Kabanata 9

1 1 0
                                    

"Di ka magsisimba?" Tanong ni Tita pagbaba ko sa hagdanan.

"May gagawin pa kasi ako ngayon," pagdadahilan ko.

Alam kong sobrang tuwa ni Tita nang malaman mula kay Bianca na nagsimba ako noong nakaraang Linggo.

Tumango siya bagong tuluyang umalis.

"Kumusta ka na, Ma?" Tanong ko pagdating sa puntod ng yumao kong ina sabay lagay sa bulaklak. "Sana po ay masaya kayo diyan. Wag po kayong mag-aalala sa akin. Kaya ko ito. Sorry, Ma kung kailangan kong gawin ang trabaho na yun. Nahihiya na po kasi ako kay Tita. Pero konting tiis na lang at makapagpatapos na ako. Aalis na ako doon at makakahanap nang totoong trabaho. I love you, Ma at miss na kita."

Kasabay ng pagtulo ng aking mga luha ay ang pag-ihip ng malamig na simoy na hangin.

"Ma, pero sasali daw si Aubrey," rinig kong saad ni Bianca pagdating ko.

Sa halip na dumiretso sa kwarto ay nagtago ako sa pader para marinig ang pinag-uusapan nila sa kusina.

"Mas mabuti. Wag kang mag-aalala. Gagawa ako ng paraan para makasali kayong dalawa sa NYD, " saad ni Tita.

NYD?

"Pero, Ma. 3k na kung dalawa na kaming sasali. Baka mahirapan lang kayo, " nag-aalalang saad ni Bianca.

" Tita, Bianca," saad ko at nagtungo sa kusina. "NYD? 3K?"

Nagtinginan sila bago ako sagutin.

"Ang sabi kasi ni Ben sasali ka raw sa NYD. Gusto ko sana kaso mahal ang registration. Magiging 3K sa ating dalawa. Baka mahirapan si Mama, " malungkot na saad niya.

Ako sasali? Lagot ka sa akin kapag nagkita tayo, Ben.

"Ikaw na lang ang sumali, Bianca. Saka wala akong hilig diyan," pagkukumbinsi ko.

" Naku! Di ako papayag. Ano ba kayo? Gagawa ako ng paraan. Di ba January pa naman ang deadline? Magagawaan ko pa yan ng paraan. Yung pera madaling mahanap lalo na't ginagawaang ng paraan pero ang mga oportunidad na katulad yan, once in a blue moon lang yan. Kaya gusto kong sumali sa'yo kayong dalawa. Period."

Napabugtong-hininga ako. " Sige. Sasali ako basta ako ang magbabayad sa registration fee sa aming dalawa. Ako na ang bahala. "

" Talaga? "Masayang saad ni Bianca. " Pero baka masali ako sa mga babayaran ni Father. Ang sabi kasi mag-sponsor daw si Father na magbayad sa registration fee. Lima ata at saka sabi ni Ben dahil mag-sponsor daw din siya. Pero baka si Vyne yun. "

" Rinig kong sasali ka raw sa NYD? " Tanong ni Vince habang kumakain kami sa cafeteria.

Walang gana akong tumango habang pinaglalaruan ang spaghetti.

"Ba't parang nag-iba ang ihip ng hangin? Ba't gusto mong sumali sa mga ganyan? Di ba ayaw mo sa mga ganyan. Kahit nga anong pilit ko dati, ayaw mo talaga. Ba't ngayon? "

Tinigil ko ang paglalaro sa spaghetti at tiningnan siya. " People change."

" Really?" Natatawang sabi niya sabay inom sa C2.

"Yeah."

Pero lalo siyang tumawa. "I don't believe you."

"Fine. Si Ben. Siya ang nag-udyok sa akin. Okay ka na? "

Tumahimik siya at tinignan ang relo niya. " May pupuntahan pa pala ako. Kitakits."

Agad niyang kinuha ang bag niya at mabilis na umalis. Anong nangyari? Bakit parang nagbago ang mood niya?

Aalis na rin sana ako nang makita ko si Vyne sa harap ko.

"Can we talk?"

Agad akong tumango. Umupo siya sa harap ko kung saan umupo kanina si Vince.

" I hope you answer me with honesty," pagsisimula niya. "Napansin ko kasing lagi na kayong magkasama. I even saw you talking. And the way he stares at you, alam kong may something but I can't ask him. Kaya ikaw ang tatanungin ko. Do you like him? "

Nagulat ako sa tanong niya. Oo, I like Vince since then. Pero ayaw kong masira ang kung ano ang namamagitan sa kanila. He's happy with Vyne. I'm just his best friend.

"Si Vince?" I faked a laugh. "Naku! Hindi no! Never."

Umiling siya. "No. Not Vince. I mean Ben."

"Ben?"

Tumango siya. " Yes, Ben. "

He's Our LightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon