Wrecker 14

43 0 0
                                    

Wrecker 14

Nagising ako sa mga busina at sigawan sa paligid. Pagmulat ko saking mga mata ay agad na tumambad ang busy na kalsada at mga taong nag-eenjoy sa piesta. Agad kong nilingon yung baklang kasama ko na bigla akong tinulugan. Napakunot yung noo ko ng marealize kong wala na siya sa tabi ko. ABA! Iniwan ba ako ng loko? How dare him! 

"Oh iha! Gising ka na pala?" Nilingon ko naman yung matandang babae na nagpasakay samin sa truck nila. 

"Ah lola. Nakita mo ba yung kasama ko---." Hindi ko natapos ang tanong ng tumambad siya sa harapan ko. Actually naka-baba na siya ng truck. 

"What?" Tanong niya sakin. May hawak-hawak siyang basket at narealize ko na yun yung mga baskets na may laman na mga gulay na katabi ko lang kanina. 

"Nako.. tinulungan lang kami ng nobyo mo iha." Sagot nung matandang lalaki na asaw siguro nung matandang babae na tumulong samin. 

"It's two o' clock. If I'm done helping them we'll be leaving." JB 

Ano daw?! Ni hindi pa nga kami nakaka-kain! Gugutumin niya ba talaga ako?! 

"Tsk. Wag kang mag-alala. Malapit lang sa palengke yung pupuntahan natin." Tapos tinalikuran na niya ako. 

Nako! Kung sana lang talaga wala akong utang sayo eh di sana hindi ako sumama dito! Ang lakas ko naman kasi at hinamon-hamon ko pa ang anak mayaman na to. Nakakaloka. Tumayo naman ako at nag flip hair tsaka ko nilibot ang tingin ko sa paligid. Nasa palengke na nga kami at sobrang busy ng mga tao dito. At dahil hindi naman gentleman yung kasama ko ay tinalon ko na yung truck para makababa na ako. Duh. Hindi ko kailangan yung tulong niya! I can handle myself. 

Nilingon ko yung dalawang matanda na tumulong samin. Hindi ko pa natatanong yung pangalan nila. Busy sila habang may kausap na lalaki. Siguro ito yung buyer sa mga gulay nila. Napatingin naman ako kay Justin na nagbubuhat pa din sa mga baskets na may laman na gulay. May kabaitan din pala ang baklang to. 

May narinig akong tugtog at dahil sobrang nacurious ako ay sinundan ko yung tugtog. After a minute ay nasa may kalsada na ako. Yung tugtog pala na narinig kko ay parade! Darn! Nakaka-enjoy panuorin yung parade nila! May mga sumasayaw pa. Then I found out that the festival is all about their saint. Pumapalakpak pa ako habang sumasabay sa beat ng mga drums and lyres. Kanina gutom na gutom ako pero ngayon hindi ko na maramdaman. Nalipasan na talaga ako. 

"Ay sorry!" Nasabi ko bigla ng may natulak ako na hindi sinasadya. Paano naman kasi nagtutulakan na yong mga tao kasi may parang sikat sa barangay nila ang sakay sa isang kotse. 

"Nu ba naman yan. Ke tanga-tanga." Sabay irap sakin nung babae. Tiningnan ko lang siya at hindi na ako sumagot pa. Ayoko kaya makakita ng away dito. 

"Mag-ingat ka naman miss. Iniingatan ko nga tong mahal ko." Sabay akbay nung kasama niyang lalaki sa kanya. 

Tumango naman ako sa sinabi ng lalaki. Naku kung hindi lang sweet tong boyfriend mo friend. Baka inirapan na din kita. Magaling pa naman ako diyan. Mas lalong naghiyawan ng kumaway yung sikat na babae at lalaki sa barangay nila. Mas lalong nagtutulakan kaya nabangga ko naman ulit yung babae. 

The Wedding WreckerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon