Wrecker 10
"Magtigil ka nga B!" Panay yung sigaw ni Pia sa akin pero hindi ko siya pinapakinggan. "Ano ba Arabella! Itigil mo nga yan sabi! Stop it!" Itinigil ko ang pag-iimpake ko sa mga damit at hinarap si Pia.
"Ano? Wala na akong ibang maisip na paraan, P! Shit na Cortez! Broadcast yung kasal. Broadcast, Pia!" Hysterical na sagot ko sa kanya.
Napaupo ako sa sarili kong kama at napatulala sa narealize ko. AH! Hindi ko mapigilan ang pagkuyom nang mga palad ko! I look at Pia. Nakatingin lang siya sakin. I totally screwed this! Sa tuwing may kasal kaming sinisira ni Pia ay palagi namin alam yung mga impormasyon tungkol sa kasal pero we messed this up. I messed this one. Hinayaan ko sina JB na magbigay sa akin ng impormasyon knowing na sasabihin nila ang totoo. Alam din ni Pia na hindi ko gusto itong kasalan nato kaya hindi ako kumilos. I shouldn't had let my guards down!
"We never back out." Ani ni Pia. I took a deep breathe. "Andito na to, Bella eh. Nabasa na tayo. Bakit hindi nalang natin lusungin at kung malulunod man tayo. Pwede pa naman umahon.."
Pia and her words na kahit kailan ay hindi ko naintindihan.
*
"Anong ginagawa mo dito?!" Naalimpungatan ako habang natutulog kasi may narinig akong sumisigaw. Ano ba naman yan! Natutulog yung tao! Kaasar talaga si Pia! Alam naman niyang ayaw na ayaw ko madisturbo sa pagtulog!
Hindi ko pinansin si Pia at nagtalukbong ako sa kumot. Baka nanonood pa ng series si Pia. Kailangan kong matulog nang matulog kasi nastre-stress na ako sa nangyayari sa buhay ko. Hindi! Ayoko munang isipin ang nalalapit na kasal ni Justin! Ilang linggo nalang at mangyayari na yung kasalan niya. Bwisit... Sabing hindi muna isipin eh.
"I called you so many times the other day but you never returned my calls!" Boses na naman ni Pia yung naririnig ko. Ang tinis talaga nang boses ng babaeng to!
"What do you want me to do? Give you a call if I know you'll just bark me with some useless words. Kilala na kita Sophia. You'll just piss me if I answer your call. I know you're both mad right now but we need to talk. Both of you." Napakunot yung noo ko kahit nakapikit ako ngayon. Naririnig ko ba boses ni Brent? Yung Brent ko nung high school? Napamulat ako agad nang mapagtanto na boses nga iyon ni Brent!
Bumangon ako sa higaan ko! Aba't ang aga-aga ay andito na yung isang gungong na manloloko! Napatingin ako sa oras. 7:00 AM! Aba't maaga pa nga!
Ready in action na sana akong lalabas sa kwarto ko pero biglang nagsalita si Pia kaya napahinto ako sa plano ko.
"Fine. Mag-uusap tayo... Tayo. Walang Bella. Walang Bella muna." Ani ni Pia.
What?! Bakit ginagawa ni Pia 'to ngayon? Akala ko bah magkasangga kami. May binabalak na naman ang lukaret nato! At dahil isa din akong lukaret ay nakinig ako sa usapan nila na dinig na dinig naman dito sa kwarto ko. Nice one Pia.
"Bakit walang Bella? Hindi ba siya yung magtitigil sa kasal? What are you up to?" Nagtanong naman si Brent. Patuloy lang ako nakikinig sa usapan ng dalawa.
BINABASA MO ANG
The Wedding Wrecker
De Todo"You're so great when you wreck things, Ara. You're damn great because you just totally wreck me.... in your own shit way. But you know I can be a wrecker too right? I can wreck any guys who will stand on my way.." - Justin Blake Cortez