Chapter 50

4.1K 120 12
                                    

𝗖𝗛𝗔𝗣𝗧𝗘𝗥 𝗙𝗜𝗙𝗧𝗬

DALAWANG buwan ang lumipas at bumalik na sa normal ang Ciera Monstra. Ang ekonomiya ng siyudad ay maganda ang daloy dahil na rin sa pakikipag-barter sa ibang kalapit na lugar at bayan. Dinadayo rin ang siyudad ng mga tao mula sa ibang lugar.

Hindi tulad ng dating Ciera Monstra na tanging CCTV at mga bantay ang watch out ng siyudad, ngayon ay mayroon ng multi-layered barrier ang bumabalot rito. Dahil sa multi-layered barrier na ito na si Annaisha Phoebe ang gumawa ay madaling nalalaman kong may masamang balak ba ang mga dayuhan sa siyudad. Kayang mag-detect at mag-alarma ng barrier kaya mas matindi na ang seguridad ng mga residente sa pagkakataong ito.

Kung sinusuwerte nga naman ay madaming grupo ng mga halimaw sa iba’t ibang bahagi ng Kanluranin ang nakianib sa Ciera Monstra na naging dahilan ng paglaking muli ng populasyon at paglawak ng sakop ng siyudad.

Naging tanyag rin ang mga kristales sa kuweba ni Phoebe matapos itong pag-eksperimentuhan, i-liquify, at ibenta sa bayan. Napakagandang gamot nito dahil agad na gumagaling ang kahit anumang sugat kapag ito’y iniinom. Sa ngayon ay kahon-kahon nito ang araw-araw na ibinibenta sa iba’t ibang kaharian matapos mag-click roon.

Kung agrikultura ang pag-uusapan ay hindi ito papahuli sa ekonomiya. Daan-daang ektarya ng lupain ang ginawang sakahan ni Monami kung saan ay mayroong palay, gulay, prutas, mga bulaklak, at iba’t ibang klase ng hayop na iginuhit niya lamang sa kaniyang mahiwagang kuwaderno at binigyang buhay.

Sa turismo naman ay maraming magagandang tanawin ang binuo sa loob at paligid ng siyudad na halos araw-araw na dinadayo ng mga dayuhan. Dito… Matatagpuan na rito ang Disney Land, Colosseum, Eiffel Tower, Palace of Versailles, Niagara Falls, at iba’t ibang famous tourist spot sa Earth. Lahat ng ito ay makikita na sa Ciera Monstra dahil sa drawing notebook ni Monami.

Bumalik na ang sigla ng Ciera Monstra. O tamang sabihing mas masigla pa ang siyudad ngayon kaysa dati.

Habang ang siyudad ng mga halimaw ay nagsasaya, si Monami ay nasa loob ng White House kasama ang mga pinuno ng iba’t ibang guild sa siyudad.

Ang White House ay establishimento kung saan nananahan ang matataas na personalidad sa Ciera Monstra na mayroong malalaking tungkuling ginagampanan.

“Nandito na ba ang lahat?” ang tanong ni Monami sa malamig na boses nang siya ay makapasok sa conference room. Tinungo niya ang kaniyang upuan at umupo.

“Wala pa ang pinuno ng International Merchant Guild, prinsesa Monami,” sagot ni Alexa na siyang pinuno ng Experimental Guild.

“Huli na naman si Ceniel,” wika ng pinuno ng Local Merchant Guild na si Christian.

“Paniguradong mayroon pa iyong katransaksyon,” ani Kithryll na pinuno ng Fashion Guild.

“Malapit ko ng patalsikin ang pinunong ‘yan ng Intel Merch. Bakit hindi niya ikinansela ang mga gawain niya ngayong tanghali gayong kahapon ay nag-anunsiyo na ako na magkakaroon tayo ng pagpupulong?” bakas ang inis sa tinig na wika ni Monami.

Natahimik naman ang lahat dahil dito. Alam nilang naiinip na ang kanilang punong pinuno kaya hindi na sila gagawa pa ng ingay na dadagdag sa iritasyon nito.

Ilang minuto ring binalot ng katahimikan at tanging pagpatik lamang ng mga daliri ng naiinip na si Monami ang maririnig sa paligid nang biglang malakas na bumukas ang pintuan ng silid at pumasok ang isang hinihingal na lalaki.

Reincarnated as an Element Powerless Princess (Volume 1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon