Chapter 33

2.3K 161 6
                                    

𝗖𝗛𝗔𝗣𝗧𝗘𝗥 𝗧𝗛𝗜𝗥𝗧𝗬-𝗧𝗛𝗥𝗘𝗘

𝗡𝗶𝗮𝗵’𝘀 𝗣𝗢𝗩

KAMUSTA riyan sa puwesto mo ngayon, Prinsesa Niah?” narinig kong tanong ni Prinsipe Yahiko sa aking utak.

Hindi maganda, Prinsipe Yahiko! A-Ayaw makinig sa akin ng mga caelum! I-Inaatake nila ako!sagot ko at hinihingal na napasandal sa isang may kalakihang puno.

Kasalukuyan akong naririto sa isang parte ng Kanluranin na pinamumugaran pala ng mga caelum. Akala ko noon ay sa mga hindi makatotohanang istorya lamang sila nabubuhay pero hindi pala dahil totoo sila at ngayon nga ay hinahabol nila ako.

Ang mga caelum ay isang halimaw na bulaklak. Ang laki nila ay tulad sa laki ng mga tao at may roon silang mga paa— ang kanilang mga ugat. Sila ay may mga tinik sa katawan na siyang ginagamit nilang sandata para atakihin ako. Gustuhin ko mang sunugin na lamang silang lahat para matigil na ang habulan naming ito pero hindi puwede. Mahigpit na bilin ni Prinsipe Kard na huwag papatayin ang mga halimaw kung sakaling may makasalamuha man kami.

Amalia, puntahan mo si Niah at tulungan. Maayos naman riyan sa puwesto mo, hindi ba? narinig kong pagkausap ni Prinsipe Kard kay Prinsesa Amalia.

Kasalukuyan kaming nakakonekta sa conversed telepathy kung saan ay nakakonekta rin ang iba pang mga prinsesa't prinsipe.

Maayos na maayos, Prinsipe Kard. Wala namang mga halimaw rito sa puwesto ko, sagot naman ni Amalia. Papunta na ako riyan, Prinsesa Niah.

Salamat, Prinsesa Amalia!pasasalamat ko at pinakiramdaman na ang aking paligid.

Bazazahe diya ja!”

Bazazahe diya ja!”

Bazazahe diya ja!”

Mariin akong napapikit nang marinig ang paparating na mga caelum. Iyan ang kanina pa nilang isinisigaw habang hinahabol ako. Hindi ko alam kung anong ibig sabihin ng ‘Bazazahe diya ja’ na iyan. Pakiwari ko ay may sarili silang lengguwahe.

“HAGE!!!”

Nanlaki ang mga mata ko nang sa isang iglap ay nasa harap ko na ang apat na caelum. Akmang titirahin na nila ako ng mga tinik nila nang may lumitaw naman na apat na kuneho sa harap ko at malakas na sinipa ang apat na caelum kaya tumalsik sila sa may kalakihang bato. Napansin kong mabilis silang tumatayo na ang ibig sabihin ay hindi sila napatay. Mabuti naman.

“Prinsesa Niah, hali ka na!”

Napalingon ako sa isang malaking sanga ng punong kinasasandalan ko at nakita roon si Prinsesa Amalia. Mabilis naman akong tumalon paakyat at lumapit sa kaniya.

Bigla niya naman akong hinawakan sa balikat na ipinagtaka ko pero nabigyan rin ng katugunan. “Umalis na muna tayo rito,” aniya na agad kong tinanguan. Mabilis kaming nakapag-teleporto sa hardin ng mga reaboso at ogre.

Nakahinga naman ako ng maluwang dahil nakalayo na kami sa mga caelum. Kung hindi dumating ang mga alaga ni Prinsesa Amalia ay paniguradong napatay ko ang mga caelum na iyon gamit ang kapangyarihang apoy. Malalagot ako kay Prinsipe Kard kung sakali, mabuti na lang dumating siya.

“Maraming salamat sa pagtulong sa akin, Prinsesa Amalia,” buong pusong pasasalamat ko at nginitian siya.

“Walang anuman pero ayos ka lamang ba?” tanong niya at sinuri ako. “May sugat ka sa leeg, Prinsesa Niah!”

Reincarnated as an Element Powerless Princess (Volume 1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon