Chapter 21

3.1K 161 3
                                    

𝗖𝗛𝗔𝗣𝗧𝗘𝗥 𝗧𝗪𝗘𝗡𝗧𝗬-𝗢𝗡𝗘

𝗠𝗼𝗻𝗮𝗺𝗶’𝘀 𝗣𝗢𝗩 [𝘾𝙯𝙞𝙖𝙣𝙘𝙞𝙚𝙧𝙖]

PAGKATAPOS ng pananghalian namin ay inaya ako ni Amalia na sa labas na lang daw kami mag-usap.

Pagbukas ko ng pintuan ng mansion ay nanlaki ang mga mata ko nang makita ang labas. Nababalot ng puting nyebe ang kalsada maging ang mga puno at bulaklak! Hindi pa ganoon kakapal ang nyebe, mukhang kagabi lang umulan ng gano’n.

Umihip ang malamig na hangin kaya nayakap ko agad ang mga braso ko. Sleeveless ang bestidang suot ko kaya nanuot agad ang lamig.

“K-Kukuha muna ako ng dyaket s-sa kuwa—” nangangatal ang boses na paalam ko pero natigilan ako nang may kung anong makapal na bagay ang pumatong sa balikat ko.

Nilingon ko ang likod ko at nakita si Kard. Tiningnan ko naman ang nasa balikat ko at kinuha. Isa palang dyaket na umaabot sa paanan ang laylayan, kulay itim at de-zipper pa. Hmm, walang ganito sa mga kasuotang ginawa namin, ah! Kaniya ‘to?

“Oo, akin ‘yan. Kakagawa ko lang gamit ang Creation skill. Suotin mo na at mag-usap na kayo,” aniya at bumaling kay Amalia na nakalabas na. Nakasandal lang ito sa isang pillar habang sa malayo nakatingin. “Amalia…”

“B-Bakit, Prinsipe Kard?” aligagang tanong niya at agad na lumapit sa‘min. “May sasabihin ka, prinsipe?”

“Huwag mong hayaang may ibang makarinig. Umalis na kayo,” aniya at binalingan ako. Tiningnan niya lang ako sa mata.

Nag-iwas ako ng tingin dahil hindi ko talaga kayang tagalan ang tingin niya na parang nanghihigop. Isinuot ko ang dyaket at bumaling kay Amalia, “Tara na.”

Hinawakan niya ako sa braso, “Magteleporto tayo.”

Lumabo ang paligid at nang umayos muli ay tumambad sa akin ang napakaraming bulaklak. Nasa isang open field kami at sa ‘di kalayuan ay mga kawayanan. Ang buong lugar ay punó ng mga bulaklak na ngayon ko lang nakita. Mga pulang bulaklak na may hugis pusong petals at parang isang rosas. Meron ding kulay asul, dilaw, puti, kahel, berde, lila, at kayumanggi. Meron ding maliliit na damo ang nakiki-epal sa ganda ng mga bulaklak.

Sa pinakagitna ay may nakikita akong mataas at matapan na bato kung saan ay may nakaladlad na pulang tela. Nagmistula itong red blanket. May isang basket rin doon.

Ang ganda!

“Ito ang… tahanan ko,” rinig kong sabi niya kaya napatingin ako sa kaniya. Nagsimula siyang maglakad palapit doon sa bato.

Nagulat ako nang sa bawat lakad niya ay kumukurba ang mga bulaklak na parang binibigyang-daan siya! Gago, astig!

Dahan-dahan akong sumunod sa kaniya. Ang bawat madadaanan kong bulaklak ay kumukurba rin. Walangya, ang astig talaga!

“Ang ganda naman ng tahanan mo…” naisatinig ko na lang at bahagyang yumuko saka hinipo ang isang kulay pulang bulaklak. Hahawakan ko pa lang ang petals nito ng kusang kumurba palapit sa daliri ko ang bulaklak.

Huwag lang sanang magsasalita ang bulaklak dahil baka isipin kong… minamaligno ako, pfft.

“Maganda nga, tahimik naman. Dalian mo, sumunod ka na sa akin.”

Agad akong sumunod sa kaniya dahil gusto ko ng malaman iyong kung ano man ang nalaman nila. Pagkarating sa bato ay naupo kami sa blanket. Sinilip ko agad ang basket, may laman iyong mga prutas.

“Penge,” paalam ko sa kaniya at kumuha ng prutas na kulay lila at may hugis na parisukat. Kasinglaki nito ang asukal—hindi sa Pilipinas, ‘yong sa ibang mga bansa sa Earth.

Reincarnated as an Element Powerless Princess (Volume 1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon