𝗖𝗛𝗔𝗣𝗧𝗘𝗥 𝗧𝗪𝗘𝗡𝗧𝗬-𝗙𝗢𝗨𝗥
𝗠𝗼𝗻𝗮𝗺𝗶’𝘀 𝗣𝗢𝗩 [𝘾𝙯𝙞𝙖𝙣𝙘𝙞𝙚𝙧𝙖]
“PRINSESA Monami! Tanghali na po nakabulagta ka pa riyan sa iyong kama. Gumising na po kayo riyan, Prinsesa Monami!”
Napabalikwas ako ng bangon, napatakbo pababa ng kama, at pabalibag na nabuksan ang pintuan sa gulat. Bumungad agad sa akin ang pagmumukha ni Hidra na nakasimangot.
“Ano ba ‘yon? Inaantok pa ak—T-Teka…” Nanlaki ang mga mata ko nang may maalala.
B-Bakit buhay pa ako? Hindi ba… H-Hindi ba't pinatay ako ni Calciara?! ANONG NANGYARI?!
“Napaka-pangit ng panaginip mo.”
Lumipad ang tingin ko sa lalaking dumaan sa likuran ni Hidra. Saglit pang nagtama ang tingin namin hanggang sa mawala siya ng tuluyan sa harap ng kuwarto ko. Kard…
P-Panaginip? Nani? Nani?!! Panaginip lang ‘yong namatay ako? Thank goodness, hooh!
I guess… I should really need to listen with what other people says. Huwag magpadalus-dalos. Okay, I-I’ll try to do that then. Pero kung warning man ang panaginip na ‘yon, I should be more cautious. Dapat kong bantayan ang galaw ni Kal-el at Calciara.
“Ayos ka lamang ba, Prinsesa Monami? Pawisan ka po at namumutla pa,” ani Hidra at pumasok sa kuwarto ko. Tinanguan ko na lang siya.
Agad na gumala ang tingin niya sa paligid at namamanghang nilapitan ang mga kristal. “Ang gaganda naman nito, Prinsesa Monami. Saan po galing ang mga kristales na ito? Sa pagkakatanda ko po ay wala pa ito kahapon…”
“Ah, basta. Bakit ka nga pala narito, Hidra?” tanong ko at bahagyang isinara ang pintuan. Pinanatili ko ang kaunting sewang sa labas. Hindi kasi talaga akong nagsasara ng pinto kapag nandito ako sa kuwarto.
“Ah, muntik ko ng malimutan. Pananghalian na po, Prinsesa Monami. Bumaba ka na po at mananghalian,” aniya at lumipad ang tingin sa bookshelves. “Hala, anong nangyari sa mga libro mo, prinsesa Monami?!” histerikal na tanong niya saka nilapitan iyong mga nagkalat na libro.
“Ah, paki-ayos pala iyan, Hidra. Nasanggi ko kasi ‘yan kagabi nang mag-dekorasyon ako, hindi ko na naayos pa dahil sa antok,” pagsisinungaling ko.
“Ganoon po ba? Sige, ako ng bahala rito sa mga libro mo, Prinsesa Monami. Bumaba ka na po at mananghalian,” nakangiting sabi niya at dinampot ang mga nahulog na libro saka mahipid na ibinalik sa shelves.
Akmang lalabas na ako nang tawagin na naman ako ni Hidra kaya napalingon ako pabalik sa kaniya. “Bakit?”
“Narito pala ang paborito mong kuwaderno, prinsesa,” aniya at ipinakita sa‘kin ang walang kuwentang drawing notebook. Lumapit siya sa akin, “Naalala ko tuloy noon, prinsesa, lagi mo itong dala kahit saan ka man magpunta. Palagi ka kasing gumuguhit kaya hindi mo ito mabitaw-bitawan.”
Wews? Paborito ni Monami ‘yan? Bakit naging paborito niya ‘yan e wala namang espesyal sa drawing notebook na ‘yan?!
“Matanong ko lang, prinsesa. Hindi ka na ba gumuguhit?” tanong niya at inilahad ang notebook sa akin. “Subukan mo po kayang gumuhit muli? Baka sakaling may maalala ka sa mga pangyayari sa buhay mo bago ka namatay at nabuhay muli,” nakangiting sabi niya habang nakatingin diretso sa mga mata ko. Puno ng excitement ang mga mata niya, nande?
Kinuha ko ang libro. “Bakit parang sabik na sabik kang magbalik ang alaala ko? Mas sabik ka pa sa akin.”
Mahinhin naman siyang tumawa saka kamot-ulong sumagot. “Kasi po, gusto ko nang makita muli ang dating ikaw po. Iyong Prinsesa Monami na palaging nakangiti kahit na inaapi, ‘yong maintindihin, ‘yong mahinhin, ‘yong—”
BINABASA MO ANG
Reincarnated as an Element Powerless Princess (Volume 1)
FantasyCzianciera Constellaxia, isang dalawampu't anim na taong gulang na babae na nagmamay-ari ng isang sikat na kompanya - ang Constellaxia Fashion Company - sa bansa. Siya ay matapang at malakas na babae na muling magkakatawang-tao sa katawan ng ibang t...