Wrecker 17

50 1 0
                                    

Napakunot-noo ako ng hindi ako nilulubayan ni Pia nang tingin. Kaninang umaga pa niya sinusundan yung mga galaw ko. Binuksan ko yung refrigerator, nakita kong wala ng laman ito. Puro instant noodles lang naman ang binibili namin ni Pia pag nag-gr-grocery kami. Isinirado ko ulit ang ref pero yung tingin ni Pia ay hindi pa din ako nilulubayan.

Hinarap ko na siya ng tuluyan at pinag-cross ko yung braso ko sa dibdib ko.

“Anong arte yan, P?” Tanong ko sa kanya.

Tinaasan niya ako ng kilay sabay tanong. “Eh ikaw? Anong arte yan, B?”

Iniwas ko yung tingin ko sa kanya at pumasok sa kwarto. Alam ko naman na sinundan niya ako kahit sa loob ng kwarto ko.

“Wala na tayong stocks, Pia. Mag-gro-grocery ako.” Paalam ko.

Total nakaligo at nakabihis naman ako. Kinuha ko nalang yung sling bag ko para makaalis na ako at makatakas kay Pia. Ang sarap kaya tusukin ng mga mata niya!

“Aba. May pera ka na ngayon? Kasi diba wala na tayong problema sa renta dito sa apartment?”

Natigilan ako sa paglalagay ng gamit sa bag ko. Umayos ako ng tayo at hinarap si Pia na ngayon ay nakasandal sa may pader ng kwarto ko.

“Anong arte ba talaga yan, Pia?”

Umayos siya ng tayo at hinarap ako ng maayos.  Pia closes her eyes and breathes. Ay naloko na! Nainis ko ba ang masungit na to? I know that move well. Then she opens her eyes. She never doubts to look at me straight to the eye.

“Eh ikaw? Anong arte yan, Arabella? Kung makaarte kang wala kang pake sa nangyayari. You think hindi kita kilala? Kilala kitang bakla ka. I know you are a gay. Cause you hate to admit that you want to help him. This is our business, B. We never backed out. You were the one who told him that you won’t wreck his wedding because you want him to man up. Now that he is doing what you said, anong arte yan, B?”

Kung sana lang talaga may makapagpapatikom sa bibig ni Pia ay kinuha ko na at matagal ko ng itinikom tong bibig niyang walang alam kundi ipamukha sa akin na tama siya!

“Wala, Pia. May narinig ka ba sa akin na tumutol sa gusto niya? You said this is business. No personal things should be involved. My customer wanted me not to wreck his wedding. I am professional enough to understand his side and respect it without doubts.”

Bigla naman lumambot yung mukha ni Pia sa sagot ko. She looks so disappointed. Bakit? Yun naman palagi niyang sinasabi sa akin eh. This is business. Trabaho lang, walang personalan. Ginagawa ko naman kung ano yung sinabi niya ah! Now she’s giving me that look right now. Ang gulo talaga ni Pia.

“Do you remember the first time why we ever did this kind of so-called-job?” Napakunot yung noo ko sa sinabi niya. “Naalala mo yung unang customer natin. She was so desperate asking for our help kasi she wanted her freedom. Kaya nga kinumbinsi niya tayo na itigil ang kasal niya diba? Kapos na kapos tayo nun kaya nga nag instant dollar yung mga mata natin kasi nga diba nagkautang tayo kay Madam Violet kasi gustong-gusto natin makalabas sa Pilipinas.”

The Wedding WreckerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon