Wrecker 19
After a year
“P! Bilisan mo na nga jan!” Kanina ko pa kinakatok yung kwarto ni Sophia! Hindi niya ako binibigyan ng sagot! Ano na naman ba ginagawa ng bruhang to sa loob?!
“Sophia!” Sigaw ko ulit. Napatingin ako sa sarili ko sa harap ng salamin na katabi lang sa may pintuan ng kwarto ni Pia. Inayos ko yung bangs ko sabay katok ng malakas sa kwarto ni Pia. “PIA!”
“Bella! Can you just go first? Magkita nalang tayo sa campus!” Sigaw niya pabalik sa akin.
Yeah you heard it right. Nag-aaral na ulit kami ni Pia at malapit na din grumaduate. It’s our last semester in college. Pinagpatuloy ni Pia ang field ng Hotel and Restaurant Management. Habang ako pinagpatuloy ko ang architecture. Ito yung kurso na hindi namin napagpatuloy ni Pia. Kung sa dating college namin ay pwede kami mag kaklase ni Pia sa mga minor subjects. Dito sa university na napasukan namin hindi kami magkaklase kasi puro major subjects na yung class namin… and about the incident happened a year ago we never discussed it. NEVER.
“At bakit na naman bah? What’s taking you so long? Alam mo bang may duty ka pa sa library and I still have to assist the dean in her office. Hindi tayo ordinary na students, Pia!” Paalala ko sa kanya.
As of now student assistant kami ng university. Pia of course got the scholarship but she needs money kaya nagtratrabaho siya as assistant sa library. Habang ako napadpad sa deans office, kailangan kong tulungan ang dean sa mga ginagawa niya. Hindi ako pinalad sa scholarship. Eh wala eh si Pia talaga bagay diyan, buti na nga lang binigyan ako ng pagkakataon ng dean ng university namin.
“Ano ako gaga para di ko alam yan?! May tinatapos lang ako kaya mauna ka na B! Malalate ka na, quiz mo pa sa major mo diba?!” Sigaw niya galing sa kwarto niya.
Doon ako natigilan. Crap! May long quiz kami nung prof namin! Pag minamalas ka nga naman!
“Okay fine! Arte arte mo P! Mabulok ka sana diyan!” At pagkatapos kong sabihin yun ay lumabas na ako agad sa apartment!
At oo ulit! Nag-uupa pa din kami ng bahay, napapag-kasya pa din namin ni Pia yung pera. Eh ano ba mapapala namin kailangan maghanap kami ng pera kasi we need to survive! AJA!
Tinakbo ko na yung daan kung saan nakatambay yung mga tricycle para papuntang sakayan ng jeepney! Hindi madali sa bagong nilipatan namin ni Pia kasi malayo sa syudad. Malayo nga sa town namin. It’s another town but not like the city that we used to lived. Dito kasi simple lang yung mga tao, hindi yung pag pupunta ng mall naka putsura pa at make-up, dito jeans at shirts yung mas makikita dito. And I like the simplicity. I even fell in love to its peace.
“Oy Bella! Late ka na naman ulit?” Bungad sa akin ni manong tricycle
Sumimangot ako sa harap niya. “Hindi naman ako araw-araw late manong pero ngayon kailangan ko yung mala-the-flash na takbo! Kasi oo late ako ngayon manong! Go! Manong!”
At walang sabi-sabi binilisan nga niya ang takbo! Nakakaloka! Lumilipad-lipad pa yung buhok ko! For sure titigas ito sa pollution at global warming ba naman dito sa pinas? Pagkababa ko sa tricycle ay tumakbo ulit ako sa sakayan ng jeep. Pagdating ko puno na yung jeep! I don’t have any choice! Malalate na ako super sa long quiz ko! Sasampa na sana ako sa ramp ng jeepney ng-------
BINABASA MO ANG
The Wedding Wrecker
Rastgele"You're so great when you wreck things, Ara. You're damn great because you just totally wreck me.... in your own shit way. But you know I can be a wrecker too right? I can wreck any guys who will stand on my way.." - Justin Blake Cortez