CHAPTER 19

8 0 0
                                    

Chapter 19

It may be an exageration but my tears could form an ocean. I locked the door as I got into the room. I wanted to punch him or slap him, hard and forceful. Ang kapal ng mukha niyang humingi ng tawad matapos ang mahabang panahon. At sa tingin niya ay ganun lang kadali 'yon? Apat na taon. Ganun kahaba ang panahong ginugol ko para magdusa sa pagtataksil niya. It was the most painful thing that has ever happened to me. Seeing the man you look forward to being with for the rest of your life making out with another woman. And what made it worse, it was one special day turned into a nightmare.


-


Maaga pa lang ay naghanda na ako ng mga pagkaing dadalhin ko sa condo unit ni JP. Today is a special day for me, for us. It is my 20th birthday and our 1st anniversary at the same time. I want this day to be special that's why I planned on making a surprise form him. Halos isang buwan na rin kaming hindi nagkikita dahil masyado kaming busy sa school. I am busy with my thesis lalo pa't graduating na ako ngayong sem. I need to really work dahil ayokong madisapprove ito ng panel at madelay pa ang paggraduate ko sa katapusan ng semester. JP, on the other hand was busy with his school organization lalo pa't sunud-sunod ang events ng university this month. He's the official photographer of the school paper at mataas rin ang katayuan niya rito which means he has a big responsibility to do.

I missed him so much kaya kahit busy ako sa pagfa-finalize ng paper namin at paghahanda para sa napipintong defense sa susunod na linggo ay gumawa ako ng paraan para maicelebrate namin ang espesyal na araw na ito.

After packing the foods, I immediately headed to my room to take a quick bath. I blew my hair to dry it and put a light makeup. I stood in front of the mirror as I fit a simple white above-the-knee dress and examined myself. I smiled, thinking what JP's reaction would be as he sees me in inside his unit with a surprise.

Dumiretso ako sa kusina para kunin ang mga nilutong pagkain. Binitbit ko ang mga ito ng kaliwang kamay at kinuha naman ang box ng caramel cake sa loob ng ref.

I walked out of the kitchen para dumiretso na sa condo unit ni JP. Palabas na ako nang marinig ko ang pagbagsak ng picture frame na nasa ibabaw ng lamesa. Weird. Medyo malayo naman ako sa center table at kahit medyo may kaliitan ang apartment na inuupahan ko ay sigurado akong hindi ko nasagi iyon. Paniguradong hindi rin ito gawa ng hangin dahil sarado naman amg mga bintana at pinto. Ipinagkibit-balikat ko na lamang ito at marahang pinulot ang litrato namin ni JP na kinuha namin nung first month naming dalawa. It was taken in Tagaytay. He brought me there dahil gusto raw niyang icelebrate ang una namin buwan nang kaming dalawa lang.

Tinanggal ko ang picture sa loob ng basag na frame at itinago ito sa loob ng drawer. Bibili na lang ako ng bago mamaya bago umuwi.

Agad akong pumara ng taxi pagkalabas at sinabi sa driver ang address ng condo ni JP. Agad naman itong tumalima sa aking tinuran at pinaandar ang sasakyan.

Ilang minuto lang itinakbo ng taxi at nakarating agad kami. Tiningala ko ang katirikan ng building at ngumiti, di inalintana ang init ng papasikat na araw. Pumasok na ako pagkabayad sa driver para tumuloy sa unit ni JP.

THE ACTRESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon