Wrecker 16

43 1 0
                                    

Pagkababa ko ng taxi ay agad kong tinakbo papasok sa The Hideout muntikan na nga ako hindi makilala ng guard kasi matagal na rin akong hindi pumapasok. Paano naman, ayaw akong papasukin nung baklang yun! Kesyo kailan kong maghanda sa nalalapit niyang wedding. Pasalamat ka talaga at may konsensya akong tao! Hihingi ako ng tawad! Hmp! 

Nothing change. Except my station, ayos na siya ngayon. It was wrecked when I left this place. Ang dali lang talagang paayusin pag madami kang pera. The Hideout is still The Hideout. People making out, people get drunk, people are wild, and enjoying the party. Hindi pa nga masyadong malalim ang gabi pero madami-dami na din ang nagpaparty. 

Syempre agad kong pinuntahan yung station ko. I miss doing my job. I learn to love mixing liquors kahit na napaaway ako dahil sa trabaho na ito. Napakunot yung noo ko sa nakita ko. Ang dating puno ng customer na lalaki ay ngayon pinapalibutan na ng mga babae. Nang makalapit na ako mismo sa harapan ng station ko ay napataas yung kilay ko. 

"He is so hot!" 

"I need another shot!" 

"You think he is good?" 

Napairap ako sa mga narinig ko. Hindi talaga mawawalan ng mga ganitong babae sa The Hideout. Pero ang sabi nga ni Pia. Let them be! Fine! Hahayaan ko tong mga to. Mas lalo kong sinuri ang lalaking nag tatapon ng bote sa ere. That's my spotlight! Kinaiinisan nga ako ng mga babaeng ito kasi hindi lalaki ang bartender. Seriously? 

Sandaling nawindang ako ng tumingin sa akin ang lalaki. Nakipagtinginan din ako sa kanya. Soon, I'll be back! Soon! 

Iniwas ko na ang tingin ko at ginala ko ito sa palibot ng bar. Napaangat ang tingin ko sa VIP ng The Hideout. Sigurado akong andyan sila. Tinted naman kasi ang VIP kaya hindi ko makikita kung sino ang mga nandoon. Agad na akong umakyat sa hagdanan. Habang papalapit ako ay mas lalo kong naririnig ang cheer ng mga lalaki. Ang lakas ng mga hiyawan nila. What are they doing inside? 

Papasok na sana ako sa loob ng may biglang humawak sa braso ko. 

"Ikaw!" Tinaasan ko siya ng kilay. "Ikaw na susunod. Bat hindi ka pa nakabihis?! Binabayaran tayo dito! Bilisan mo na." 

Bigla nalang humigpit ang hawak ng matabang babae sa akin. "Teka, m-miss!" 

"Walang te-teka dito! Oras yung binabayad sa atin! Galing mo pagpasok mo sa loob!" 

Sinusubukan ko naman na bawiin yung braso ko pero masyadong malakas si ate. "Hindi ako kasali sa sinasabi mo. Bitawan mo nga ako! Kaloka!" Paliwanag ko sa kanya. 

May bigla naman lumabas na lalaki galing sa loob ng VIP. "Tapos na yung isa. Asan na yung susunod? Bilisan niyo." 

Lumaki naman yung mata ko sa gulat ng bigla akong hinatak ng babae papasok sa storage room na naging..... dressing room ng mga.... WHAT THE HELL AM I DOING HERE?! 

Mabilis pa sa kabayo akong tumalikod at lalabas sana pero bigla na naman akong hinatak nung matabang babae. 

The Wedding WreckerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon