Chapter 8

5.8K 280 8
                                    

𝗖𝗛𝗔𝗣𝗧𝗘𝗥 𝗘𝗜𝗚𝗛𝗧

𝗠𝗼𝗻𝗮𝗺𝗶’𝘀 𝗣𝗢𝗩 [𝘾𝙯𝙞𝙖𝙣𝙘𝙞𝙚𝙧𝙖]

“PRINSESA Monami, gising na po…”

Nagising ang diwa ko nang marinig ang isang malambing na boses. May marahan ding umuuga sa balikat ko.

“Ughm…” ungot ko at bumaling sa ibang direksiyon.

Inaantok pa ako!

“Prinsesa, gising na po. Mataas na ang araw,” rinig kong sabi ng gumigising sa‘kin. Hindi ‘to si Hidra, magkaiba sila ng boses. Baka isa sa mga babaeng reaboso.

“Ina…antok… pa ko,” tamad na tugon ko at dumapa na talaga saka tinakpan ang tainga ko.

Inaantok pa ako, walang pakialamanan!

“Tabi,” rinig kong utos ng isang baritonong boses.

Tangina, ang iingay naman!

Napabangon ako sa gulat nang may magbuhos sa‘kin ng malamig na tubig. Inis akong bumaling sa may pakana at nakita ang damuhong prinsipe ng Ecioley. May hawak siyang isang banga at mukhang doon nanggaling ang tubig na ibinuhos niya sa‘kin.

Anak ng… Bumabawi siya?! Anong karapatan niya?!

Inis kong hinubad ang dalawang sapatos ko saka mabilis na ibinato sa direksiyon niya. Akala ko tatama na sa pagmumukha niya pero nasalo ng damuho.

Yawaaa!

Tumayo ako at tiningnan ang sarili ko, basang-basa ako! Sinamaan ko ng tingin ang damuhong prinsipe na nakangisi sa akin saka ako lumabas ng kuweba ng naka-paa. Hinanap ko kaagad si Tandang Auso pero hindi ko siya makita!

Nasaan na kaya ang matandang reaboso na ‘yon?!

“Hala! Bakit ganiyan ang ayos mo, Prinsesa Monami? Para kang basang-sisiw!” biglang sulpot ni Hidra at Altah sa harap ko. May dala silang tig-dalawang basket na naglalaman ng kung ano.

Teka, ano raw? Basang-sisiw?! Aba’t nakakainsulto, ah!

“Saan kayo galing? Iniwan niyo ‘ko?!”

“B-Bakit naman ang init ng ulo mo, Prinsesa Monami?” tanong ni Altah na bakas ang takot sa mukha.

Tsk, mukha ba akong multo? Yawa naman!

Lumingon ako sa kuweba pero mali yatang ginawa ko ‘yon dahil agad na nagtama ang tingin namin ng damuhong prinsipe na ngayon ay nakasandal sa gilid ng entrada ng kuweba at nakapaskil pa rin sa pagmumukha niya ang nakakainis na ngisi niya.

Tangina, nakakainit ng ulo ‘yang ngisi niya! Ngising panalo, ‘langhiya!

Pasiring kong inalis ang tingin sa kaniya at tinaasan ng kilay ang dalawang magkapatid na nasa harap ko. “Tinatanong ko kayo, huwag niyong ibalik sa akin ang tanong!”

“Galing po kami sa palasyo, Prinsesa Monami. Pumuslit kami sa loob para kumuha ng masusuot natin,” sagot ni Hidra at binuksan ang isang basket na dala niya. Tumambad sa‘kin ang mga nakatuping mararangyang damit na mukhang galing sa cabinet na nasa kuwarto ko.

“Dalhan mo ako ng damit sa ilog,” huling sabi ko at tinalikuran sila. Doon na lang ako maliligo total ay wala naman akong nakikitang balon.

Nakita kong nanggaling si Ursa sa likod ng kuweba at may dalang mahabang stick kung saan nakatusok ang napakaraming isda. Agad ko na siyang nilapitan para magtanong. “Ursa, saan ang ilog?”

Itinuro niya ang daan papunta sa ilog kaya tumungo na ako doon. Pagkalagpas sa iilang kakahuyan ay tumambad sa‘kin ang malinis at malinaw na ilog. Kitang-kita ang mga bato sa ilalim ng ilog at ang maliliit na isda na naglalanguyan doon.

Reincarnated as an Element Powerless Princess (Volume 1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon