Wrecker 12

28 0 0
                                    

Wrecker 12

"Ayoko nga Pia!!!!!! Ayoko!" Sigaw ko habang gumugulong ako sa kama. 

Hinihila naman ako ni Pia para tumayo sa kama pero grabi yung pagbibigat ko sa katawan ko para hindi niya ako mahila-hila. 

"It's your fault! You've gone too far! Waldasin mo ba naman pera ng isang Cortez?! Alam mo naman na may utang pa tayo sa kanila diba?" Ayan na. Sinisermonan na ako ni P! Her great words again! 

"Paano naman kasi! Ang yabang-yabang na! Nakakabanas kaya!" Sagot ko pabalik! 

"Hindi ka ba talaga tatayo jan?! O hihintayin mo pang------." Hindi ko na narinig yung boses ni Pia para tapusin yung sasabihin niya kasi may sumabat na. 

"Pumasok ako?" Narinig ko yung boses niya. 

Ugh! Bakit ba hindi niya ako tinatan-tanan? Hindi ko lang naman naubos yung inorder ko nung nakaraan tapos ganyan na yan! Ang angas talaga ng baklang to! Hindi ako gumalaw. Nakatalikod pa din ako sa kanila. Ayoko kaya silang harapin. 

"I'll handle her." Narinig kong sabi niya. 

I bet Pia rolled her eyes when he said that. "I don't trust you." Sagot ni Pia. 

"I won't do anything to her. She's not even my type of girl." 

Bigla naman may bell na narinig ako sa tenga ko. Napaharap ako ng tuluyan dahil sa sinabi niya. What the hell did he said?! Aba't! Sa gandang kong to? Ginaganyan-ganyan lang niya?! 

"Excuse me?!" Sigaw ko sa kanya. 

He smirked. "Take a bath. I don't want us to be late. Move." 

After that ay tinalikuran na niya ako. Napatingin ako kay Pia pero ang sinagot niya lang. 

"Kasalanan mo yan." 

Damn! Hindi niya ako tutulungan! Ano ba yan! 

"PIA!!!!!!!!!!!!!!!!" Sigaw ko pero iniwan na niya ako sa kwarto ko. 

*

Tahimik lang ako sa loob ng kotse nitong baklang 'to. Nasa frontseat ako kasi ayaw niyang sa likuran ako umupo magmumukha daw siyang driver. Masyado daw ata akong siniswerte. Hindi din naman niya ako kinakausap kaya hindi ko rin siya kinakausap. Masasayang lang yung laway ko. Hindi ko nga alam kung saan kami pupunta. Bigla lang niyang sinabi noong nakaraan na sasamahan ko daw siya. 

Ugh! Nakakapatay naman tong katahimikan na bumabalot sa loob ng kotse! Pero ayoko!!  Ayoko pa din magsalita! At dahil bored-na-bored na ako ay pinaki-alaman ko na yung stereo ng sasakyan niya. Basta may marinig lang ako ng maingay. Nasanay din ako sa kaingayan namin ni Pia. 

Hindi naman siya nagreklamo at nagdrive lang siya. Hinayaan lang niya na mag-play yung stereo. Mabuti naman at hindi siya nagrereklamo! Flinip ko naman yung hair ko tsaka tumingin sa may bintana. Tanaw na tanaw naman yung sa labas. Napakunot yung noo ko. Saan kami pupunta?! Wala na kasi akong makitang mga city lights at puro kahoy lang yung nakikita ko! 

"Saan tayo pupunta?!" Bigla kong sigaw sa kanya. Teka. Hindi dapat ako mag-panic! Ayokong mag-panic. 

"Damn. Ang lakas ng boses mo." Hindi niya ako tinitingnan. 

"Sagutin mo ko! Saan mo ko dadalhin?! Oh my gosh! Saan?! Malayo na tayo sa syudad! Saang liblib na lugar mo ba ako planong dalhin!!" Ang sabi ko hindi ako magpapanic! Pero wala si Pia para masampal ako. 

"Don't be stupid." Iyan lang sagot niya ulit. 

Inirapan ko nalang siya kasi di ko siya maka-usap ng maayos. Kinuha ko agad yung cellphone ko para tawagan si Pia pero out of coverag naman yung cellphone ko! Tiningnan ko na talaga siya ng masama! 

"Walang signal!!" Sigaw ko. 

Hindi pa din niya ako nililingon. Naka focus pa din yung tingin niya sa pagmamaneho. Napatingin ulit ako sa labas at yung nakikita ko ay highway na. May nadaanan kaming dagat pero walang kabahayan akong nakikita. Hindi ko alam kung saan ako dinadala ng baklang to. 

"Saan ba tayo? Malayo pa ba tayo?!" Naiinis na ako sa binibigay niyang cold treatment! Hindi ko din ma-spell ang lalaking to! Minsan ang sungit.. Minsan ang angas. Minsan may trip. 

Napakunot naman yung noo niya kaya napakunot din yung noo ko. "Shut up." 

Aba't! Pinapatahimik niya ba ako?! 

"Anong shut up? for your information! I have the rights to know where you'll take me! Kanina pa ako tanong ng tanong pero hindi mo ko sinasagot ng maayos! Kanina pa ako nagpipigil sayo ha!" Sigaw ko sa kanya. 

Ngayon ko lang napansin na tumigil na pala yung sasakyan namin. Napatingin ako sa labas at yung dagat lang nakikita ko. May parang wall naman kung saan pwede umupo kaya parang boulevard pero hindi siya boulevard. Ay basta ganun. 

Binaling ko ulit yung tingin ko sa kanya. Bigla naman ako nakaramdam ng kaba ng nakatitig din pala siya sa akin. Kanina sa byahe namin hindi niya ako nililingon o tinitingnan man lang tapos ngayon ganyan siya kung makatingin sa akin?! 

"The car broke down." 

Wala man lang emosyon siyang binibigay sa akin pero ako?! 

"ANO?!" Sigaw ko sa kanya. 

Napapikit naman siya. "Damn. I'll try to fix it." Tapos bigla-bigla naman siya lumabas at pumunta sa harapan ng kotse. Binuksan niya yun. Nagdesisyon naman akong lumabas at tingnan kung ano yung ginagawa niya. 

Tiningnan ko naman kung ano yung ginagawa niya. Hindi ko nga alam kung ano yung hinahawakan niya. Basta ang alam ko. Madumi na yung kamay niya. 

"Ok na ba?" Tanong ko. 

"Shut up." Again with the shut-ups! Napairap na naman ako. 

Napatalon naman ako ng bigla niyang sinara ng malakas yung harapan ng sasakyan kung saan may inaayos siya. 

"Chill ka nga!" Sigaw ko sa kanya. 

Tiningnan niya ako at sinabi ang dalawang salitang napainit ng ulo ko ng husto.

"We're stuck." 

Napalingon ako sa paligid. Highway. Trees. Sea. No people. No houses. We're totally stuck! 

The Wedding WreckerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon