AN:
Sobra ko bang na-hiatus ang kwento na'to? Ngayon sisimulan ko na. Kahit wala talaga ako sa mood kasi ewan ko dun sa midterm ko. TT n TT Wish me luck na sana makapasa ako sa subject na'yon. Nalaman ko na may ka-title tong story ko.. Hindi po ako nanggagaya; Ni hindi ko pa nga nababasa yung story niya. I'll still chose to use The Wedding Wrecker as the title of my story. Tsaka ko na papalitan pag may naisip na ako, sa ngayon.. Eenjoy ko muna ang pagsusulat ng story na'to. I hope you enjoy reading as much I enjoy writing this one.
~P.
***
Arabella's Point of View
"Hoy! Buksan niyo na'tong pintuan! Kung hindi gigibain ko talaga to!" Sunod-sunod yung mga malakas na pagkatok sa pintuan ng apartment na tinitirhan namin.
Naputol yung pag-momovie marathon namin ni Pia ng marinig ang katatakot-takot na boses ni Madam Violet.
"What the hell?!" In an instant nagkatinginan kami ng partner in crime ko.
"Bat siya andito? Akala ko ba nagbakasyon yan sa boracay?" Napatayo ako ng wala sa oras. Damn! Andun na yung feels sa movie na pinapanood namin. Augustus! Huhu! Panira talaga tong si madam!
"Pia! Bella! Buksan niyo to! Bayaran niyo na yung utang niyo sakin!" Patuloy pa din sa pagsigaw si madam.
"Shocks! Anong gagawin natin? Hindi tayo titigilan niyan!" Natataranta naman tong si Pia. Ang sarap upakan. Hindi tuloy ako makapag-isip ng maayos.
"Ipaalala mo nga sakin kung magkano yung utang natin sa kanya?" Pareho naman kami ni Pia na palakad-lakad sa sala ng apartment namin.
Tumigil si Pia at hinarap niya ako kaya napatigil na din ako. Tiningnan niya ako mata sa mata.
"80 thou, pakner! 80 thou!!!--- ARAY!" Nabutakan ko naman ng malakas si Pia kasi ang ingay-ingay.
80,000?! Ugh! Saan kami makakakuha ng ganyan kalaki na pera?
"At ipaalala mo nga sa akin kung paano tayo nakapag-utang ng ganyan kalaki sa Violet na'yon?"
Huminga naman ng malalim si Pia. Mukha siyang ewan sa ginagawa niya. Magsasalita na sana siya pero inunahan ko na.. Dami pang alam eh.
"Eh kasi may dalawang assumerang piglets na gustong makalabas sa pilipinas at makapunta sa ibang bansa.. And once upon a time may nakilala silang baklang fairygod mother which is ang the truth is witch pala itey kaya POOF! naiscammed ang kawawang dalawang piglet." Sabay flip ko sa hair.
"Natumpak mo sis!"
Nailagay ko naman yung kamay ko sa noo ko at hinihimas-himas ito. Nakakalerki talaga yung panahon nayun! We thought that it was a dream come true! Atlast makakawala na kami sa magulong paligid ng pilipinas! Bwisit na bakletang yun! Naturingan pa naman na kaibigan namin, ginago lang kami. Nastrestress talaga ako sa tuwing naiisip ko yung mukha nung bakletang yun.
BINABASA MO ANG
The Wedding Wrecker
Random"You're so great when you wreck things, Ara. You're damn great because you just totally wreck me.... in your own shit way. But you know I can be a wrecker too right? I can wreck any guys who will stand on my way.." - Justin Blake Cortez