Pagkatapos kung ikwento ang buhay ko ay niyakap lang ako ni Ben at nang tumahan na ako ay may inaabot niya sa akin ang panyo at flash drive. Umalis na siya pagkatapos noon. Hanggang ngayon ay nandito pa sa bag ko ang flash drive. Hindi ko pa na tinitignan kung ano at para saan ito.
"Naiitindihan niyo ba yung tree diagram na topic? Nalilito ako." Rinig kong saad nang isang estudyante.
Napatingin ako sa dako nila. Dalawang babae na tila nagre-review.
"Ewan ko ba. Nahihirapan nga ako sa Morphology and Phonology sa Syntax pa kaya?" Reklamo nang isa.
Napangiti ako. Dati rin nasa lower years ay nahihirapan ako sa mga major ko. Mas gusto ko nga pumasok sa minor. Ngayon, kunting tiis na lang at matatapos na rin ako. Mabibigyan ko na rin nang magandang buhay silang Tita Evelyn. Masusuklian ko na rin ang kabutihan niya.
Tumayo ako at nilapitan ang daalwang estudyante. Bigla naman sila nagtaka nang makalapit ako sa kanila.
"Gusto niyo bang tulungan ko kayo?" Tanong ko at ngumiti.
Tumango naman sila kaya agad akong umupo sa harapan nila. Pagkatapos ko silang turuan ay nagpasalamat sila sa akin. Gusto ko sana nila akong ilibre pero tumanggi ako. Kailan man ay hindi ko humihingi nang kapalit sa tulong na ginawa ko.
"Ate, puwede sa susunod yung Pragmatics naman?" pahabol ni Tina.
Siniko naman siya ni Dina. "Pasensya na, Ate. Ganyan lang talaga siya. Salamat ulit."
I smiled. "Okay lang. Ramdam ko kayo. Ganyan din ako dati. Pero malalampasan niyo rin yan."
Malalampasan? Oo. Malalampasan ko rin kaya itong mga hinaing ko sa buhay katulad nang paggawa ko sa mga subject ko?
"Sorry, Ate." Tina sighed. " Hindi naman talaga ako magaling sa English. Iwan ko ba kung bakit sa AB ELS ako napunta. Akala ko kasi verb is an action word lang." Tumawa siya. "Siguro may plano ang Diyos kung bakit napunta ako dito at alam kong maganda yun. Lahat nang nangyayari ay may rason di ba? At alam kong maganda ang rason na yun. "
Kung ganon, anong rason niya kung bakit kinuha niya ang Mama ko?
Ngumiti lang ako at nagpaalam na sa kanila. Aalis na sana ako sa library nang makita ko si Vince na pumasok sa library at pumunta sa pinakasulok. Matagal ma rin kaming hindi nagkita o nag-uusap. Alam kong nangako ako na hindi siya iiwan at sa tingin ko ay unti-unti ko na itong napapako. Sinundan ko siya sa pinakasulok na bahagi nang library. Umupo siya at sumandal sa pader. Nakatingin siya sa kisame at doon ko namalayan na umiiyak siya. Lumapit ako sa kanya at umupo sa tabi niya. Hindi niya ako pinansin at pinikit niya lang ang mga mata niya. Niligay ko ang ulo sa balikat niya.
"Nandito lang ako, Vince."
Mas lalo siyang umiyak. Umayos siya nang pagkaupo at tinignan ako.
"Aubrey…" His voice cracked. " May bagsak ako na subject. "
Nagulat ako sa sinabi niya. Kung tatanungin ako kung sino ang pinakamatalino at pinakamasipag mag-aral na taong kilala ko, si Vince yun. Nakita ko kung paano siya magpursige. Kahit marami siyang sinalihan ay di niya pinapababayaan ang pag-aaral niya.
"Ewan ko ba. Ginawa ko naman lahat. I gave my best pero kahit anong gawin ko di pa rin sapat. Katatapos lang nang finals namin, tas ang baba nang score ko. Mababa rin ang maga quizzes, performance at activities ko. Baka mag-shift na lang ako next sem."
"Pinuntahan mo na ba ang prof mo? Lagi ka naman ganyan, Vince. Akala mo, hindi mo kaya. Akala mo, bagsak ka pero hindi naman. Ikaw pa ba." I tried to cheer him up.
He sighed. "Iba ito. Ramdam ko."
Tuluyan na ngang natapos ang 1st semester at mayroon kaming 1 buwan semestral break. Ang pinakagusto ko sa lahat ay amg semestral break dahil sa wakas makapag-relax na ako.
"Aubrey." Tawag sa akin ni Tita pagbaba ko. "Ba't di mo sinabi na nagtratrabaho ka pala?"
Alam na niya? Pati ba yung pagtratrabaho ko sa--
""Aubrey, may pumunta dito kahapon. Nangumusta sa'yo. Nagpakilala siya bilang kasamahan mo sa trabaho sa bar."
Umiyak siya at niyakap ako. "Ba't mo naman ginawa yun? Di mo kailan pumasok sa ganun trabaho. Di mo kailan…"
Kumawala ako sa yakap niya. " Tita, waitress lang ako dati doon." Nagulat siya sa sinabi ko. "Pero ngayon sa restaurant na ako."
Ngumiti siya. " Anak." Anak? Matagal na panahon na ang huling panahon may tinawag sa akin na ganyan. " Noong una, nagtataka ako kung bakit may pera kang binibigay sa akin. Akala ko sa sahod yan mula sa mga nagpapagawa sa'yo nang project nila. Katulad nang ginagawa mo dati sa high school. "
Naalala ko ang panahong yun. Kapag may nagpapagawa sa akin nang project ay kumukita. Iwan ko ba kung bakit may mga taong hindi marunong magpursige. Lahat ay dinadaan sa pera. Pero okay lang dahil kung maraming tamad na estudyante, maraming kita.
Huminga nang malalim si Tita at hinawakan ang pisngi ko. " Ang laki mo na. Marunong ka nang magdesisyon para sa sarili mo. Siguro dapat mo nang malaman. Ang tunay na dahilan nang pagkamatay nang Mama mo."