Wrecker 15

43 0 0
                                    

“Ouch! Are you trying to burn my hair?!” Nagulat ako sa sigaw ng customer na bin-blower ko ang buhok.

“I-I am sorry, mam.” Humingi ako ng tawad agad ng mapagtanto kong nawala na naman ako sa focus sa ginagawa ko.

“I want your manager!” Sigaw niya. Aba! Nag-eeskandalo na siya sa harapan ng maraming tao. Ang engot mo talaga, Bella!!

“Mam, I’m sorry again. I didn’t mean to---.” Pinutol niya ang pagpapaliwanag ko.

“I said give me your manager!” Sigaw niya.

May nakita naman akong isang staff ng parlor na dali-daling pumasok sa office. Naman oh!

“Mam, hindi ko po talaga sadya. Promise, peksman!” Sabay taas ko sa kanan kong kamay.

Tiningnan niya ako ng masama. “Are you trying to make fun of me?!” Sigaw niya ulit.

Anong make fun? Humihingi na nga ako ng tawad. Easy, bella! Easy. Huminahon ka. Customer yan eh. Customer!

“Excuse me. I am the owner of this place. What happened here?” Napalingon ako kay Senyora Jess na na may soot-soot na yellow scarf sa leeg niya. Tiningnan niya ako pero alam ko na ang tingin nayan. Patay na naman ako mamaya! Darn it!

“Your staff is trying to burn my hair! She’s spacing out while doing her job! Look!” Sabay pakita niya sa buhok niyang medyo naging kulay brown na. “Your staff mind is not here! How could you hire this kind of girl? She’s bein stupid!!” Hysterical niyang paliwanag kay Senyora Jess.

Gusto ko pa sanang magpaliwanag pero hindi ko magawa kasi alam ko talagang kasalanan ko ang nangyari. Masyadong malalim yung iniisip ko at hindi ako nakapag-focus sa trabaho. Bwisit na Justin yan eh! Bwisit talaga!

“Sorry mam. I’ll give you free 3 days hair treatment in my salon for payment of your hair. We can still fix it.” Huminahon naman yung mukha nung customer. Gusto ko ng umirap. May tinawag naman si Senyora Jess na isa sa mga kasama kong staff sa salon niya. “Mam, let her fix your hair. I assure you it won’t happen again this time.”

“Make sure.” Yan lang ang sagot nung customer kay Senyora Jess at sumama na dun sa staff na tinawag ni Senyora Jess.

Hinila naman ako ni Senyora Jess. In fairness, malakas na bakla si Senyora Jess. Hinila niya ako at pinasok sa office niya.

“Ano sa tingin mo ang ginawa mo, Bella?!” Sigaw niya sakin. Hindi ako sumagot kasi alam ko tatalakan niya ako. “Kaninang umaga ka pa ganyan at wala ka sa usual self mo! Gusto mo bang sesesantihin kita ora mismo?!”

“Sorry naman Senyora. May iniisip lang talaga ako ngayon.” Sagot ko.

Inirapan ako ng bakla. “Hindi kita binabayaran para dito ka mag-muni muni sa problema mo!” Inayos naman niya ang yellow scarf na soot niya. Gusto ko din iflip yung hair ko! Kaloka!

The Wedding WreckerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon