Prologue
“Manong, pakibilisan naman oh!” Di ako mapakali at panay yung tingin ko sa relo. Nakakaloka, bakit pa kasi kung kailan may importante tsaka traffic!
“Manong, wala ka bang ibang alam na daanan?” Tiningnan na ako ni manong sa rearview mirror pero biglang nag ring yung phone ko.
Sinagot ko naman ito agad. “Bakit ba? Ano?! Akala ko ba 3pm pa yung kasal? Dumating na agad? Ang aga naman! Teka nga Pia, natataranta na nga ako.” Inend ko naman agad yung phone call. Wala ako sa mood makipag-usap ngayon.
Lumapit naman ako kay manong. “Manong… Pakibilisan naman oh?”
“Teka lang iha.. Traffic talaga eh.” Sabay busina niya.
Napatingin ako sa relo ko.. 2:30 pm. Arg!
“Manong naman eh.. May importante talaga akong..” Di ko na tinuloy yung sasabihin ko..
“Teka, miss. Wag kang umiyak!” Nataranta si Manong..
“P-paano naman k-kasi manong.. It’s f-for the fr-freedom..” Hikbi ko..
“O-o sige.. Para sa lalaking minamahal mo, miss..” Sabay u-turn ni manong.
Napaismid ako sa huling sinabi niya pero napangiti ako.. Ang galing ko talaga. Napabilib din ako sa bilis na pagmamaneho ni manong parang kalian lang ayaw niya pang dumaan sa ibang daanan.
“Manong.. ito po!” Sabay abot ko sa bayad niya.. Gusto ko na talagang tumakbo papasok sa simbahan! Di ako pwedeng ma-late.. No!
Umiling si manong.. “Wag na iha.. Tumakbo ka na at itigil mo ang kasal.”
“Err.. Salamat po!!” Napangiti ako ng malawak. Aba! Syempre! Libre yung pagtataxi ko! Hahaha..
Lumabas ako at agad tinahak ang simbahan. Napansin ko na pink yung motive ng wedding nila. Ano ba yan.. Ambakla.. Sayang at kailangan ko itong gawin.
Nasa pintuan ako at nakita silang nakatayo sa may altar. Bagay na bagay talaga sila.. Bakit ganun? Bakit kailangan pang mangyari to? Perfect wedding na talaga to eh.
“Matt, do you accept Sena as your beloved wife. From richer to poorer, In sickness and in health till death do you part?”
Nang nagsalita na ang priest tsaka ako nagising sa katotohanan na may kailangan pa akong gawin. I take a deep breath as I shout and let the people inside the church hear the 3 words.
“Itigil ang kasal!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!”
Lahat ng tao ay napalingon at napatingin sa kinatatayuan ko. Huminga ako ng malalim. Di dapat ako matakot.
Napalingon ang dalawa sa akin. I can see the shock in his face. Gulat na gulat si Matt.
“What is the meaning of this?! Ano to? Ano to, Matt?!” Sigaw nung matandang babae. I bet she’s the bride’s mother.
Nakita ko kung paano siya tingnan ni Sena and after a second ay sumisigaw na siya.
“How dare you!!” Then she slaps Matt so hard. Nagising si Matt sa lahat ng nangyayari matapos siyang sampalin ni Sena.
“Sen--.”
Sena did not let him to finish what he tries to say. Hinawakan niya na ang wedding gown niya at nagsimulang bumaba sa altar but Matt grab her arm.
“Sen, listen! I don’t know---“ Then he got another slap.
“Tumahimik ka Matt! I hate you! Alam kong ayaw mo sa kasalan na ito because this is only a freaking arrange marriage by our crazy parents! But you can’t humiliate me, Matt! Don’t you dare lay your hand of me!”
Tumatakbo palabas si Sena at nang makarating siya sa kinatatayuan ko. She looks at me and I can see the happiness in her eyes.
“Thank you, Ella.” Then she gives me the sweetest smile of a girl who achieves her freedom.
BINABASA MO ANG
The Wedding Wrecker
Random"You're so great when you wreck things, Ara. You're damn great because you just totally wreck me.... in your own shit way. But you know I can be a wrecker too right? I can wreck any guys who will stand on my way.." - Justin Blake Cortez