Wrecker 6
"Nakita mo ba si Pia?" Umiling naman yung kaklase ko. Kaasar naman.
Ang alam ko inutasan siya kanina sa Physics namin kasi may pinapagawa sa kanya sa Laboratory. Pinuntahan ko na nga kanina sa lab pero wala siya doon. Break time na ngayon at wala akong makakasabay sa lunch. Si Pia lang palagi kong kasabay sa lunch!
Pumunta ako sa harapan ng classroom namin. I tapped the table so hard para mapansin ako ng mga kaklase namin.
"Makinig nga muna kayo!" Nagsilingon naman sila sakin.
"Ano ba naman yan, Arabella. Ang ingay-ingay mo. Kakain pa kami eh." Reklamo nung isa kong kaklase.
Umirap ako sa kanya. "Wala akong pake. Tsaka na nga yan. Sino nakakita kay Pia?" Tanong ko sa kanila.
"Eh diba nga inutusan ni Mrs. Lazaro sa Lab kanina?" May sumagot naman.
"Eh kasi nga hindi ko siya mahanap kanina pa.. Galing na kaya ako doon." Sagot ko.
Umiling nalang yung mga kaklase ko at sabay silang lahat na dinedma ako. Kainis.. Kanya-kanya naman silang lumabas ng classroom para pumunta sa cafeteria. Why is Pia missing? Jeez.
Wala na akong nagawa at pumunta na din sa Cafeteria. Kapag kasabay ko si Pia palagi akong may dalang lunch box. Gusto lang namin makatipid. Hindi naman kasi kami ganoon kayaman. We're average. Tapos sa school na ito. Normal lang.. Isang normal high school. Hindi yung kagaya sa mga story na puro mayaman. Dito kasi halo-halo. May mga may-kaya, average at yung wala..
Pumwesto naman ako sa may bakanteng table ng cafeteria. Nagdadagsaan na yung mga students sa pila. Hindi ko naman kailangan pumila this time kasi napagkasunduan namin ni Pia na magluto na ng ulam para iwas sa pila. Nagluto ako ng bacon para sa lunch ko... Ano naman kaya niluto ni Pia? Sana andito siya. She's a good cook! Mas masarap yung mga baon niya kaysa sakin. Kainis talaga si Pia!
Kakainin ko na sana yung baon ko ng biglang bumukas yung pintuan ng cafeteria ulit. Napairap ako sa pumasok. This is a normal school pero katulad siya sa mga extra-ordinary school. May mga sikat sa campus.. Pft. Pumasok si JB sa cafeteria kasama ang teammates niya sa football team. Bunch of duck-heads. Walang laman yung utak kasi puro practice lang inaatupag.
Nilingon-lingon ko naman ang paligid baka kasi makita ko si Brent! Omay talaga! Asan na ba yun?! Kung andito si Pia, makikita na niya si Brent agad. May magnet ata si Pia kay Brent kasi ang dali-dali niya mahanap. Asan na ba yung crush namin ni Pia? Ano ba naman to. Hindi k mahagilap!
Panay ang lingon ko kaya may hindi ako napansin na nasa harapan ko na pala.
"Excuse me." Hindi ko siya pinapansin kasi si Brent! Para naman masarap pa din yung Lunch break ko kahit wala si Pia! Titingnan ko siya habang kumakain ako. Kaloka naman tong iniisip ko.
Bigla akong napatalon sa upuan ko ng may biglang tumapik ng malakas sa table ko. Napalingon-lingon ako sa paligid at nakita ko yung ibang students na nakatingin sa akin habang yung iba ay dedma lang sa nangyayari.
BINABASA MO ANG
The Wedding Wrecker
Random"You're so great when you wreck things, Ara. You're damn great because you just totally wreck me.... in your own shit way. But you know I can be a wrecker too right? I can wreck any guys who will stand on my way.." - Justin Blake Cortez