Chapter 47

1.9K 114 19
                                    

𝗖𝗛𝗔𝗣𝗧𝗘𝗥 𝗙𝗢𝗨𝗥𝗧𝗬-𝗦𝗘𝗩𝗘𝗡

𝗠𝗼𝗻𝗮𝗺𝗶’𝘀 𝗣𝗢𝗩 [𝘾𝙯𝙞𝙖𝙣𝙘𝙞𝙚𝙧𝙖]

LIMANG araw ang lumipas at linggo na. Sa wakas wala ng klase at natapos ko na rin kahapon ang orders ng labing limang mga prinsesa sa akin. Kulang-kulang ako sa tulog! Buti na lang ay nakatulong sa akin ang magkakapatid na Licht kaya nabawasan ang trabaho ko sa paggawa ng uniporme.

Sa ngayon ay ang mga gawa naming uniporme ang opisyal ng uniporme sa akademya matapos kausapin ng student council ang punong maestro nitong biyernes lang. Bawat antas ay iba ang kulay ng blazer. Violet sa Losenya, blue sa Tertiarya, dilaw sa Secondarya, at pula sa Primarya. Bukod sa school uniform ay may PCE uniform na rin.

Sa limang araw na iginugol ko ay marami na akong natutunan sa mundong ito. Matataas ang remarks ko sa mga quizes at active ako sa PCE. Sa mahika, bagsak. BWAHAHAHAHA hayop na subject ‘yan. Magic daw pero puro tungkol sa elemental powers! Inaantay kong talakayin namin ang spell casting pero wala.

Ngayong linggo, gusto ko sanang matulog buong araw pero… may mga pisteng nakatambay sa kuwarto ko!

“Hindi ba? Hindi ba? Ang guwapo niya talaga!!”

“Napaka-talentado rin! Kaya ang daming nagkakandarapang maiimpluwensiyang tao sa kaniya kahit isa lamang siyang anak ng negosyante at manunulat!”

“Aaaaahh~! Akin ka na lang, Felron~!!”

“Anong akin ka riyan, Cherry? AKIN!”

“Hindi, ate Winter! Si kuya Kal-el sa iyo!”

“Huh? Bakit nadamay ako?”

“AKIN LANG SI FELRON!!”

“E ‘di iyo na, ate. Akin na lang si kuya Kal-el  HAHAHAHA!”

“H-hoy, matanda na siya. B-bawal siya sa‘yo!”

“Ay ‘sus! Amin na kasi, ‘te!”

Minaximize ko na ang volume ng headphone ko pero wala, naririnig ko pa rin sila!

Kanina pa sila nandito at nag-iingay. Dinidistract ko na nga lang ang sarili ko sa mga kanta pero naririnig ko pa rin talaga sila!

“BAKIT BA KAYO NANDITO?!” malakas na sigaw ko at ginawaran sila ng matalas na tingin.

Andito si Cherry, Christlyn, baby Phoebe, SC officers, at ang magbabarkadang Ryden, Khyler, Huxile, Brecken, at Cryton. Hindi ko rin alam kung bakit pero nandito ang prinsesa’t prinsipe ng Vlainus!

“TUMATAMBAY!” sagot nilang lahat maliban na lang kay Kard at sa dalawang taga-Vlainus.

Ibinaba ko ang headphone sa leeg ko at malamig na nagsalita. “Hindi tambayan ang kuwarto ko kaya lumabas na kayo kung ayaw niyong sipain ko kayo palabas.”

“Wala…! Ikaw ang nagsabing puwede kaming tumambay dito kahapon e,” sabi ni Cryton na nagiging madaldal na masiyado matapos ang rebelasyon ng pagkatao niya.

“Wala akong sinabi,” pagtanggi ko.

“Mayroon!”

Reincarnated as an Element Powerless Princess (Volume 1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon