Chapter 40

2.1K 119 12
                                    

Monami [Czianciera]

“WAAAAHHH!! Prinsesa Monamiiii!!!”

Gulat akong napatingin sa labas ng bintana ng karwahe nang marinig ang sigaw ni Viachain. Patakbo ito sa karwaheng kinalalagakan ko ngayon at nakasunod naman sa kaniya sina Winter at baby Phoebe. Sa may pintuan naman ng palasyo ay kakalabas lang nina Niah.

Dalawang oras na ang lumipas simula nang makabalik ako dito sa karwahe at ngayon lang sila nakalabas? Ang tagal naman nilang nag-anunsiyo!

“Prinsesa Monami!”

Biglang bumukas ang pintuan ng karwahe at sunud-sunod na pumasok sina Viachain, Winter, at baby Phoebe na pare-parehas na hinihingal.

“Problema niyo? Para kayong mga aso,” komento ko at in-off ang aking cellphone saka ipinasok sa aking sling bag.

“Bathit (Bakit) mo naman thami (kami) iniwan, mommy?!” sigaw ni baby Phoebe matapos humugot ng maraming hangin. Kunot na kunot ang noo nito sa akin.

“Wala, trip ko lang,” walang ganang sagot ko at isinara ang pinto. Tsk, papasok-pasok tapos hindi naman pala marunong magsara.

“Anong trip mo lang, mommy?! Nahirapan thaya (kaya) sila magpaliwanag doon thanina (kanina)!” sigaw niya na naman na ikinairap ko na lang.

“Si prinsipe Kard kanina ay hindi rin nagsalita kaya kami lang ang nagpapaliwanag sa sitwasyon ng mga halimaw,” sabi naman ni Winter nang makabawi ito sa paghingal.

“Si Calciara, Kal-el, Marcos, at Greta din ay hindi nagsalita. Mga tamad sila!” paghuhumirintibo ni Viachain na nakakunot na rin ang noo at matalas ang tingin sa mga taong binanggit niya na papunta na rito sa paradahan ng mga karwahe.

“Oh, tapos?” tanong ko at taas-kilay silang tiningnan isa-isa. Wala akong paki.

“Oh, tapos? Ha! You’re unbelievable, mom,” sabi ni baby Phoebe na napahilot pa sa sentido niya. “What happened ba at nag-walk out ka na lang bigla?”

“Hindi kita maintindihan,” maang-mangan ko at sinulyapan sina Viachain at Winter na nalilito ng nakatingin kay baby Phoebe.

Ayokong mabuking ako ng iba na hindi ang mismong Monami ang nandito sa katawang ‘to. Tama na si Kard at Eice.

“Oh, th’mon (c’mon), mom! Tell me,” aniya pa.

Hindi ko siya pinansin at hinarap sina Viachain at Winter. “Natapos niyo ba ng maayos ang pag-aanunsiyo?” seryosong tanong ko.

“Kahit papaano ay oo. Ang sabi pa ng haring Carter ay magpapakalat siya ng diyaryo patungkol sa Ciera Monstra at sa mga mamamayan doon,” sagot ni Winter.

“Mabuti naman,” komento ko at sumulyap sa labas. Agad na tumikwas ang kanang kilay ko nang makita si Khyler, Ryden, at Christlyn sa labas mismo ng sinasakyan naming karwahe. “Anong kailangan niyo?” mataray na tanong ko.

“Hindi ba, tutungo na kayo sa Akademya?” tanong ni Christlyn na tipid kong tinanguan. “Sasabay na kami sa inyo!”

“Huh?! Hindi puwed—!”

Naputol ang sinasabi ko nang biglang bumukas ang pintuan ng karwahe at pumasok si Khyler saka prenteng naupo sa tabi ko. Pumasok din sina Ryden at Christlyn saka inokupa ang mga bakanteng puwesto.

Reincarnated as an Element Powerless Princess (Volume 1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon