ben pero mukhang wala lang ito sa kanya habang si Vince ay galit na galit na tila gusto pa sumuntok. Lalapitan ko sana siya para pigilan dahil tiyak na masu-suspend siya nang biglang sinuntok niya si Ben.
"Kahit kailan mag-aagaw ka. Gusto mong sa'yo ang lahat. Gusto mo ikaw ang pinakamagalimg. Gusto mo ikaw ang masusunod. Pati ba naman si Vyne kukunin mo. Hindi mo naman siya kayang mahalin."