Third Person POV
"Nasa hardin," saad ng matandang babae na tila ba alam na niya kung sino ang pakay ng dalagang kakarating lamang.
"Maraming salamat, Lola," tugon ng dalaga sabay mano.
Huminga ng malalim ang dalaga bago naglalakad papunta sa hardin. Maganda at puno ng iba't-ibang klase ng bulaklak ang hardin ng pamilya Señagan. Mahilig sa mga bulaklak ang bunsong anak nila kahit na ito ay lalaki.
"Kumusta ka na?" Tanong ng dalaga nang makita ang kanyang pakay.
Sumensyas ang lalaki na paupuin ang dalaga sa may gilid niya. Nagsusulat kasi ng tula ang lalaki pagdating niya.
"Okay lang naman. Medyo okay na. Bumubuti na."
Ngumiti naman ang dalaga sabay abot ng isang paperbag. "Ito nga pala para sa'yo. Alam kong paborito mo ito."
"Salamat, Bianca." Tugon ng binata at tinanggap ang binigay ng dalaga.
"Sige. Alis na ako. Pupunta pa ako sa simbahan. Hanggang sa muli, Vince," pagpapaalam niya at bumeso.
Medyo nagulat si Vince sa ginawa ni Bianca pero agad naman itong nakabawi. Matagal na silang magkakilala lalo na't matalik na kaibigan ni Vince si Aubrey, ang pinsan ni Bianca.
"Hanggang sa muli."
Nang umalis na ang dalaga ay binuksan ni Vince ang paperbag. Napangiti siya sa laman nito, ang paborito niyang strawberry cake.
Aubrey's POV
Kanina pa ako nakatingin sa flashdrive kung pakikinggan ko ba ang kantang naka-save dito. Hindi ko alam pero parang hindi pa ako handa. Tumayo ako sa kama at napagdesisyunang itago ko lang muna ito. Alam ko naman na hindi ako mapapasama pero para bang..
"Aubrey, puwede ba tayong mag-usap?"
I sighed bago ko siya nilingon. "Opo, Tita."
Umupo ako sa kama ko at habang siya ay nakaupo sa upuan na nasa harapan ko. Kanina pa siyang nakapasok sa kwarto ko pero wala pang isang salitang lumalabas sa bibig niya.
"Tita, mawalang-galang na po, kung--"
"Aubrey," huminga siya ng malalim. " Kababata namin si Lock ng Mama mo. Bata pa lang kilala namin ang isa't-isa. Siya lang ang tinutiring namin ni Ate na totoong kaibigan. Good and bad times, lagi siyang nandiyan para sa amin."
Tumayo si Tita at tumalikod sa akin. Hawak niya ngayon ang picture namin ni Mama, ang huli naming picture na nakalagay sa study table ko.
"Hanggang sa tumanda kami at nalaman ko na mahal nila ang isa't-isa." Pagpapatuloy niya. "Nasaktan ako kasi mahal ko si Lock at mas malapit kami kaysa kay Ate. Tinago ko ang totoo kong nararamdaman ko nang ilang taon hanggang sa nalaman ko na nakipaghiwalay si Ate. Pumunta si Ate sa Davao na hindi alam ni Lock. Di nagtagal, naging kami ni Lock. Siguro tamang sabihin na umaasa akong kami na sa mga panahon na yon. Pero pagkatapos ng isang taon, nakita niya si Ate sa Davao," nilagay niya ulit ang picture frame at lumingon sa akin. "Kasama ka na ni Ate. Unang tingin pa lang ni Lock, alam na niya na anak ka niya. At nong panahong yun, buntis ako kay Bianca at alam ni Lock yun. Siguro, nalito siya kung ano ang gagawin niya at ang mundo na ang gumawa ng paraan dahil nagkaroon ng project si Lock sa ibang bansa at pumunta siya roon. Simula non, pinalaki namin kayo ni Bianca na ang paniniwala ay wala na kayong ama." Bigla siyang lumuhod sa harapan ko at umiyak. "Patawarin mo ako, Aubrey kung hindi nabasa ni Ate ang diary ko tungkol sa nararamdaman ko ay baka masaya kayo ngayon."
Niyakap niya ako at rinig ko ang paghikbi niya. Pagkatapos ng ilang minuto ay kumawala siya sa yakap. Bago siya umalis ay may inabot siyang sulat.
Nang ako na ang mag-isa ay saka ko binasa ang sulat.
Mahal kong Aubrey,
Patawarin mo ako sa lahat ng pagkukulang ko at lalo na sa panahon na sa tingin mo ay ako ang dahilan nang pagkasira ng buhay mo. Hindi ko talaga alam, anak na ikaw ay mapapamahak dahil doon. Wag kang mag-alala dahil nasara na ang lugar na yun at binigyan ko nang trabaho ang dating nagtratrabaho roon para makapagsimulang muli. Nalaman ko na ang ilang sa kanila ay naging mga kaibigan mo. Masaya ako dahil may mga kaibigan ka. Nalaman ko rin na napakabait mong bata. Baka magkasundo pa tayo sa pagtulong sa mga nangangailangan.
Alam kong marami akong pagkukulang sa'yo at sana ay bigyan mo ako nang pagkakataon para mapunan ang lahat nang yun. Sa ngayon ay nasa Dumaguete ako para sa isang project at sana pagbalik ko ay okay na tayo… Mapatawad mo na ako, anak. Hindi na ako nagpaalam sa'yo sa personal dahil baka hindi mo lang ako kausapin at busy ka rin sa trabaho.
Kung tatanungin mo kung minahal ko ba ang Mama mo at Tita mo? Oo. Pareho ko silang minahal. Pero ang Mama mo, siya ang first love ko. Siya ang nagturo sa akin kung paano magmahal at sa kanya ko rin unang naranasan ang mahalin ng totoo. Siya rin ang nagbigay-buhay sa totoong kahulugan nang pag-ibig.
Mahal na mahal kita, anak.
Nagmamahal,
Iyong Ama, Lock