Wrecker 4
Inilapag ko sa bar counter ang order na alak ng customer. "Got your drink already, sir."
Mag-aapat na araw na ang nakalipas matapos yung eksena sa hotel. Nakapag-desisyon na talaga ako na hindi sisiputin ang kasal na kung sino man yung groom na'yun! Ha! Ano akala niya! Hindi siya yung gagawa ng batas! Ako ang batas! Haha.. Pero sa totoo. Ako dapat masusunod kaya hindi ko siya tutulungan. No way.. I changed my number, even Pia did changed too. Para lang walang maka-contact sa min. Hindi ko na din binalikan si Brent! Tse! Wala akong pakialam kung crush ko 'yun noon!
Sa ngayon.. Ayoko muna ng may sisirain.
Someone got my attention.. The customer. He eyed me then ask. "What's your name?!"
Pasigaw na yung pagkakatanong niya kasi masyadong maingay sa loob ng bar. Yeah, nasa bar ako.. Ito yung totoo kong trabaho.
The Hideout
Isa sa mga sikat na bar dito. Hindi madaling makapasok sa loob na'to. I felt it when I entered this bar to did some job interview. Mararamdaman mo talaga na para sa mga high class ang bar na'to.. Exclusive for them. Napapairap talaga ako.
"Why did you rolled your eyeballs?!!" Sigaw ulit nitong customer.
Hindi ko na mabilang kung pang-ilang customer na'to ang nagtatanong sa pangalan ko. Why can't they just fetch a girl on the dance floor? I am here for work!
Kinaiinisan ko yung parte na customer sila at nag tratrabaho ako dito. I did not want to work here pero pinilit ako ni Pia.. Kesa daw nakatunganga ako sa apartment ay mabuti na 'yung may income. Pia.. Pia will always be right no matter what! Kaloka!
I smiled at him then turned my back to get some liquors and do some stunts. Oo, bartender ako. I even did some training back then.. Itinapon ko sa ere yung silver na bote na hawak-hawak ko at sinalo ito.. Alam ko naman na yung mga mata ng ibang mga babae ay nakakamatay na. Gusto kasi nila na nasa kanila yung atensyon at wala sakin. Nagkaroon na din ng issue dito sa bar na palitan ako bilang bartender. Duh? Ito na nga kinabubuhay ko..
But the management didn't approve. Hindi ko alam kung bakit.. Siguro ang swerte ko lang talaga.
"Way to go girl!!" May narinig akong sumigaw.
Past 12 na ng hating-gabi at mas maingay na at madami na din ang nalalasing sa loob ng Hideout. Nakakaloka! Iinom-inom tapos malalasing-lasin. Seryoso?
"Give me some shots!!" Tiningnan ko yung sumigaw at tumango ako. Kinuha ko yung gusto niyang flavor at inihalo ito sabay gawa ulit ng eksena sa loob ng bar counter.
Pagkatapos kung maihalo yung gusto nito ay inilapag ko na yung alak. Liver-Killer! Nasa isip ko..
Umalis naman yung ibang mga customer at pumunta sa dance floor nang maging maharot na yung tugtog. Gosh! Alam kong dapat masanay na ako pero sa tagal ko dito naasiwa pa rin ako. Haha
BINABASA MO ANG
The Wedding Wrecker
Random"You're so great when you wreck things, Ara. You're damn great because you just totally wreck me.... in your own shit way. But you know I can be a wrecker too right? I can wreck any guys who will stand on my way.." - Justin Blake Cortez