THIRD PERSON POV
Nasa school ang mga SSG at FSLTP officers para paghandaan ang foundation day sa susunod na linggo na nagkataong unang linggo ng klase sa second semester. Plano nila na magkaroon ng week-long celebration para sa mga estudyante at faculty.
“May mga kalahok na ba?” Tanong ni Ben na nakatayo sa kanilang lahat, na siya rin kasalukuyang SSG President.
“May mga kalahok na sa mga competition sa faculty habang para sa mga estudyante naman ay wala pang representative sa pageant ang CAS Department at wala rin representative sa debate ang Engineering Department.” Tugon ni Kim, ang Press Secretary.
“Don't worry, Pres. Na-follow up ko na ang CAS Department. Nakiusap ko na rin ang CAS Department President. They are still having a meeting kung sino ang pagpipilian nila,” saad ng CAS Ambassadress.
“Pina-finalize pa ng Engineering Department kung sino ang isasali nila. Within this day, baka may maipadala na silang representative,” ni COE Ambassador.
Tumagal ng isa at kalahating oras ang meeting. At nang matapos ay naiwan silang Ben at Vince sa SSG office.
“Ben," tawag ni Vince. Kapag ito ang tawag niya sa binata ay ibig sabihing personal ang kailangan nito.
Tumigil si Ben sa ginagawa at nilingon si Vince.
“Gusto ko lang humingi ng tawad. Alam naman natin na hindi maganda ang pakikitungo ko sa'yo lalo na non malaman ko na gusto ka ng taong mahal ko. Nakikita kitang karibal, ka-kumpetensya hindi kaibigan kahit na alam ko naman na kaibigan ang turing mo sa akin. Kahit nga pinagsasabihan mo lang ako ay naisip ko na nagmamagalingan ka lang kahit alam ko na para yun sa ikakabuti ko.”
Tumayo si Ben at hinawakan ang kaliwang balikat ni Vince. “Matagal na kitang pinatawad kahit hindi mo pa sabihin. At saka, hindi kaibigan ang turing ko sa'yo. Kapatid. Patawarin mo rin ako dahil nakikita mo akong karibal sa lahat.”
Tumawa si Vince kaya inalis ni Ben ang kamay nito. “Hay nako! Kahit walang kasalanan, humihingi ka pa rin ng tawad. Ang bait mo talaga, Pres.” At pareho silang tumawa.
Aubrey's POV
“Ano sa tingin mo?” Tanong ni Bianca habang tinitignan ang huling restaurant na pagpipilian niya para sa birthday ni Papa.
“Mahal.”
Sumimangot siya. “Lahat na lang mahal para sa'yo. Nakakainis ka.”
“Kasalanan ko ba kung kamamahal ako?" Biro ko pero hindi siya natatawa. “Fine. Mag-picnic na lang tayo.”
Mukhang natuwa naman siya sa sinabi dahil agad niya akong niyakap. “Ang galing mo talaga! Mukhang magandang ideya yun! Kailan tayo bibili ng mga kailangan natin?”
“Bukas na lang.” Dahil may pasok pa ako sa restaurant. At huling araw ko na rin. Saka nag-text pa si Dave sa akin na ang libre niya daw. Nitong nakaraan ay magkaiba kami ng shift.
“Sige. Bukas ha?”
Tumango ako. “Sige na. Magbibihis pa ako.”
“Teka.” Kumunot ang noo ko. Ano na naman kaya ang kailangan nito? “Di ba may gusto ka kay Vince before?”
Tumayo ako mula sa pagkaupo sa kama ko at dumiretso sa cabinet para mamili ng susuotin. “Oo. Ba't mo natanong?”
Ramdam ko ang paghiga niya sa kama ko. “Di ko rin alam. I don't know. I just feel something.”
Ngumiti ako. “Baka may feelings ka na.” Biro ko.
“But she's Vyne's ex." I feel the sadness in her voice.
Sinirado ko ang cabinet habang bitbit ang napiling damit at lumingon sa kanya. “And?”
She sighed. “Best friend ko si Vyne since Grade 7. She's always there for me. Tinutulungan niya ako sa lahat. Para ko na rin siyang Ate. But nasira ang lahat ng yun, when I choose to love Ben.” Tumayo siya. “Dahil doon, lumayo ang loob niya sa akin. And now, Vince. Kahit hindi niya sabihin, I know na nahulog na siya kay Vince. Vince is a good man.”
Lumapit ako sa kanya at lumuhod sa harap niya. “May mga bagay talaga na we can't control katulad ng kung sino ang mamahalin natin. Siguro, pakiramdam lang niya na she was betrayed but I'm sure kapag okay na siya at nag-usap na kayo, malalaman mo rin na importante pa pala niyo ang isa't-isa. ”
Ngumiti siya. “Baka, it's time na mag-usap kami. ” Kinuha niya ang phone niya mula sa bulsa ng shorts niya at tinawagan si Vyne.