Wrecker 7

57 2 0
                                    

Wrecker 7 

Ramdam na ramdam ko yung pagod ko sa katawan. Mag aalas-sais na ng gabi at papauwi na ako kasi tapos na yung shift ko sa parlor. Nakakabanas nga eh! Pinagalitan pa ako ni Senyora kasi umalis yung bwiset na JB na hindi nagbabayad. Aba't! Ako pa ang sinisisi nung bakla kasi sinayang ko daw yung opportunity. Opportunity? Ang nagawa ko lang habang sinisermonan ako ni Senyora ay humikab kanina kasi seryoso inaantok na ako. Ang dami kasing customer kanina nung umalis yung lokong may baliw na fiancee. 

Napatingin ako sa cellphone ko kasi chinicheck ko yung oras. 9:00 pm dapat nasa bar na ako pero panigurado. Hindi open ang The Hideout ngayon dahil sa gulo na nangyari. May mga kalmot pa din ang beautiful skin ko! Shocks talaga yung fiancee nung lokong lalaking yun. Ayan! Karma niya yan kasi masyado siyang malandi noong high school kami. Ha! Isa pa siyang duwag na hindi maka-hindi sa napasukan niya. Kailangan pa niya talaga ang tulong ko para makawala siya sa baliw niyang fiancee? Napap-flip hair nalang ako pag naiisip ko yung problema niya. At teka nga lang? Bakit ko iniisip ang problema niya? Hindi ko naman dapat pinoproblema problema niya? At teka!! Ako ata nalilito sa naiisip ko. 

Ang alam ko mamaya pa ang out ni Pia. Pag tuwing papasok ako sa bar 'siya naman ang out niya sa shop. Kaya alam ko nawala akong madadatnan dito. Yes! The apartment is all mine!! Nag-cecelebrate yung utak ko sa naiisip ko habang binubuksan ko yung pintuan ng apartment namin ni Pia................ Okay... I think. Mali ako? 

"Ang aga mo ata nakauwi, P?" Tanong ko sa kanya at isinabit ko yung sling bag ko sa may upuan. 

Naka-cross arm si Pia ngayon! Shit! Alam na alam ko ang mga titig na'yan! Kailangan kong makatakas diyan! Hindi ko pa pwedeng sabihin na si Justin Blake Cortez ang groom. Kailangan kong isolve ang problema ko na ako lang. Masyado ko nang nadadala si Pia sa mga problema ko. Oha! Nag mamature ka na ba, Bella? 

"Actually, I picked her from her work." Napakunot yung noo ko ng may narinig akong sumagot sa tanong ko kay Pia. Huwait? May kasama pa pala siya dito? Nilingon ko naman yung lalaki na nakasandal sa pintuan ng apartment namin. Holy Shiz! Bakit siya andito?! 

"Bakit ka andito?!" Hindi maiwasan na tumaas ang boses ko. Hindi talaga! Kasi... Bakit niya sinundo si Pia? Napasapo ako sa noo ko. Kung alam nga ni Pia kung saan siya nagtratrabaho. Malamang malalaman din niya kung saan nagtratrabaho si Pia.. He's always got the mind for a genius. 

"Sopia is not the only one who got some tentacles right?" Sabay tingin niya kay Pia. Umirap lang yung best friend ko. Ang suplada talaga ng gaga! Palibhasa kasi crush niya noon... at. May hindi ako sinasabi. Ultimate crush namin si Brent Felliciano pero... Si Sophia ang pinaka-iinisan ni Brent noong high school at college kasi... Sophia's got a mind too. Kaya noong college, nakakausap namin si Brent pero yun lang kapag magka-group kami at usually... Nagkakasagutan lang sila ni Pia. 

Hello? Hindi ba halata kay P? Palagi siyang nag-iisip na may mali sa mga bagay-bagay. Sopia and her mind! 

"Hoy, Bella." Napatingin agad ako kay P. Nakakainis talaga! Nakakatakot siya pag ganyan kaya ang nagawa ko lang ang ngumiti at nag He-he-he. Umirap yung bruha.

"Ikaw ang bahala sa kanya. Kanina pa ako nagtatanong pero hindi ako sinasagot. Bwisit." Sabat tingin ng masama kay Brent.. Brent just form a smile on his lips. Tinitigan lang siya ni, Pia.. Holy! Hindi ko talaga maitatanggi na.. Brent is totally hot! Hindi naman naapaektuhan si Pia! Crush natin yan hoy! Someday, tatanungin talaga kita! 

The Wedding WreckerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon