𝗖𝗛𝗔𝗣𝗧𝗘𝗥 𝗧𝗪𝗢
𝗠𝗼𝗻𝗮𝗺𝗶’𝘀 𝗣𝗢𝗩 [𝗖𝘇𝗶𝗮𝗻𝗰𝗶𝗲𝗿𝗮]
ANG INIT… Nakakasakal! Ang kati! Ang dilim!
“Oh, anak ko, sana magising ka na…! Tatlong araw ka ng nakaratay rito sa iyong higaan. Nasasabik na akong marinig muli ang iyong napakagandang tinig…!”
Eh? Sino ‘yon? Saka anak daw? Haler, matagal ng nasa Underworld ang mga magulang ko! Six years ago pa! Sino ba itong tumatawag sa‘kin ng anak?
Oh, wait, ako nga ba kaya ang tinatawag niyang anak? And why’s that? Ang lalim niyang magtagalog!
Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko dahil kanina pa ako nasusura sa napakadilim na lugar na ‘to. Agad akong napabaling sa ibang direksiyon nang pagdilat ko, nakakasilaw na sikat ng araw kaagad ang tumambad sa‘kin.
“Ang anak ko! Oh, gising ka na!” rinig kong tuwang-tuwang sigaw ng malambing na boses ng isang babae. Nagulat ako nang biglang may yumakap sa‘kin.
“T-Teka… Teka nga!” sigaw ko at nagpumiglas sa yakap ng babaeng ‘to.
Pilit akong nag-adjust sa liwanag at nang makapag-adjust na ay tumambad sa akin ang isang babae na parang nasa 30s palang niya at nakaupo sa gilid ko. May suot siyang magagarang alahas at mayroon din siyang gintong korona na may rubies sa ulo. Nakasuot siya ng red gown, napakagara.
Para siyang reyna… Cosplayer ba ‘to? Nasa isang stage play ba kami?
“A-Anak ko, kamusta ang iyong pakiramdam?” tanong niya na ikinakunot ng noo ko.
So, ako nga ang tinatawag na anak no'ng boses kanina? Tsk, kailan pa kita naging nanay?
Hindi ko na lang muna siya pinansin at nilibot ng tingin ang buong kuwarto. Gold at red ang motif ng buong kuwarto at halos karamihan sa furnitures ay gano’n din.
Ang gara naman, nasaan ba ako?
Natigil ang paningin ko sa isang tall mirror na ginto rin ang margins at may maliliit na rubies na halo. Nangunot ang noo ko at kinapa ang mukha, buhok at ang katawan ko.
“Anong… Bakit… Bakit ganito?!” sigaw ko at inis kong hinawi ang kumot saka bumaba ng kama. Sa kamamadali kong makalapit sa salamin ay kamuntikan pa akong matisod dahil naapakan ko ang laylayan ng suot kong… Tangina, gown?!Hindi ko na lang muna pinansin ang suot ko at lumapit sa harap ng salamin saka kinilatis ang sarili ko. Kulay ginto ang buhok ko na lagpas lang ng kaunti sa aking balikat at kahit ang kilay saka pilik-mata ko ay kulay ginto rin.
Wait, baka lahat ng buhok ko sa katawan ginto ang kulay?! Anong katarantaduhan ang nangyayari dito?!
Ipinagpatuloy ko ang pagkilatis sa sarili ko. Ang mga mata ko ay kulay abo, napakaganda. Medyo chubby ang mamula-mula kong pisnge at may pinkish na labi. Maganda ang hubog ng katawan ko at mukhang cup B itong hinaharap ko.
What the fuck?! Kaya pala ang init kasi hapit na hapit sa katawan ko ang suot ko! Idagdag pa na ang kapal ng tela!
Bumaling ako sa babae na mukhang nagtatakha sa pinaggagawa ko. Itinuro ko ang salamin, “Sino ang babaeng ‘yan? A-Asan ako?! Sino ka?!”
“A-Anak, huminahon ka. Maupo ka muna at tatawagin ko ang iyong m-manggagamot,” sabi niya at natigilan ako nang bigla siyang mawala. Ikinurap-kurap ko pa ang mga mata ko pero wala na talaga siya!
T-The fuck?! Isang maligno?! Maligno o diwata? O bruha-in-disguise?! Kailangan kong makaalis dito!
Agad akong lumapit sa bintana at binuksan iyon saka dumungaw sa ibaba para malaman ko kung kaya ko bang makatakas dito. Pero nalula ako nang makita kung gaano kataas itong palapag na kinatatayuan ko mula sa lupa. Masiyadong mataas!
BINABASA MO ANG
Reincarnated as an Element Powerless Princess (Volume 1)
FantasyCzianciera Constellaxia, isang dalawampu't anim na taong gulang na babae na nagmamay-ari ng isang sikat na kompanya - ang Constellaxia Fashion Company - sa bansa. Siya ay matapang at malakas na babae na muling magkakatawang-tao sa katawan ng ibang t...