Wrecker 3

64 0 0
                                    

Wrecker 3

"B! San ka pupunta?!" Dali-dali kong nilagay yung mga kailangan ko sa jean sling bag ko. Tinanggal ko yung tuwalya na naka-ikot sa buhok ko. 

"I'm talking to you.. Might as well give me some answers right?" Nakapameywang si Pia sa harapan ko. 

I look at her just for a sec then I focus my gaze to the things that I need to bring. "Hahanapin ko si Brent." Sagot ko sa tanong niya. 

Baka nga kailangan kong magdala ng pampukpok para magulpi ko yung Felliciano na'yun! Hell! I am not that dumb.. I know he is part of that rose plan the other day! Oo, nakalipas na ang isang araw at ngayon pa ako kikilos. Paano naman kasi? Si Pia.. Pinipigilan ako sugurin si Brent kahapon. Wag daw magpadalos-dalos. 

"You'll be in trouble because of your impulsiveness, B!" Sabay roll-eyes sa kin. 

Yan.. Yan yung sinabi niya sakin. How can I not agree to Pia when she knows me so well? 

"I told you yesterday diba? Pag pinairal mo yang padalos-dalos mo mapupunta ka sa gulo." 

Loka-loka. Tinagalog lang ni Pia. "Kaya nga hindi ako sumugod kahapon diba? Pinalipas ko pa ng bente-kwatro oras.. Ngayon hindi na, noh! I'll hunt that guy!" Inaayos ko naman yung buhok ko ng matapos ko mailagay sa bag ko yung mga kailangan ko. Biglang... "ARAY! Tang-*na mo P! Masakit yun!" Bigla ba naman hilahin yung buhok ko. Sobrang lakas. Napamura ako na wala sa oras. 

"Baka kasi magising ka.. You'll hunt Brent Felliciano? Do you even know where he is? Hindi diba? Wag kang mag fineeling na ninja ka, Ok?" 

That is Pia! Parating nag-iisip na may mali sa mga bagay-bagay which turns out na mali nga naman. Pia and her instincts! Bow na talaga ako sa kanya. Napaupo ako sa kama. "Anong gagawin ko? Malay ko bah kung anong nakasulat dun sa papel na pinirmahan ko? Gagong Brent yun! Alam ko. Malakas pakiramdam ko kasabwat siya nung Groom!" 

Matagal pang nakasagot si Pia then she only answered me. "I'll just get dress." 

_

"Alam mo.. Di ko naman talaga crush yang si Brent eh! Oo, pogi siya kaya crush ko...--" Bigla naman pinutol ni Pia yung sasabihin ko. 

"Ano ba talaga? Crush o hindi crush? Nakakalito ka, B." 

"Fine! Ex-Crush. Ngayon kasi hindi na! Paano ko pa magiging crush yun eh.. kasabwat pala yung loko sa Groom na'yun? Duh?" Sabay flip hair ko. 

Napailing si Pia sa inasal ko kasi alam niyang galit na galit na ako sa lagay na'to. About what I said na hindi ko na crush si Brent. Hell! I'm stating the fact.. pero may konting crush pa din. Since High school pa kaya yung crush ko doon. I just don't understand.. kung kasabwat siya nung groom ibig sabihin.. 

"Ibig sabihin alam niya yung tungkol sa raket ko." I voiced out my thoughts kaya napatigil kami ni Pia sa paglalakad. I don't even know where were going. 

The Wedding WreckerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon