CHAPTER 11

25 0 0
                                    

Chapter 11

Right after the whole place was set and my hair and make-up was done, we started the photoshoot right away.


I kept myself composed kahit na medyo naiilang ako knowing that JP is the photographer.


"Your face is too blank Ms. Losada. Bigyan mo naman ng emosyon.", he instructed. Blangko ba ang mukha ko? Pakiramdam ko kasi hindi naman, pinagbubuti ko nga kahit hindi naman talaga ako professional model. Somehow, natuto na rin naman ako from our previous photo shoots.

Sinubukan kong gawin yung hinihingi niya, to show emotions. Hopefully, nakuha ko naman.


"Now your eyes look dead. Smile through your eyes.", he commented again. Ano ba? Hindi naman ako model kaya hindi naman siguro ganung kaseryoso ito. Kung tutuusin pwede namang simpleng pictures lang ang i-take nila dahil mas mahalaga naman yung story na ifi-feature nila about me and my line.


Yet, ginawa ko pa rin yung sinabi niya. I wanted to do this in the most professional way I can and to make that possible, I should learn to follow his instructions because in the first place, he's a pro in this kind of job.

"Ms. Losada! I need emotions. Is it so hard to do that? Ang simple-simple lang ng hinihingi ko and yet, hindi kb makasunod!", he said after several shots. Gusto ko nang lumubog sa kinatatayuan ko sa sobrang hiya. Sa tingin ko ay nakukuha ko naman yung inuutos niya. I can't believe this. Sinigawan niya ako in front of all these people.


Parang gusto kong maluha sa mga sinabi niya but I tried to stand firm. Sinubukan kong hindi magpatinag kahit kanina ko pa gustong magbreakdown.


"Pinepersonal mo ba ako?", I asked straightforwardly. Hindi ko na kasi kaya dahil pakiramdam ko ay sinasadya niyang ipahiya ako kahit na nakukuha ko naman yung sinasabi niyang emosyon.


"What? I just want to take the best photos as much as possible. Wala akong any personal issues with you kaya hindi ako namemersonal. All I want is t-"

"Hindi mo ako pinepersonal? Sorry but that's what I feel. Bakit hindi natin tanungin yung team mo about the photos at tingnan natin kung blangko nga ba ang mukha ko o walang buhay ang mga mata ko and let's know kung namemersonal ka o hindi.", I bravely exclaimed. Hindi ko na kayang tiisin to kaya inilabas ko na. He can't do this to me, not ever!


"You can't do that Carisse! Iba-iba kami ng opinyon and as for this shoot, opinyon ko lang ang mahalaga.", he answered back. Talaga? O natatakot ka lang na mapahiya dahil totoo ang sinasabi ko?


"Opinyon mo lang? Wow! Masyado kang mayabang JP. Ang taas ng tingin mo sa sarili mo. Hindi ba dapat ay ikino-consider ang opinyon ng lahat dahil as far as this shoot is concerned, you're a team. WE.ARE.A.TEAM.", hindi ko napigilang maluha. Hindi ko na talaga kaya pang pigilan ang bugso ng damdamin ko and somehow, I need to just let it out. "Kung sa tingin mo ay hindi ko kayang sumunod sa mga simple mong instructions, I'm sorry pero hindi ako modelo. In fact, hindi ako nag-apply o nag-audition para magpaphotograph sa'yo ngayon. Ginagawa ko ang kaya kong gawin JP, but if it's not enough for you, I'm sorry pero wala na akong magagawa. Excuse me.", I immediately turned my back to them as tears run dow my face. Sobra naman kasi siya. His reasons are illogical.


"Okay guys, break muna tayo. Baka napapagod lang tayo, we need time to take a rest.", narinig ko pang anunsyo ni Ms. Jek, the production head. Napakatahimik lang ng lahat at wari'y nagulat sa tensyong naganap sa pagitan naming dalawa ni JP.

Nagdire-diretso lang ako sa dressing room at doon ko inilabas ang lahat ng luha ko.


"Carisse, are you alright? Don't worry kakausapin ko si Pat for you.", sinundan pala ako ni Ms. Jek. I know she's just concerned pero parang ayoko na atang ituloy ito ngayon.

"I'm alright Ms. Jek. Salamat po.", I responded while I am wiping my tears.

"Pasensya ka na talaga. Iiwan muna kita at kakausapin ko si Pat. Sana naman ay magkaayos kayo at mahirap magtrabaho nang may samaan kayo ng loob."

Tumango lang ako bilang tugon at lumabas din agad siya ng kwarto.


Hindi ko na ata kaya pang humarap sa kanya ulit. Meeting you is a mistake JP!

THE ACTRESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon