𝗖𝗛𝗔𝗣𝗧𝗘𝗥 𝗙𝗢𝗨𝗥𝗧𝗘𝗘𝗡
𝗠𝗼𝗻𝗮𝗺𝗶’𝘀 𝗣𝗢𝗩 [𝘾𝙯𝙞𝙖𝙣𝙘𝙞𝙚𝙧𝙖]
“A-Anak ng… Napakarami mo ng pinamili! May pupuntahan pa ba tayo?” rinig kong reklamo ni Eice habang nakasunod sa‘kin.
Siya ang pinagdala ko ng lahat ng mga pinamili ko. Dapat ay papahirapan ko siya para makabawi sa pangmamaliit niya sa‘kin kanina pero ang damuho, naglabas ng isang malapad na platform na gawa sa yelo. Doon nakalagay ang mga pinamili ko at nakalutang lang iyon sa tabi niya. Napakatamad niya sa manu-mano, hmp!
“Oo, meron pa. Bibili ako ng sandata ko,” sagot ko sa kaniya at sumubo ng yskratl na naging dorayaki na ang anyo.
Bumili ako ng yskratl kanina sa halagang isang pinakamaliit na gintong barya at anim na supot ang katumbas n‘on. Mamaya pag-uwi ay itatanong ko kay Hidra kung gaano ba kalaki ang katumbas ng bawat barya dito para naman may alam ako. Baka niloloko na ako tapos hindi ko pa alam, mahirap na.
“Matutulungan po kita diyan, Prinsesa Monami!” sabi ni Eiceel na kasabay ko sa paglalakad ngayon.
Pagkatapos kong bumili ng yskratl kanina ay pormal kaming nagpakilala sa isa’t isa. Nagulat pa siya nang malamang isa akong prinsesa. Siya naman ay isang mamamayan rito. Pagkatapos naming nagpakilala ay nagpresinta siyang sumama.
“Pero, ano pong gagawin mo sa sandata? Marunong ka pong gumamit niyon?” sunod na tanong niya.
“Gagamitin ko sa pag-eensayo at pakikipaglaban! May pakiramdam kasi akong babagay sa‘kin ang may sandata,” nakangiting sagot ko sa kaniya.
Ewan ko ba, gumagaan ang pakiramdam ko kapag siya ang kausap kaysa sa isa diyan, tsk. Dahil siguro sa maaliwalas niyang awra kaya gano’n.
“Ganoon po ba? May alam akong tindahan na maaring pagbilhan ng mga sandata, prinsesa. Doon bumibili ang kuya ko ng mga sandata at iba pang relatibo sa pakikipaglaban. Ang kuya ko po ay isang kawal,” nakangiting sabi niya.
Na-excite naman ako. “Kung gano’n ay tara na!” aya ko.
“Ikaw ang mauna, Eiceel.” kagaya ng utos ko ay siya ang nauna at nakasunod lang kami sa kaniya.Saglit kong nilingon si Eice at agad na nagtama ang tingin namin. Nagulat pa siya no’ng una pero mabilis din siyang nag-poker face.
“Bakit?”“Ang pangit mo,” sagot ko na lang at inirapan siya saka tinutok sa harap ang tingin. Natawa na lang ako nang marinig ang mahinang depensa niya.
“Hindi ako pangit!”
Lumipas ang ilang minutong lakaran at huminto kami sa tapat ng isang may kalakihang tindahan. Gawa sa salamin ang pinto at malalaking bintana nito kaya kitang-kita ang iba’t ibang armas sa loob.
Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa at nauna ng pumasok. Narinig ko pa ang pagtawag ni Eiceel pero hindi ko na siya nilingon at nagsimulang maglibot.
Meron ditong iba’t ibang klase ng espada na may iba’t ibang klase ng talim. Merong pana at palaso na yari sa iba’t ibang klaseng bato dahil iba-iba ang kulay nila. Meron ding malalaking palakol at kadenang may pabilog na metal na may spikes. Merong mga bakal na patpat na pang-arnis, at may iba’t ibang baril din.
Lahat ay sobrang ganda, hindi ako makapili!
“Magandang gabi, mga binibini’t ginoo!”
Napabaling ako sa matandang lalaki na bigla na lang sumulpot at bumati sa‘min, napalingon din sa kaniya sina Eice at Eiceel na tumitingin-tingin rin ng mga armas.
BINABASA MO ANG
Reincarnated as an Element Powerless Princess (Volume 1)
FantasyCzianciera Constellaxia, isang dalawampu't anim na taong gulang na babae na nagmamay-ari ng isang sikat na kompanya - ang Constellaxia Fashion Company - sa bansa. Siya ay matapang at malakas na babae na muling magkakatawang-tao sa katawan ng ibang t...