Wrecker 9

42 1 0
                                    

Wrecker 9

Lumipas ang tatlong araw na hindi nagpaparamdam yung dalawang gungong sa amin ni Pia. Matapos nila makuha yung gusto nila ay hindi na sila nagparamdam. Mabuti naman kung ganoon kasi baka ma-flying kick ko lang ang isa sa kanila. Nakakainis talaga...

Ala-syete na ng umaga at kanina pa palakad-lakad si Pia sa apartment. Kanina na din ako nahihilo sa ginagawa niya. Hindi to mapakali.. I know. Alam kong nag-iisip to ng paraan para sa nalalapit na kasal ni Justin Blake Cortez. Habang ako........ kumakain ng pancake na niluto ni Pia. Sobra na akong na-stressed sa mga pangyayari at ayoko ng dagdagan sa kakaisip sa kasal nung JB na'yon! 

"Hoy Bella!" 

Napalingon naman ako sa tumawag sakin. Wala na naman si Pia kasi inutusan na naman ng adviser namin. Ang talino naman kasi ng best friend ko noh? Siya palagi yung inaatasan kung may mga activities kaso yung bruha tamad sumali sa mga organization sa school kaya ayun.. Nagiging utusan ng mga teachers namin kasi siya lang naman daw yung matalino na hindi busy. 

"O bakit?" Tanong ko sa kaklase ko. 

"Hindi ka ba manunood sa laro sa field? Ikaw lang kaya mag-isa dito sa classroom natin. Nu ka ba. Wag ka kayang KJ!" Sabay irap sa akin at iniwan ako.. Aba may ganun? Matapos niya akong yayain -iiwan din naman pala ako? Kaloka.. 

Inayos ko nalang yung gamit ko at lumabas na ng classroom. Hindi pa ako uuwi kasi sasabay sana ako kay Pia pero parang matatagalan ata siya. Bumaba pa ako ng hagdanan kasi nasa second floor yung classroom namin.. Nang maka-aapak na ako sa ground floor ng school ay nakita ko na madaming nakapalibot sa field ng school ground. May laro ata ang soccer team ng school namin. Practice game.. 

Hindi naman ako mahilig manood pero siguro isang peek lang naman kung paano maglaro yung team namin ay hind na masama. Lumapit ako ng husto kung saan makikita ko ng mabuti ang game. Naka-pwesto ako sa mga babaeng puro Justin yung laman ng bibig. 

"Go JB! Oh gosh!" 

"Ang cool mo JB!" 

"Shit~ Ba't ang gwapo mo Cortez!!!" 

Napatingin ako kay Justin Blake Cortez habang naglalaro siya. Pawis na pawis na yung uniform niya na kulay black na may yellow sa corner ng damit at may nakalagay sa likuran na Cortez 25. He's the captain of the soccer team. Hindi na ako magtataka kung bakit patay na patay yung mga babae dito sa school sa kanya. While me.... Loyal kay Brent Felliciano!

Napatingin ako sa tarpaulin na nakasabit sa harap ng school ground. Congratulating Brent Felliciano for winning the Math Competition last week. Tapos may picture pa niya na may hawak-hawak siyang trophy. Gosh! Ang gwapo niya talaga! Andun pa nga ako nung time sa competition. Inaantok ako nun..... okay aaminin kong nakatulog ako pero nung nag announcement kung sino yung nanalo, dilat na dilat yung mata ko.. Pero hindi niya ako napansin. Psh! 

Nakangiti ako habang titig na titig sa tarpaulin ni Brent nang..............may naramdaman akong tumama sa ulo ko at napaupo ako sa sahig. Hindi pa ako maka-react kasi hilong-hilo pa yung paningin ko. 

The Wedding WreckerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon