Maghahanap ako ngayon nang perfect spot para makapaghinga total may 1 oras pa ako bago ang susunod kong klase. Ilang araw na din kasi akong walang wastong tulog dahil sa bago kong trabaho. Trabahong si Ben mismo ang naghanap. Nang napadaan ako sa may mini-park ay nahagip nang mga mata ko ang isang pamilyar na babae. Nag-iisa lang siya sa may bench nakaupo habang nagbabasa nang libro. Lalapitan ko sana siya nang biglang may humawak sa kamay ko.
"Aubrey."
Agad kong inalis ang kamay niya sa kamay ko at lumingon sa kanya. "Uy, Ben. Bakit?"
Pero sa halip na sumaagot ay nakatingin siya sa banda kung nasaan ang babae at kumakakaway pa. Agad naman akong napalingon sa babae na tanging ngiti lang ang tugon at bumalik sa pagbabasa nang libro.
"Let's go," saad ni Ben at hinawakan ang kamay ko bago tuluyang naglakad.
"Hah. Sige," tugon ko habang nakatingin pa rin sa babae na tila masaya sa pagbabasa nang libro.
"Ben, sino yung babae kanina?" I asked habang hinihintay ang order ni Ben.
"Si Marian ba?"
I shrugged habang umiinom nang kape.
"She's Marian Versano. Worship Committee Chairman nang PYCC. Why? Are you jealous?"
Muntik ko nang maibuga sa kanya ang iniinom ko. What? Ako? Jealous? Bago pa ako makasagot ay dumating na ang order niya.
"Let's eat," natatawa niyang sabi.
Kinuha ko ang bag ko at tumayo. " Mauna na ako. May gagawin pa ako."
"Saluhan mo naman ako oh." Pangungumbinsi niya. " Mabilis lang ito."
" Next time. May importante pa akong gagawin." I lied dahil wala naman talaga.
" Pro--"
" Okay," saad ko at umalis sa lugar na yun.
Ang ganda talaga nang simoy nang hangin dito. Nandito ako ngayon sa tagpuan namin ni Vince. Matagal na rin kaming di nakakapunta dito. Speaking of, matagal ko na rin di nakikita ang mokong na yun. Baka busy lang.
Agad akong humiga sa may damuhan at tinignan ang relo ko. May 25 minutes na lang bago ang susunod kong klase. Di naman siguro masama kong iiglip ako nang ilang minuto o matulog nang ilang oras at umabsent? Bahala na. I need to rest. Ipipikip ko na sana ang mga mata ko nang may narinig akong parang sumisigaw. Agad akong tumayo at tinignan ang paligid kung saan nanggaling ang tunog na yun nang makita ko si Vince sa di kalayuan. Naghahagis siya nang bato sa tabing ilog habang may dalang bote nang alak sa kabilang kamay niya. Agad kong kinuha ang bag ko para puntahan sana siya nang may tumawag. Agad kong kinuha ang cellphone ko at sinagot ang tawag.
"Hello, Aubrey. Where are you? Report natin ngayon, remember?"
Anak nang! Oo nga pala. " Sige, papunta na ako diyan."
"Okay. Just make sure na dadating ka before dumating si Sir."
Tumango ako na para bang nasa harapan ko ang kausap ko bago ko pinatay ang tawag.
Agad kong nilagay sa bag ko ang cellphone ko at tinignan muli kung saan ko nakita si Vince pero wala na siya roon.
"Aubrey, gising. Nandito si Ben."
Agad akong napatayo nang marinig ang pangalan niya. Ba't siya andito?
"May lakad daw kayo," natatawang saad ni Tita bago umalis sa kwarto ko.
Napakamot ako sa ulo ko. Kahit kailan talaga panira nang plano tung Ben na ito.
"Oh, nakababa na pala si Aubrey," rinig kong saad ni Tita nang makababa ako sa may hagdanaan. "Sige. Maiwan ko muna kayo."
"So, saan ba tayo?" Maldita kong saad.
" Basta," tugon siya sabay kindat. "Mauna na po kami, Tita."
"Sige, hijo. Mag-ingat kayo," tugon ni Tita na nasa kusina.
Bubuksan na sana ni Ben ang pinto nang pumasok si Bianca.
"Ben. Andito ka," masayang saad nito.
"May lakad kami ni Aubrey. Sinundo ko lang."
Tinignan ako ni Bianca. " Ah. Sige. Mag-ingat kayo."
Kanina pa akong bored sa pagkakaupo sa sasakyan ni Ben. Di ko talaga alam kung saan ako dadalhin nito. Mabuti na lang at pinakain ako nito nang breakfast kung di baka siya ang kainin ko.
"Are you okay? Malapit na tayo."
I just rolled my eyes at tumingin sa dinadaaanan namin.
Di nagtagal ay huminto kami sa tapat nang isang simbahan. Gosh! Ginising ako nang maaga. Sinira niya ang planong matulog ako nang buong araw tas sa simbahan lang pala kami pupunta. Anong gagawin namin dito? A-attend nang misa? Padabog akong lumabas sa sasakyan niya. Kakainis.
"Let's go" saad niya at unang pumasok sa loob.
I think may isang oras na siguro siyang nakaluhod at nagdadasal bago siyang tuluyang umupo sa tabi ko. " Anong wish mo?"
"Wish?"
Lumingon siya sa akin. " Di ba sabi nila kapag unang beses mo makapunta sa simbahan, mag-wish ka raw. Di ba first time mo dito?"
Tumango ako. " Pero wala akong wish."
He smiled. "It's okay. Marami pa naman tayong simbahang pupuntahan. But for now, let's go."
" Saan naman tayo pupunta? Sa simbahan?"
He laughed. "Basta."
Sobrang saya ko dahil nakapunta ako sa waterfalls. Halos di ko na gusto ang umuwi. Sobrang nag-enjoy ako. Di ko akalaing mapupuntahan ko ang Aguinid Falls, Dau Falls, Hidden Falls nang Samboan at Inambakan Falls nang Ginatilan. Akala ko yung lang yun but I was wronged. Bago kami umuwi ay pumunta kami sa Colase Paradise para mag-dinner. Medyo malayo sa highway pero worth it naman ang bayad dahil unli. Natutuwa rin din ako dahil kami mismo ang magluluto nang kakain namin. Plus, sobrang ganda nang view.
"Nag-enjoy ka ba?" He asked habang nagmamaneho pauwi.
"Oo. Sobrang-sobra," I smiled. "Thank you."
He smiled. "Sa Dios."
Sa Dios? Di ba dapat you're welcome ang sagot niya?
" Aubrey, kung ano man ang naranasan mo ngayon, maranasan mo bukas, sa susunod na araw, linggo, buwan o taon , wag mong kalimutan magpasalamat sa Kanya. Di mo yun maranasan kung di dahil sa Kanya. Yung waterfalls, wala yun dito kung wala Siya. Creation niya ang mga iyun. Wala sanang Colase Paradise kung di niya binigyan nang mga creative minds ang mga taong nasa likod nun. Higit sa lahat, di tayo makakapunta sa lugar na yun kung di niya tayo binigyan nang good health. Kaya, Aubrey always be thankful to Him."