Wrecker 18

47 1 0
                                    

Wrecker 18

“Anong niluto mo?” Tanong ko kay P. Kakagising ko lang. Hindi ako nakatulog kagabi sa kaiisip sa mga sinabi ni Brent. Puyat ako in-short.

Pia glances at me. Napataas yung kilay ko sa sulyap niya. “Ano?” Tanong ko sa kanya.

“Kakain ka?” Tanong niya sakin. I rolled my eyes naturally.

“Malamang, P. Gutom ako. Anong klaseng tanong ba yan. Kaloka.” Sagot ko sa kanya.

“Baka kasi nagmamadali ka.” Then she stood and walks to the living room.

Napa-buntong hininga nalamang ako. Alam ko naman kung saan galing yung sinabi niya. But my decision is final. Ayoko. Kahit hindi ako nakatulog kagabi sa kaiisip kung anong gagawin ko. He told me that the planned is off. Tsaka ito naman ang gusto ko. Ang bigyan niya ng chance si Sasha. Kasi baka naman talagang pwede niyang mahalin yung babaeng yun. Kahit na may mahal siyang iba?

UGH! Ito na naman yung konsensya ko. Ito yung dahilan kung bakit hindi ako makatulog kagabi! Am I the only way to help him get his true love? Ang bakla naman ata niya. Ganun ba talaga ka komplikado yung buhay niya para ihire ako as a wrecker for his wedding?

Ang dami kong tanong. At alam ko naman kung sino ang makakasagot nitong lahat.

“Hoy! Ano ba bat mo binabasag yang baso.” Sigaw sakin ni Pia galing sala.

Napakurap ako. Hindi ko namalayan na napalakas yung paglagay ko ng baso sa mesa. Di ko nalang pinansin si Pia at napairap nalang ako sa kawalan. Ano bang nangyayari sa akin. Ngayong araw na ang kasal. It’s just any ordinary day. Tama Bella, Just an ordinary day.

“Wala ka bang trabaho ngayon?” Tanong ko sa kanya.

Umiling naman siya. “Wala. Yung boss ko kasi invited sa kasalan.” Aniya. Hind man lang ako nilingon ni Pia. Busy siya sa panonood nang kung ano sa TV.

Hindi na ako nagtanong ng kung ano at naglagay na ako ng peanut butter sa tinapay. Wala pa naman akong trabaho ngayon. Kick-out na ako sa The hideout. Leave ko pa sa salon. Dapat maghanap ulit ako ng raket nito.

“P, papasok tayo next sem?” Biglang tanong ko kay Pia.

Lumingon naman siya sakin. “May plano ako. Kaya naman siguro ng utak natin na maging scholar, B diba?”

Parati akong nagdadalawang-isip sa scholarship. I took a scholarship exam once but I failed. Eh sa hindi ako ganun katalino eh! Kaloka. Pia didn’t tried to apply kasi alam ko at alam niya na mapapasa niya. Alam ko naman na hindi siya nag-apply para sakin. Ayaw niya akong iwan sa ere.

Sumandal ako sa upuan. “Kaya mo naman yan. Dapat nag-apply ka last year. Sana graduate ka na ngayon noh.”

“Yeah right. As if I can do it without you. Bat naman kita iiwan. Kadiri mong magdrama.” Binara ako ng loka. Nilipat naman niya ng ibang channel yung TV.

The Wedding WreckerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon