𝗖𝗛𝗔𝗣𝗧𝗘𝗥 𝗙𝗢𝗨𝗥𝗧𝗬-𝗘𝗜𝗚𝗛𝗧
𝗧𝗵𝗶𝗿𝗱 𝗣𝗲𝗿𝘀𝗼𝗻’𝘀 𝗣𝗢𝗩
ISA, dalawa. Dalawang araw nang tulog si Monami matapos ang nangyaring pag-black out niya sa bayan ng Caractus. Sa dalawang araw na ito ay binabantayan siya ng mga prinsesa’t prinsipeng kasama niyang magtungo sa bayan noong araw na iyon.
Lahat sila ay nagtatakha kung bakit ito nahimatay maliban na lamang sa prinsipeng si Elixir na alam ang dahilan. Samu’t saring tanong ang iginawad sa kaniya ng mga kasama pero kahit isa ay wala siyang isinagot. Tikom ang kaniyang bibig dahil ayaw niyang umabot sa kaniyang lolo ang tungkol dito.
Tanghalian na at kasalukuyang nasa kuwarto ni Monami ang lahat at doon kumakain para mabantayan siya.
“Hindi pa rin ba nagigising si Monami, Phoebe?” tanong ni Niah sa batang babaeng si Phoebe na siyang nagbabantay kay Monami kapag papasok sa klase ang mga prinsesa’t prinsipe.
Malungkot na umiling ang bata habang hindi inaalis ang tingin sa kinikilala niyang ina. “Nagsasalita siya ng putul-putol po thanina (kanina) pero hindi pa din siya nagising,” aniya nang maalalang nag-sleep talk ang kaniyang mommy kanina. “‘Hahambalusin… lolo mo… Xir…’ ayan po ang sabi ni mommy,” dugtong niya at sumulyap kay Elixir na natawa naman sa isipan.
Mariing tiningnan ni Phoebe ang prinsipe at marahas na bumuntong-hininga saka ibinalik ang tingin sa kaniyang mommy. Kilala niya ang prinsipeng si Elixir. Kilalang-kilala niya ito dahil kitang-kita niya ang itim na halo sa ulo nito na siya lamang ang nakakikita. Alam niyang may koneksiyon ang prinsipeng ito sa panginoong Diablo. Mas malapit ito sa diyos na iyon kumpara sa kaniyang daddy at mommy na kapwa napaboran lamang.
“Sana magising ka na, bunso,” sabi ni Niah sa kapatid at hinalikan ito sa noo saka malungkot na lumapit sa kasintahan at naupo sa tabi nito.
“Huwag kang mag-alala, mahal. Paniguradong magigising rin siya. Iyan pa ba? E si Monami ‘yan, masamang damo!” paglubag-loob ni Eice sa kaniya.
Nginitian niya ito ng tipid at sinulyapan si Monami. Alam niyang hindi pa siya tuluyang napapatawad ng kapatid ngunit alam niya ring kahit papaano ay hindi na ito galit sa kaniya. Alam niyang magigising ang kapatid ngunit ganoon pa man ay hindi pa rin siya mapanatag. May hindi maganda siyang nararamdaman sa kaniyang dibdib— pakiwari niya’y may maling mangyayari.
Marahas siyang bumuntong-hininga. ‘Wala lamang ito,’ pagkukumbinsi niya sa sarili at kumain na lamang uli.
Si Kard na nasa isang sulok lamang at nakasandal sa pader ay hindi maialis ang tingin kay Monami. Ang lahat ng sinabi ng prinsesang ito, dalawang araw na ang nakararaan, ay tandang-tanda niya pa. Kinukonpirma pa niya ang kaniyang nararamdaman.
“Gumising ka na,” mahinang bulong niya at marahas na bumuntong-hininga. Alam niyang magulo pa ang kaniyang damdamin ngunit may isang bagay siyang sigurado at ito ay tunay ang kaniyang pag-aalala sa prinsesang nakahimlay sa kama.
Si Marcos at Viachain na kanina pa nagtitinginan ay hindi mapakali at nilalamon ng konsensiya. Gusto nilang magsalita, magsumbong at humingi ng tulong sa mga kaibigan pero pinapangunahan sila ng takot. May delubyong paparating, delubyong sa Ciera Monstra nakasentro.
“A-a-anong?!” naibulalas ng batang si Phoebe nang makita ang pagliwanag ng marka ng kaniyang mommy sa kanang balikat. “Daddy, s-si mommy!”
Si Kard na naalerto nang makita ang pagliwanag ng marka ni Monami ay agad na lumapit sa kama. Dugo. Kulay dugo ang liwanag na nagmumula sa marka ng dalaga. Napamura siya sa isipan at nilingon ang mga kasama.
BINABASA MO ANG
Reincarnated as an Element Powerless Princess (Volume 1)
FantasyCzianciera Constellaxia, isang dalawampu't anim na taong gulang na babae na nagmamay-ari ng isang sikat na kompanya - ang Constellaxia Fashion Company - sa bansa. Siya ay matapang at malakas na babae na muling magkakatawang-tao sa katawan ng ibang t...