Chapter 17

3.4K 206 37
                                    

𝗖𝗛𝗔𝗣𝗧𝗘𝗥 𝗦𝗘𝗩𝗘𝗡𝗧𝗘𝗘𝗡

𝗠𝗼𝗻𝗮𝗺𝗶’𝘀 𝗣𝗢𝗩 [𝘾𝙯𝙞𝙖𝙣𝙘𝙞𝙚𝙧𝙖]

“NAKU, prinsesa! Ang guwapo-guwapo ng mga lalaking prinsipe ng iba’t ibang kaharian! Lalo na si Prinsipe Kard! Kaso nga lang masungit, pero sobrang guwapo niya talaga!” tili ni Hidra habang itinatali ang tali sa bandang likuran ko. Backless kasi itong suot kong pulang dress kaya ang dami pang arte.

“Wala akong paki kung guwapo sila, basta nagugutom na ako kaya bilisan mo diyan!” asik ko. Tangina, wala pa akong kain-kain simula ng magising ako kagabi!

Isa na namang panibagong araw at ngayong umaga ay makikilala ko na kung sinong mga epal ang mga kasama ni Eice. Hindi ko gusto ang ideyang mga prinsesa’t prinsipe mula sa ibang kaharian ang mga kasama niya pabalik. Nakakapagtakhang ang mga susunod na pinuno ng bawat kaharian pa ang dadayo rito.

Anong sadya nila dito? Hindi ba’t ayaw ng mga tao sa mga halimaw? Nangangalap ba sila ng impormasyon?!

“Suotin mo itong sandalyas mo, Prinsesa Monami, at nang makababa na tayo,” usal niya at inilapag sa paanan ko ang katirnong sandalyas ng suot kong bestida.

Agad ko iyong sinuot at humawak ako sa balikat niya saka kami nag-teleport sa first floor. Hindi ko pa kayang gumamit ng teleportation kaya kailangan kong umasa kay Hidra.

Pagkarating ay pumasok kami sa isang kuwarto at doon tumambad sa‘kin ang mahabang mesa na pang labing-apatang upuan. Sa mesa ay may iba’t ibang pagkain, may lechong baboy pa sa pinakagitna. Saan kaya ‘yon galing? Baka ligaw na baboy sa párang? Tapos may iba’t ibang putahe pa na hindi ko alam kung ano, bago lang kasi sa paningin ko. Ang lahat naman ng upuan ay okupado na rin maliban sa isang upuan sa isang dulo ng mesa.

“Magandang umaga, Monami!”

“Magandang umaga, bunso!”
Sabay na bati sa‘kin ng magkatabing sina Eice at Niah habang ang iba ay mapanuri lang na nakatingin sa‘kin.

“Magandang umaga rin,” pormal kong bati at umupo sa bakanteng upuan.

Tiningnan ko isa-isa ang mga taong ngayon ko lang nakita. Nahinto ang tingin ko sa lalaking katapat ko pero halos tatlong metro ang layo sa‘kin. Nagtama ang tingin namin at sa hindi ko malamang dahilan ay biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Parang may karera, bakit?!

He’s a good-looking guy, I admit pero bakit nagkakarerahan agad ang tibok ng puso ko?!

If I were to describe him, he’s the most handsome guy I’ve encountered so far. Mapa-Earth man at Polaria.

Magulo ang itim niyang buhok na may gold and white highlights. Ang kilay niyang itim ay tama lang ang kapal, ang isa nitong mata ay may itim na pupil at gintong iris pero ang isa ay may eyepatch kaya hindi ko makita. Matangos ang ilong niya, may mapula-pulang pisnge at mapulang labi. May maputi siyang balat at well-built na katawan. Nakasuot siya ng pang-prinsipeng kasuotan at may cross na hikaw sa kaliwang tenga.

A fierce good-looking man…

Nag-iwas ako ng tingin, “Hindi ako kumakain kasama ang mga ‘di ko kilalang tao kaya magpakilala kayo. Baka uso ‘yon?”

Narinig ko ang mahinang pagtawa ng isang babaeng may puting buhok na abot hanggang bewang, may blue highlights ito. Puti rin ang may kanipisang kilay niya, maging ang mahahaba’t mapipilantik na pilik-mata. May kulay asul siyang iris na katulad ng kay Eice. Siya siguro ang pinsang tinutukoy ng damuhong ‘yon.

“Mauna kang magpakilala,” utos ko sa kaniya.

“Magandang umaga sa iyo, Prinsesa Monami. Ako si Winter Celesiore, pinsan ni Eice at mula sa Kaharian ng Ecioley. Ikinagagalak kitang makilala,” pakilala niya at ngumiti saka bahagyang yumuko. Mukhang happy-go-lucky ang isang ‘to.

Reincarnated as an Element Powerless Princess (Volume 1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon