Wrecker 5

62 0 2
                                    

Wrecker 5

"T-teka! T-teka!" I am definitely using my full strenght just to pull my hands from his grips! Masakit na.. Nakatalikod pa din siya at hindi ko nakikita ang mukha niya.. Worst is hindi niya ako pinapakinggan! 

"I said wait!!!" Sigaw ko sa kanya. Yung mga taong dinadaanan namin ay tinitingnan kami. What the!! 

Hinihila niya ako ng tuluyan pero pinipigilan ko at binibigatan yung katawan ko! Ano akala nito? Kaladkarin ako?!! Gago! 

"Fuck! Just come with me!!!" Sigaw niya. Nasa may likod na kami ng bar at sa tingin ko sa back door kami lalabas. Lalabas?!!! 

Humawak ako sa may railings ng hagdanan kasi may hagdanan dito papunta sa VIP part ng hideout. Umiling-iling ako! "Ayoko!! Hindi nga kita kilala!" Sigaw ko sa kanya. 

Hinila na naman niya ako ulit. "Oh yeah?!" 

Mahigpit kong hinawakan ang railings. Nakapikit pa ako kasi baka pag nagmulat ako ay madala pa ako nitong gago na'to! Madali pa naman ako madistract!! 

"Tsk!" Umiiling-iling pa din ako as a sign of NO! NO! 

Bigla niya akong hinila pero mabuti nalang at nakapag-ready ako! Hindi niya ulit ako nadala.. 

Sumigaw ako sa kanya. "NO! HINDI AKO SASAMA! HINDI!! GAYA NGA NG KASABIHAN.. DON'T TALK TO STRANGERS! GAGO!" 

"What the hell are you saying?! Are you drunk?!" Sigaw niya. 

Hindi ko siya pinansin at nakapikit pa din ako. Hindi ba akong mukhang baliw nito? Shocks! Baka naghahanap na sakin si Pia! She'll probably be panicking right now. Anong oras na ba? Nararamdaman ko na din ang pagod sa katawan ko at ang hapdi sa mga galos na nakuha ko. 

Tumahimik bigla ang paligid pero nakahawak pa din siya sa braso ko. Hindi siya kumikilos at nagsasalita. Anong nangyayari sa kanya? May naramdaman akong papalapit sa akin.. He's getting near me! Anong gagawin niya? Gustong-gusto ko makita kung anong gagawin niya! Nakayakap pa din ang isa kong braso sa railings ng may maramdaman akong hininga na malapit-na-malapit sakin. 

I can smell the Rum in his breathing! Nag-papanic na ako kaya naimulat ko yung mata ko agad. naka-ilang kurap pa ako bago nag sink in sakin na nasa harapan ko yung mukha niya at ang lapit! I think I know this face! Parang kilala ko 'to.. Pero dahil nagpapanic ako ay hindi ko magawang mag-isip ng tama. 

My guts automatically make me to push him away from me! This guy is drunk! Baka napagkamalan niya akong fiancee niya? HELLO? Mas maganda pa ako doon no! 

"Sira-ulo ka ba?!" I shouted

He suddenly smirks. Nanginig naman ako doon. Sino ba 'to? He is so familiar! 

Hindi ko namalayan na hindi na pala ako nakahawak sa may railings at nagawa na naman niya akong hilahin. This time ay hindi kami lumabas, instead umakyat kami. 

The Wedding WreckerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon