Author’s note:
Pasensiya na sa sobrang tagal na hindi pag-aupdate! Please enjoy this long chapter! Thank you! <3
.
.Monami [Czianciera]
“Handa ka na ba, bunso?” tanong ni Niah na kasalukuyang inaayos ang mga laman ng maleta niya.
Kasalukuyan akong nasa kuwarto niya dito sa dormitoryo ng mga babaeng Primarya—ang mga estudiyante na mga panganay na prinsesa ng iba’t ibang kaharian. Matapos naming kumain nina Winter, Viachain, at baby Phoebe sa napakagarbo nilang Canteen ay dumiretso kami dito sa dormitoryo nila.
Kanina ay naglalaro lang ako sa ng mobile game sa sala pero ngayon, nandito na ako sa kuwarto niya. How did I got here, anyway?
“Wala naman akong kailangan paghandaan. Hindi ako sasabak sa giyera, ‘no,” sagot ko habang patuloy na naglalaro ng mobile game which is ang Criminal Case.
“Hay naku, bunso!” rinig kong sigaw niya at marahas siyang bumuntong-hininga. “Kailangan mong maghanda! Mahirap ang mga pagsusulit na iyon!”
Itinigil ko muna ang paglalaro at sinulyapan siya. Kasalukuyan na siyang nakatingin sa‘kin habang nakapamaywang. Inirapan ko na lang siya at bumalik na sa sala.
Mahirap daw? Baka valedictorian ‘to noong high school sa Earth at magna cum laude noong college! Though naging gangster ako since I was in my middle school, hindi ko naman pinabayaan ang pag-aaral ko.
Pagbalik sa sala ay natagpuan ko si baby Phoebe na pinalilibutan ng iba pang Primarya. Ngayon ko lang nalaman na… bukod sa mga kahariang pinanggalingan ni Winter at ng mga kaibigan niya ay may iba pa palang kaharian.
“Mommy~!” tuwang-tuwang sigaw ni baby Phoebe pagkakita sa‘kin at niyapos ng yakap ang baywang ko. “Anong nangyari, mommy? Nagbigay ba ng good luck si tita Niah para sa tests mo?” tanong niya at kumalas sa yakap.
Ah, now, naalala ko na. Pinaakyat niya pala ako sa kuwarto ni Niah para humingi daw ng good luck. Ako naman ‘tong si focus sa cellphone, sumunod ng lutang. At dahil nga lutang ako ay hindi ako nakahingi ng good luck mula kay Niah. Well, I don’t need that tho.
Pabagsak akong umupo sa napakalambot na couch at nagpatuloy sa paglaro. Bago ko pa makalimutan ang tanong ni baby Phoebe ay sinagot ko na ito. “Wala naman siyang binigay,” simpleng sagot ko at sinulyapan ang oras sa taas ng screen ng phone ko.
Thirty minutes pa bago mag-three. Chill lang muna ako.
“Prinsesa Monami, nasabi ni Winter na ikaw raw ang may gawa ng kanilang mga kakaibang damit,” sulpot ng kung sino sa harap ko.
“Oh, tapos?” tamad na tanong ko ng hindi man lang siya pinapasadahan ng tingin.
“Nakakahiya man pero… kakapalan ko na ang aking mukha… hehehe~ M-maari mo rin ba akong gawan ng mga kakaibang damit?”
Dahil sa tanong niyang ‘yon ay hindi ko na napigilang tingnan siya. Hmmm, nagpakilala na siya sa‘kin kanina noong pagdating namin nina Winter dito pero… hindi ko matandaan. Her name is somewhat close to… Kayne? Klair? Kair? Kale? I wasn’t really interested in here kaya hindi ko tinandaan ang pangalan niya.
BINABASA MO ANG
Reincarnated as an Element Powerless Princess (Volume 1)
FantasyCzianciera Constellaxia, isang dalawampu't anim na taong gulang na babae na nagmamay-ari ng isang sikat na kompanya - ang Constellaxia Fashion Company - sa bansa. Siya ay matapang at malakas na babae na muling magkakatawang-tao sa katawan ng ibang t...