𝗖𝗛𝗔𝗣𝗧𝗘𝗥 𝗧𝗪𝗘𝗡𝗧𝗬-𝗘𝗜𝗚𝗛𝗧
𝗦𝗼𝗺𝗲𝗼𝗻𝗲’𝘀 𝗣𝗢𝗩
“KAMAHALAN!!”
Isang matalas na tingin agad ang aking iginawad sa lapastangang si Cube nang wala man lang itong katok-katok na pumasok sa aking silid. Tila magsasalita pa sana siyang muli nang makita niya ang sitwasyon ko at ang talas ng tingin na aking iginagawad sa kaniya.
“P-Pasensiya na po sa aking biglaang pagpasok, mahal na reyna. I-Ipagpaumanhin niyo po ang… ang aking kapangahasan,” nakayukong aniya at tumikhim saka nagsalitang muli. “Mayroon lamang pong ulat mula sa ating espiya sa Kanluranin.” Panay ang iwas at sulyap nito sa walang saplot kong katawan na ikinairita ko.
Inis kong inabot sa paanan ng kama ang kumot at itinabing sa aking katawan saka muling nagpatuloy sa pag-angat at pagbaba habang magkasugpong ang kaselanan namin ng lalaking nakapailalim sa akin. “Ano ba iyon? Sabihin mo na at umalis dahil nakakaisturbo ka sa aming kasiyahan.”
“A-Ah, pasensiya na po. Ang ulat ay… ang Prinsesa Monami—na siyang pinagpalang prinsesa—ay umalis upang magtungo sa Caractus. At mukhang aabutin pa po siya ng ilang araw bago muling makabalik,” magalang na sagot niya.
Saglit naman akong huminto para sana mag-isip pero biglang umungot itong lalaki sa ibaba ko.
Tsk, putangina. Bitin ka pa?!
Inis ko na lang muling ipinagpatuloy ang paggalaw habang nag-iisip na rin ng dahilan kung bakit umalis ang prinsesang iyon.
Bakit siya umalis? Hindi ba at binabantayan niya ang mga halimaw? Tila yata nagiging kampante ang batang iyon dahil sa mga makakapangyarihang prinsesa‘t prinsipe, ah. Tsk, isa pa rin siyang tanga kahit pinagpala siya dahil hindi man lang siya nagdududa sa isang prinsesa‘t prinsipe na aking mga tauhan doon. Pabaya. Pero kahit ganoon man ay pabor sa akin ang katangahan niya at ngayon ay ang paglisan niya sa kuta nila dahil maari ko ng iutos sa dalawang iyon na mas palawakin pa ang pangangalap ng impormasyon.
Gustuhin ko man sanang sumugod na at bawiin ang aking pangalawang anak ay hindi ko rin magagawa. Naroroon ang Prinsipe Kard at ang pinsan niyang si Ryder, idagdag pa na may iba pang prinsesa’t prinsipe silang mga kasama na talagang mahusay sa paggamit ng elemento. Ayaw ko mang aminin pero alam ko sa sarili kong matatalo nila kami kapag sumugod kami ng subasta.
“Maari ka ng umalis,” malamig at maotoridad na utos ko na agaran niya namang sinunod.
“Anong plano mo… Darcy?” tanong ng aking matalik na kapatid na siyang nasa ilalim ko nang tuluyang makaalis si Cube.
Isang mala-demonyong ngiti ang aking iginawad sa kaniya. “Susugod tayo… kapag lumisan na silang mga dugong-bughaw patungo sa Akademya. Kapag wala ng ni isang prinsesa’t prinsipe sa kanluran ng Amberia.”
𝗠𝗼𝗻𝗮𝗺𝗶’𝘀 𝗣𝗢𝗩 [𝘾𝙯𝙞𝙖𝙣𝙘𝙞𝙚𝙧𝙖]
MAHIGPIT kong hinawakan ang machine gun at itinutok sa puwestong maaring pasukan ng mga siraulong lalaki. Kahit gawa sa metal itong hawak ko ay hindi man lang ako makaramdam ng bigat dito. Mas mabuti na rin dahil mapapadali ang bawat galaw ko. Sisiguraduhin kong hindi sila makakalampas sa akin. Mamamatay silang lahat!
BOOOGSSSHHH!!
Isang malakas na pagsabog ang dumagundong sa buong paligid kasabay ng pagkabutas ng bunganga ng armagedion dahil sa bombang paniguradong nanggaling sa labas. Nabalot ng makapal na usok ang bukana ng bibig ng armagedion at nang unti-unti ng maglaho ang mga ito ay nasilayan ko na ang mga aninong pumapasok. Mga anino ng mga siraulong lalaking mula sa kabilang armagedion..
BINABASA MO ANG
Reincarnated as an Element Powerless Princess (Volume 1)
FantasíaCzianciera Constellaxia, isang dalawampu't anim na taong gulang na babae na nagmamay-ari ng isang sikat na kompanya - ang Constellaxia Fashion Company - sa bansa. Siya ay matapang at malakas na babae na muling magkakatawang-tao sa katawan ng ibang t...