Wrecker 13
Nasa loob ako ng sasakyan habang pinapanood ko siyang pabalik-balik ng lakad para makahanap ng signal. Binuksan na nga din namin ang pintuan ng sasakyan kasi mahangin naman sa labas. Nasa harapan namin yung dagat kaya yung simoy nang hangin ay masarap sa pakiramdam. Pinulupot ko na sa bewang ko yung denim jacket ko kasi napapawisan narin ako. Tinulungan ko pa siya na maayos yung problema sa sasakyan kaso wala naman akong alam kaya ang ginawa ko ay mag-assist nalang pero hindi pa din gumana.
"Shit." Mura niya.
Hindi ko siya pinansin at nakaharap ako sa may dagat habang nakapikit kasi finifeel ko yung hangin. Ay ang peaceful! Hindi ko nalang iisipin na kasama ko tong baklang to. Kanina pa ako nastre-stress sa kanya kasi hindi man lang niya ako pinapansin kaya magdusa siya! Hindi ko din siya papansinin. HA! Akala niya.
"Damn it. I can't even call Brent!!!" Sigaw na naman niya.
Kanina pa din niya tinatawagan si Brent. Hay nako! Kung si Brent siguro kasama ko ngayon. Siguro ang sarap sa pakiramdam. Kaso ang malas ko kasi itong baklang to yung nakasama ko. Hindi ko maspell-spell ang ugali!
Minulat ko naman yung mata ko at agad kong tiningnan kung anong oras na. 11:00 am. Malapit ng mag lunch. Kilala ko tong tyan ko! Magugutom na talaga ako maya-maya. Nilingon ko naman yung lalaking nakabusangot at nakatagpo na yung mga kilay.
"That's all what you've got? You'd just stare?" Bigla naman niya akong kinausap.
Tinaasan ko siya ng kilay ko. Aba... Ngayon kinakausap na niya ako? Kanina nga nung nagmamaneho siya eh hindi niya ako malingon-lingon.
"Kahit naman magreklamo ako wala naman maitutulong yung reklamo ko. Hindi naman gagana tong sasakyan mo noh." Sagot ko sa kanya.
"Useless." Sabay iling niya.
May narinig na naman akong chimney sa tenga ko kaya biglang uminit yung ulo ko. So? Ako pa ngayon yung walang silbi? Abaaaaaaaaaa.
"Kung maka-useless ka naman jan parang hindi mo kailangan yung tulong ko!" Sagot ko sa kanya.
Tiningnan lang niya ako ng masama. Hindi na din niya ako pinansin at sumandal na siya sa kotse niya habang ako nasa loob parin. Nakatingin lang siya sa mga puno na nasa harapan niya. Nakaharap ako sa kanya kaya nakatalikod ako sa dagat ngayon.
Nakaramdam naman ako ng vibration sa tiyan ko. Anak ng lelang. Nagugutom na ako. Binaling ko naman yung tingin ko sa kanya. Nakahalukipkip naman siya at parang malalim ang iniisip. Napahawak ako sa tiyan ko nang nag vibrate ulit ito.
Ayoko sana magreklamo pero hindi na kaya ng tiyan ko. Ayokong magutom. Sumasakit pa naman yung ulo ko kapag hindi ako nakaka-kain sa tamang oras.
"Hoy!" Tawag ko sa kanya.
Hindi na naman niya ako nililingon. Ang pakipot talaga ng baklang to! Konti nalang talaga at maniniwala ako na bakla to! Walang awa sa babae eh! Kahit nung sa The hideout nga hindi niya tinulungan yung fiancee niya! Mabuti nalang at hindi pa niya ako pinapapasok sa The hideout ngayon kasi naka leave ako. Leave kasi may gagawin ako para sa kanya. Ang kapal talaga ng mukha ng baklang to! May pa-contract contract pa siyang nalalaman.
BINABASA MO ANG
The Wedding Wrecker
Random"You're so great when you wreck things, Ara. You're damn great because you just totally wreck me.... in your own shit way. But you know I can be a wrecker too right? I can wreck any guys who will stand on my way.." - Justin Blake Cortez