Chapter 7
"Yes?", I said as I answered JP's call. Kunwari ay nagsusungit ako para hindi niya mahalatang naexcite ako sa pagtawag niya.
"I just want to inform you that we are going to resume the shoot tomorrow.", akala ko naman kung ano na. Shet lang. Bakit parang nadisappoint naman ako sa dahilan kung bakit siya tumawag. What should I expect? E ako nga mismo ang nagsabi sa kanyang trabaho lang at wala nang iba ang naguugnay sa aming dalawa
"Is that all?", I tried not to sound disappointed.
"Yes. Sige, see you tomorrow."
"Sig-...
Shemmy! Binabaan niya ako? Ugh. Nakakaasar. Before I could break my phone, I started driving and left the church. Kanina pa rin kasi nakaalis si Rich and Jarred. This is how we bond. Simba. Gala. At kanya-kanya ng sasakyan.
After a few minutes ay nakarating na rin ako sa napag-usapan naming restaurant at naghihintay na sila. I waved at them pero mukhang hindi nila ako napansin.
"Hey. Sorry, nagpagas pa kasi ako. Ang tahimik niyo naman.", I made an excuse. Itong dalawang ito, parang hindi magkakilala. Magkatabi nga sila sa upuan pero parang hindi nila kilala ang isa't isa. Hindi kasi sila nag-uusap at parehong busy sa kani-kanilang phone.
"Andyan ka na pala. Kanina ka pa naming hinhintay. Umorder na tayo.", Jah called the waiter and managed to pick our orders. Alam na naman niya ang mga gusto namin, dahil bukod sa dito naman kami madalas kumain ay alam na rin naman niya kung anong mga gusto naming pagkain.
"Kamusta naman ang week niyo?", I tried to break the silence. Ang awkward kasi ng atmosphere. Kanina ko pang napapansin na parang ilang sila sa isa't isa.
"Okay naman. The usual." Wow! The talkative woman suddenly became the woman of few words. Usually kasi, di siya nauubusan ng kwento kapag nagkikita-kita kami tuwing Linggo. But now, she talks less and that's really new.
"Okay ka lang? Kanina ka pa kasi tahimik dyan.", I still asked even though I know exaxtly why.
"Oo naman. Sumama lang ang pakiramdam ko."
"Then the doctor should check you up. Right, Jah?" I tried not to laugh but I can't. Nakakatuwa lang na nagkakaganito sila ngayon. Pero imbes na matawa ay pinandilatan lang ako ni Rich.
"Hindi doktor na tulad ko ang kailangan niyan. Psychiatrist. I have a friend, I could refer you to him." Ngayon nama'y si Jarred ang pinandilatan niya ng mata." Natawa na lang ako. Bakit ba ngayon ko lang napansing bagay silang dalawa? Thinking about it makes me smile. Nakakakilig lang. Hindi naman masama kung sila nga ang magkatuluyan, pareho naman silang single and available. Besides, they've been friends for years and that could be a good foundation to start a relationship. Dumating na ang orders namin at isa-isa na itong inilapag ng waiter.
"Anong akala mo sa'kin? Nasisiraan ng bait? E mukha ngang ikaw ang kailangang magpa-psychiatrist dyan. Baliw!"
I laughed even more but my expressions changed when I saw a familiar face coming inside the restaurant. May kasama siyang babae, and seeing them together totally changed my mood. Napansin ito ni Rich kaya napalingon siya, and before she could violently react ay nahawakan ko na agad ang kamay niya.
"Don't worry. I can handle this. Just go with it.", I said calmly.
Balak ko na lang sanang huwag siyang pansinin pero dun sila umupo ng kasama niya sa table na katabi ng inuupuan namin. Shemmy! Di ba pwedeng dun sila sa unahan o sa likod o kaya dun sa may tabi? Like duh? Ang dami kayang bakante. Or much better, sa ibang restaurant na lang sila kumain. At maglandian. Dito pa talaga sa harapan ko. Nakakairita lang.
"Hey, andito ka rin pala. R-Rich, hi." Did he stammer when he saw Rich? Palibhasa ay alam niyang alam ni Rich na niloko niya ako, at ang sabi ko dati ay hindi nito sinasabi sa akin kung sino yung ex-boyfriend ko.
"Hi.", Rich gave back a fake smile. I looked at Jah, and he looks pissed too. Ang hirap naman ng ganitong sitwasyon. "It's been a long time Jus, I never expected to see you here. Your new girlfriend?", Rich added while looking at the girl from head to toe. "Oh, you really have a good taste huh."
Ugh. I felt awkward. Sabi ko naman kay Rich, I can handle it. Pero naiintindihan ko naman ang reaksyon niya. Aside from me, isa siya sa mga pinakanasaktan sa panloloko sa akin ni JP. And I can't help but hate him whenever I remember that scene.
"A-ahh hindi. She's just my friend. Ahm, si Lorraine nga pala. Lorraine, si Rich, Carisse and...", he stopped when he turned his look at Jarred.
"Jarred, my boyfriend.", I gave him a fake smile and a faker smile to that girl named Lorraine. Hindi naman ako interesado kung magsyota nga sila. Wala akong pakialam. As in wala.
"Oh yes, her boyfriend.", he answered. Asar! Bakit ba parang di man lang siya naapektuhan nung sinabi niyang 'her boyfriend' samantalang ako e kulang na lang at sumabog na sa sobrang inis nung ipakilala niya yung Lorraine na yun as 'his friend'.
Ang unfair lang! Ang sarap nilang buhusan ng kumukulong sawsawan ng inihaw na manok. Bago pa man madurog ang nakahaing manok sa tindi ng tusok ko rito ay hindi ko na lang sila pinansin. Mabulunan sana kayo!
BINABASA MO ANG
THE ACTRESS
RomanceThis is a story of deceiving, forgetting, forgiving ang loving again; not a typical love story but is still not impossible to happen in reality. This is my first story posted in Wattpad. Hope you like it :) DJAsher's Note: Sa mga nakabasa na nito...