Wrecker 11

33 0 0
                                    

Wrecker 11

Hindi ako makakilos ng husto nang marinig ko yung boses ni lukaret. Nakipag-eye to eye pa ako kay Pia bago. Alam kong ginagamit na naman niya ang utak niya… Pia will always be like that. Kung kailan ako natataranta ay siya naman yung relax.

Bigla naman ako hinila ni JB palabas sa likuran ng altar! What the?! Sina Pia! Sina Pia ang natira! Hinihila ko pabalik yung kamay ko na hawak-hawak niya habang kinakaladkad ako.

“Shit! Stop pulling your hand.” Pabulong niyang sinabi sakin pero hila-hila pa din ako.

“Eh hindi mo naman kasi kailangan hilahin!” Sigaw ko sa kanya.

Bigla niya akong tiningnan ng masama. Oh-oh! Ayoko! Hindi ako takot! Anak ng lelang! Ako na nga hinihila siya pa tong may ganang magbigay ng ganyang tingin!

Tumigil siya at hinarap ako. Hawak-hawak pa din niya ang kamay ko na pilit ko pa din binabawi. Sobrang lakas naman ng baklang to! Dah! Bella! Soccer player tong nasa harapan mo. Captain pa nga diba nung high school kayo?! Napairap ako sa naisip ko.

“Why did you just roll your eyes?” Tanong niya kaya nabawi ko yung kamay ko bigla.

“Eh kasi nasa harapan kita. Napapairap ako.” Tinalikuran ko na siya at akmang babalik sana ako papasok sa likuran ulit pero pinigilan niya ako.

“Are you out of your nuts?! You can be seen there.. Do you really want to ruin our plan?” Sa oras nato ako naman ang tumingin sa kanya ng masama.

“Plano mo.. Sa simula pa lang naman talaga plinano mo na tong lahat diba? Dinamay mo lang naman kami ni Pia.. Hindi ka naman kasi isang tunay na lalaki na kayang harapin yung problema niya.”

Natigilan naman ako kasi biglang nag-iba yung paningin niya pagkatapos ko siyang sagutin nang ganoon. Shit! Nagalit ko ba? Ang talas naman kasi ng dila mo, Bella! Kailan ba papasok sa kokote mo ang take-it-easy.

“A-anong tinitingin-tingin mo?!” Kahit nautal ako ay kaya ko pa din siyang sigawan!

Hindi niya ako sinagot at tinitigan niya lang ako at tinitigan. Automatic na nag meet yung kilay ko. Anong problema ng isang to? Magsasalita sana ako pero bigla siyang humakbang papalapit sakin kaya napaatras ako. Akala ko hanggang doon lang pero humakbang na naman siya ulit kaya napaatras na naman ako.

“H-hoy!” Pigil ko sa kanya.

Wala ata siyang narinig kasi lapit lang siya ng lapit habang ako atras nang atras para makalayo sa kanya. He moves a step again. I move a step back pero wala na akong matrasan kasi naramdaman ko nalang yung pader sa likuran ko. Bigla naman siyang ngumiti ng nakakaloko! What the hell?! Niloloko ata ako ng lalaking to!

Nireready ko na yung kamao ko para masupalpal ko na ang mukha nitong ni Cortez ng bigla nalang niya nilapit nang husto ang mukha niya sakin! Nagulat ako ng husto at hindi ako naka-react agad. Sobrang lapit niya sakin. Sobra… na isang maling galaw madedevirginize niya na lips ko! Pakshit! Hindi ako makapag-isip ng maayos! Teka.. teka. Kinakabahan ako sa ginagawa niya ngayon.

The Wedding WreckerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon