CHAPTER 12

10 0 0
                                    

Chapter 12

Hapon na nang matapos ang photo shoot. Kung tutuusin ay hindi na sana ako tutuloy pa pero nahihiya naman ako sa iba pa lalo na kay Mrs. Chan. May napagkasunduan kami at hindi ganoon kasimpleng mag-back out.


Napakiusapan nga ako ni Ms. Jek na ituloy na namin ang shoot kahit labag sa loob ko. Nahihiya rin kasi ako sa kanya. Si JP pa rin ang nag-photograph sa akin at natapos naman namin nang maayos. Nga lamang ay hindi kami nagusap pa maliban sa kaunting instructions na dapat kong sundin.


Sinubukan kong hindi mailang para makapagtrabaho kami nang maayos dahil gustung-gusto kong makatapos nang maaga at makauwi na. Hindi naman na kami nagtalo dahil kahit siya ay hindi na rin nagsungit sa sakin.

Isa-isa nang nililigpit ang mga gamit at naghahanda na ang lahat para umuwi. Tinawagan ko na si Manang Lea na magpapasundo ako kay Mang Jun dahil hinding-hindi ako sasabay kay JP. Not after what he did. May delicadeza naman akong tao at hindi ko kayang pakitunguhan siya pagkatapos ng mga kaganapan kanina.

"Ehem...", I looked up as someone cleared his throat. Siya na naman and the more he tries to stay close to me, mas lalo kong gusto lumayo.

Tatayo na sana ako para umalis when he grabbed my right hand. Napatigil ako sa ginawa niya pero sinubukan kong bawiin ang kamay ko.

"I j-just want to say...dadalhin ko na ang mga gamit mo sa kotse ko...", nabawi ko ang kamay ko sa kanya at siya nama'y napahawak sa batok.

"Nagpasundo na ako. 'Wag mo nang abalahin ang sarili mo."

I heard him took a deep sigh. I arched my brows and planned to walk out but I was stunned when he started to speak again.


"I'm...Yung nangyari kanina...it was...I didn't...I mean...ugh!", bahagya akong napaharap sa kanya.

Lalo ko pang itinaas ang nakataas ko nang kilay. Napahawak siya sa beywang niya sa expresyon ng mukha ko.

"What?", nagbitiw siya ng tingin sa akin at lumingon sa kabilang banda bago nagsalita.


"About what happened Carisse...I w-would like to apologize...sincerely.", he said stuttering at nang hindi nakatingin sa akin.

"Let's just forget about it JP. Salamat ulit sa offer mo.", I said then I finally walked out. Hindi ko na siya hinintay na sumagot pa at dali-daling lumayo sa lugar na iyon.


-----


Malapit nang maubos ang mga kasamahan ko pero wala pa rin si Mang Jun. Naman. Kanina pa dapat siya nandito pero magdidilim na ay wala pa ring Mang Jun na dumarating. Shemmy naman. Wala akong balak na matulog dito ano. Maganda nga yung lugar pero ang creepy ng dating kapag gabi.


"Hey, mauna na kami. Sure ka ba na hindi ka sasabay?", asked Ms. Jek. Marami pa kasi silang inayos kay medyo late na rin sila nakauwe. Kasama niya si Racquel, ang assistant director at si Ms. Raya, ang deputy editor ng magazine kasama ang ilang mga writers. E sila na lang ang natitira kanina so therefore, ako na lang ang natitira?

"May hinihintay naman po akong sundo. Ingat po kayo.", pero sa totoo lang ay kinakabahan ako.

"O siya, sige. Mauuna na kami, mag-iingat ka rin.", then they left. Gusto ko nang maiyak. Ayoko talaga nang naiiwan mag-isa. Nasan ka na ba Mang Jun?

Sinubukan kong i-dial ang numero ni Mang Jun pero nakailang ring na ay wala pa ring sumasagot.

"Mang Jun, utang na loob naman...please answer the call...", inis ko pang bulong sa sarili.

Sinubukan ko ulit i-dial and fortunately ay sinagot din niya.

"Mang Jun, I've been trying to call you, kanina pa po. Asan na ho ba kayo? Kanina pa ho kasi akong naghihintay dito.", inis kong sabi.

"Good evening ma'am. Kaano-ano ho ba kayo ng may-ari ng phone? Nasa ospital po kasi siya, naaksidente po yung sinasakyan niyang kotse.", the lady on the other line said. Agad namang bumalot sa dibdib ko ang pag-aalala after what I heard, itinuturing ko nang parang ama si Mang Jun dahil ilang taon na rin naman siyang naninilbihan sa akin.

"What?! Ano pong hospital yan? Sige po, I'll be there. Salamat po."

"Any problem?", I heard someone say as I end up the call. It was JP, again. Hindi pa pala siya nakakauwi. Akala ko pa naman ay ako na lang ang natitira dito.

"Naaksidente yung sundo ko e.", I responded.

His face turned worried.

"Buti at naisipan ko munang mag-stay. Sa akin ka na sumabay.", he offered. Tatanggi sana ako pero sa mga ganitong pagkakataon ay hindi muna dapat pinapairal ang pride.


"S-sige. Salamat.", napayuko lamang ako dahil sa hiya. Ugh. Okay lang to. Kailangang-kailangan lang talaga.

Binuhat ko na ang mga gamit ko but he held my hand and took my things.

"Ako na.", he said smiling.

Ipinaubaya ko naman ang mga iyon dahil siguradong magpupumilit din naman siya.

"Salamat...", parang nag-blush ata ako. Pakiramdam ko kasi ay ang init ng mukha ko. Sht.

He just smiled and went directly to his car. Pagkatapos niyang ilagay ang mga gamit ko ay agad din naman siyang bumalik.

"Tara na?"

Hindi ko talaga siya maintindihan. Ang bilis magbago ng mood niya. Kanina lang ang sungit-sungit niya tapos ngayon bait-baitan.

"Sige.", I answered almost whispering.

He held my hand and pressed it softly. And the next thing I know, we're heading his car, holding hands.

THE ACTRESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon