Chapter 31

2.2K 135 3
                                    

𝗖𝗛𝗔𝗣𝗧𝗘𝗥 𝗧𝗛𝗜𝗥𝗧𝗬-𝗢𝗡𝗘

𝗡𝗮𝗶𝗼𝘂𝗺𝗶𝗲’𝘀 𝗣𝗢𝗩

NANG tuluyang makaalis ang aking anak na si Monami ay tuluyan na akong nanghina at humagulgol na lamang.

Ang sakit... Napakasakit na ganoon na lamang kami pagsalitaan ng aming bunso. Hindi naman siya ganiyan noon pero dahil sa katas ng alorca ay nag-iba na siya. H-Hindi ko na kilala ang anak ko. Oh, diyos ko! Monami, huwag mo naman akong saktan ng ganito!

“Tahan na, mahal ko. T-Tahan na,” pag-aalo sa akin ng aking asawa na mas ikinahagulgol ko lamang sa pagitan ng kaniyang mga bisig.

“B-Bakit... Bakit grabe na lamang ang p-pagkadisgusto niya sa atin, mahal? A-Ano... Ano bang ginawa natin na ikinagagalit niya ng l-lubusan? N-Napakasakit, mahal ko... A-Ang sakit lang sa dibdib. ‘Y-Yong pinakamamahal k-kong anak... g-ganoon na lamang ang... a-ang galit sa atin...!”

Pagbuntong-hininga na lamang ang narinig ko sa aking asawa habang marahan niyang hinahagod ang aking likuran.

“Mawalang-galang na, ninang, ninong...”

Natigil ako sa paghagulgol at agad na pinunasan ang aking mukha saka lumingon kay Christlyn na siyang inaanak namin ng asawa ko at ang bunsong anak nina Raiah at Carter. “A-Ano iyon, Christlyn?” tanong ko at bahagya siyang nginitian.

Napansin ko naman ang pagbakas ng lungkot sa kaniyang mukha at agad akong nilapitan. “Huwag na po kayong umiyak, ninang. B-Baka wala lang po sa modo ang inyong anak. Nakita naman po natin na mayroon siyang maraming benda sa katawan.”

Natigilan ako sa kaniyang sinabi at inalala ang postura ng aking anak kanina. Mayroon ngang mga benda sa katawan si Monami kanina pero... saan niya naman iyon nakuha? Napahamak ba sila? Hindi ba siya ligtas sa kanluran? Inatake ba siya ng mga halimaw?

Daglian akong tumayo at akmang aalis para sundan ang aking anak nang may kamay naman ang pumigil sa aking braso. Nang aking lingunin kung sino ito ay ang asawa ko lamang pala. “B-Bakit, mahal ko?”

“Saan ka pupunta, mahal ko? Baka mapaano ka kapag ikaw ay lumabas.”

“S-Susundan ko lamang ang ating anak... d-dahil gusto kong malaman k-kung ano... a-ano ang nangyari sa kaniya. M-Maraming benda ang ating anak, Marlon! K-Kailangan ko siyang kumustahin...!” naluluhang sagot ko at agad na pinahid ang luhang umalpas sa aking mga mata. “S-Susundan ko ang anak natin, Marlon. Hayaan mo akong lapitan siya, p-pakiusap...”

Nakita ko naman kung paano siya mapabuntong-hininga habang nangungusap ang mga tingin sa akin. “Sasamahan na kita. Magdidilim na, baka mapaano ka pa kapag hinayaan kitang umalis,” aniya at tumayo.

Nilingon ko naman ang mga kasama namin rito sa silid ng hapag-kainan. “Pasensiya na sa kaguluhan, Raiah, Carter,” paghingi ko ng tawad sa reyna't hari ng Caractus. Binalingan ko naman ang reyna ng Ecioley at ang hari ng Surfion, “Pasensiya na, Zeighea, Kaidron!”

“Pasensiya na sa inyo, mga prinsesa't prinsipe,” paghingi naman ng tawad ng aking asawa sa mga prinsesa't prinsipe na narito.

“Naku, ayos lang, Naioumie. Lumakad na kayo upang maabutan niyo ang Prinsesa Monami,” ani Raiah at tinanguan naman kami ni Carter at Kaidron.

“Hindi ko alam na ganiyan pala ka-pangit ang ugali ng bunso ninyo. Minabuti niyo na dapat ang panghabang-buhay na pagtago ninyo sa kaniya. Isa lamang siyang kahihiyan sa pamilya ninyo, Naioumie, Marlon,” wika ni Zeighea na ikinatingin ko sa kaniya.

Hindi ko na lamang siya sinagot pa dahil ayaw ko na magkaroon ng alitan sa pagitan namin. Nilingon ko ang aking manugang na si Aurora. “Alis na po muna kami, ina. Susundan lamang namin si Monami,” pagpaalam ko.

Reincarnated as an Element Powerless Princess (Volume 1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon