Kabanata 3

7 1 0
                                    

Nasa labas na ako ng simbahan para hintayin si Bianca. Ang sabi niya pagkatapos ng meeting nila ay magpapasama siya sa akin. Yung nga lang di ko alam kung saan.

Nilibang ko ang aking sarili sa mga naka-display na mga paninda malapit sa simbahan. Malapit na kasi ang pista dito.  Nagpatuloy lang ako sa pagtingin sa mga paninda hanggang sa nahagip ng aking mga mata ang isang malaking manyika. Parang nawasak ang puso ko nang makita ang bagay na yun. Bagay na nakakapag-alala sa aking nakaraan.

"Miss, bibilhin niyo po ba ito?" Sabi ng tindero having hawak ang manyika. " Siguro may kapatid kang babae? Tiyak matutuwa po siya kapag binili niyo ito. Wag po kayong mag-alala, mura lang ito."

Umiling ako at ningitian siya bago ko umalis sa lugar na yun. Agad kong kinuha ang cellphone sa bag ko para sana i-text si Bianca kung tapos na ang meeting nang biglang may humawak sa aking braso.

"Halika na."

Huminga ako ng malakas nang marinig ang boses bago ko siya nilingon.
"Mabuti pa nga. Kanina mo pa ako pinaghintay dito."

Nag-peace sign siya. " Sorry. "

Kinabukasan, naging abala kami para sa simpleng salo-salo para sa kaarawan ni Bianca. Ang sabi daw kasi niya ay inimbitahan niya lahat ng miyembro at kaibigan niya sa simbahan na nagsisilbing pangalawang pamilya niya.

Mga alas 11 na nang unti-unting dumating ang mga bisita niya. Ang unang dumating ay isang lalaki at babae na ang sabi niya ay Coordinator at President nila. Di nagtagal ay dumating na ang lahat nang bisita niya.

"Ikaw pala si Aubrey?" Panimula nang isang lalaking Weno daw ang pangalan nang magsimula na kaming kumain.

"Oo. I'm Bianca's cousin," tugon ko sabay inom sa Sprite.

"Ilang taon ka na?"

"22."

Tumango naman siya habang kumukuha ng slice ng cake.

" May Youth Camp kami after fiesta. You wanna join?"

Umiling ako. No way. Why should I? Boring lang yan.

" Are you sure? Marami kang makikilalang mga youth from other parishes hence we invited some parishes nearby. Of course, marami kang matutunan. It can enlightened you."

Englightened? Mukha ba akong nasa kadiliman.

" Baka busy ako."

"Pumayag ka na, hija," singit ni Tita na nasa likod ko pala. "Sa tingin ko, makakatulong yan sa'yo."

"Oo nga," Bianca agreed.

" I'm not into that. Alam niyo naman--"

"Please. Birthday gift mo na lang. Please. Sumali ka na," pangungumbinsi ni Bianca na nasa bandang kaliwa ko.

Huminga ako ng malalim.
"Fine."

"Talaga?" Di makapaniwalang sabi ni Vince.

Nandito kami ngayon sa park. Vesperas at gusto niyang mamasyal kami bago siya maging abala sa simbahan at bahay niya.

"Sasama ka talaga?"

Tumawa ako sa sinabi niya.
"You really think? Hindi noh."

Nakita ko ang pagkadismaya niya sa sinabi ko.

"I just said that because it's Bianca's birthday," saad ko habang kinakain ang popcorn binili niya kanina.

Pagkatapos ng fiesta, akala ko makakalimutan ni Bianca ang sinabi ko sa birthday niya but I was wronged.

"Yan yung mga dadalhin natin. Don't worry si Mama na ang bahala sa utensils. Yung damit mo na lang," paalala niya sabay bigay sa isang papel bago ako umalis ng bahay. "Tas yung parent's consent, pinirmahan na ni Mama. I'm just happy kasi sa tingin ko, this is the reason you will open your heart to Him."

Ngumiti ako ng mapait bago ako nagbeso at umalis.

Maingay na pagdating sa pagtratrabahuan ko. Ano pa ba ang aasahan ko? Hindi naman natural na tahimik na lugar ang pinagtratrabahuan ko. Kung tahimik, ibig sabihin walang tao. Walang tao, walang pera. Walang pera, walang sahod. Walang sahod, gutom ang aabutin.

"Aubrey, ang tagal mong bumalik ha?" Bungad sa akin ni Mae pagdating sa kwarto kung saan nandito kaming lahat para magbihis.

"Naging busy lang," tugon ko at sinimulan na ang paglalagay ng make-up.

" Sige. Mauna na kami," pagpaalam ni Mae.

Tumango lang ako.

Nang matapos na ang paglagay ko ng make-up ay binalik ko sa bag ang mga make-up ko nang makita ang papel na binigay sa akin ni Bianca. Kinuha ko ito at tinapon sa basurahan bago ako lumabas para magtrabaho.

He's Our LightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon