Chapter 3

8.7K 395 5
                                    

𝗖𝗛𝗔𝗣𝗧𝗘𝗥 𝗧𝗛𝗥𝗘𝗘

𝗠𝗼𝗻𝗮𝗺𝗶’𝘀 𝗣𝗢𝗩 [𝗖𝘇𝗶𝗮𝗻𝗰𝗶𝗲𝗿𝗮]

“AYAN! Napakaganda mo talaga, prinsesa!” papuri ni Hidra sa akin matapos niyang mailagay ang tiyara sa ulo ko.

Ang ganda nga nitong katawang kinalalagyan ko pero mas lamang pa din ng kaunti ang nauna kong katawan, mas matured ‘yon e.

Nakasuot ako ng isang red-gold themed gown at kung tutuusin ay sa pesteng gown na ‘to kami natagalan sa pag-aayos. Halos treinta minutos ang ginugol namin masuot ko lang ‘to.

Nakakaloka!

“Ate, mahuhuli na ang Prinsesa Monami sa pananghalian,” nininerbyos na wika ni Altah kaya tumayo na ako at lalakad na sana palapit sa pinto ng pigilan ako ni Hidra.

“Ang iyong sandalyas, prinsesa. Kailangan mo pong magsuot nito dahil mahigpit na ipinagbabawal ang pagyapak kung hindi ka pa kasal,” sabi niya at inilapag sa paanan ko ang isang pares ng sandalyas na katerno ng suot ko. Isa itong stilletoe shoes at parang tumataginting na anim na pulgada ang taas ng takong!

Walang hiya, ano ako? Model? Rarampa sa Miss U?

Medyo nagulat ako sa sinabi ni Hidra patungkol sa bawal ang pagyapak. Parang tanga lang, parang ‘yon lang, e! Big deal ‘yon? Palagi nga akong nakayapak sa bahay dati at saka sa office ko sa company! Anong kalokohan ba ‘yan? Kabaliwan!

Nang masuot ko na ang sandalyas ay hinawakan ako sa braso ni Hidra. “Magteleporto na lamang tayo, Prinsesa Monami, upang mabilis nating marating ang hapag-kainan,” sabi niya na tinanguan ko na lang. Medyo kabado ako na nae-excite! At last, mararanasan ko na ang mag-teleport!

Nangunot ang noo ko nang maging blur ang paligid pero ilang saglit lang ay naging stable din at nasa tapat na kami ng isang malaking pinto na yari sa de-kalidad na kahoy.

Hinawakan ni Hidra ang handle ng pintuan at nginitian ako. “Kompleto na sa loob, Prinsesa Monami. Ikaw na lamang ang kulang…” aniya saka bumwelo at malakas na sumigaw. “ANG PRINSESA MONAMI AY NARITO NA!” At binuksan nila ni Altah ang pintuan.

Pagkabukas ng pintuan ay isang mahabang mesa kaagad ang napansin ko kung saan may samo’t saring pagkain na hindi ko matukoy kung anu-ano ba dahil hindi pamilyar ang mga ito. May walong upuan na nakapaikot sa mesa at ang pito ay okupado na. Ang bakanteng upuan na lang ay sa kaliwang gilid ng reyna at sa tabi ng babaeng may maikling ginintuang buhok.

Gumala ang tingin ko sa mga kakain, ang reyna lang ang kilala ko. Katapat ng reyna ay isang lalaki na nasa 40s na yata at nakasuot siya ng magarang damit pang-hari.

So, sila ang pamilya ni Monami na magiging pamilya ko na rin? Well, kung kaya nilang tiisin ang ugali ng bagong Monami ay ituturing ko silang PAMILYA KO na.

“Magandang tanghali, anak!” bati sa‘kin ng reyna at minuwestra ang bakanteng upuan, “Maupo ka na.”

Kinilatis ko muna ang babaeng makakatabi ko. Gaya ng sabi ko kanina ay may maikling ginintuang buhok siya na nakapa-waterfall ang hairstyle. Ang mga mata niya ay kulay abo at maputi ang balat. Well, to be fair, lahat kami ganoon ang pisikal na anyo. Pero pansin ko, ang laki ng pagkakahawig namin ng babaeng makakatabi ko. Siguro siya ‘yong sinundan ko— ni Monami.

Umupo ako sa bakanteng upuan na ‘yon at sumandal saka nakahalukipkip na pinasadahan sila ng walang kabuhay-buhay kong tingin. “Saglit. May sasabihin ako. Alam ko na kung sino ang nagbigay ng pulot na may katas ng alorca sa akin,” sabi ko na ikinapukaw ng atensyon nilang lahat. “Ang nagbigay… ng pulot sa akin ay si…” Sinadya kong bitinin ang sinasabi ko at tiningnan ang bawat reaksiyon ng mga kapatid ni Monami.

Reincarnated as an Element Powerless Princess (Volume 1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon