Chapter 20

10 1 0
                                    

Chapter 20

I ran as fast as I could. I never thought falling in love will give you this undying pain. Sa sobrang sakit, parang gusto mo na lang mamatay. Maybe I am just too in love with him that I got too hurt by what I saw. Hindi pa man ay parang patay na ako.

Pagkalabas ng building ay agad akong pumara ng taxi. Nagtanong ang driver kung saan ako pupunta pero miski ako ay hindi ko alam. I just want to go somewhere no one can find me. Yung ako lang, walang ibang nakakakilala sa akin. I just want to be far from them, at least for a while. Hindi ko kayang humarap sa kahit na sino, kahit pa yata kay Rich na best friend. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya. Saka na lang siguro. For now, I just want to be alone.

"Miss, hindi ka pa ba bababa? Halos maikot na natin ang Metro Manila e. San ba talaga ang punta mo?", may bahid nang pagkairita ang tono ni Manong pero pinilit kong ngumiti nang mapakla. Pinunasan ko ang aking pisngi kahit wala nang mga luhang umaagos doon. Siguro tulad ko, napagod na rin.

"Dito na lang po. Pasensya na.", dumukot ako nang sapat na halaga at inabot ito sa drayber. Bumaba ako at sinipat ang lugar. Mukhang eskinita. Hindi ko na alam kung nasaan ako pero hindi ko na inalintana iyon. Gusto ko lang pansamantalang tumakbo sa problema. Kahit sa sandaling panahon, matakasan ko ang sakit.

Ilang minuto na rin akong naglalakad at kanina pa rin ako pinagtitinginan ng tao. Siguro batid nilang hindi ako tagarito pero wala akong pakialam. Hindi nila maiibsan ang nararamdaman ko.

Nagsimula muling bumuhos ang mga luhang pilit kong pinipigil kanina. Paulit-ulit na nagfa-flashback sa utak ko ang mga nangyari. Parang kelan lang, ang saya-saya ko. Naming dalawa. Pero bakit biglang nagkagano'n?

Saan ba ako nagkulang? Kailan ba ako nagtaksil? May nagawa ba akong kasalanan? Ginawa ko naman lahat para sa relasyon naming dalawa pero bakit nasasaktan ako ngayon?

Napaisip tuloy ako kung minahal ba talaga ako ni JP. Siguro oo. Siguro rin hindi. Ewan ko. Dahil kung oo, hindi niya iyon magagawa sa akin. Hindi niya ako magagawang saktan. But what happened, happened. At hindi ko na mababago ang mga nangyari na. Kahit siguro magpaliwanag pa siya at humingi ng tawad, hindi ko na kayang ibigay ang buo kong tiwala. He marked a scar in my heart that I can't give him again my whole trust.

Oo, mahal ko pa rin siya despite that. Hindi naman ganun kadaling mawala iyon. But I'm too hurt and if I were to be asked, tama lang ang naging desisyon ko. Tama lang na tapusin na namin an aming relasyon dahil kung ngayon pa lang naglolokohan na lang pala kami, dun din patungo iyon.

Nagpatuloy ako sa pag-iyak at paglalakad. Nararamdaman ko na ang pangangalay ng mga binti ko pero ininda ko iyon. Di ko na inalintana ang pagod kahit latang-lata na ang katawan ko. Gusto ko pang mapag-isa. Ayoko munang umuwi.

Kasabay ng pagtakas ko sa katotohanan ay malayo na rin ang aking narating. Hindi ko na alam kung nasaan ako. Nakaramdam ako ng takot nang mapagtantong nasa isang lugar ako na hindi ko alam kung saan. Anumang oras ay maaaring may masamang mangyari sa akin. Heto nga't mukha pa akong tanga kakaiyak. Pa'no na lang kung mapa'no ako? Hindi ko maipagtatanggol ang sarili ko sa ganitong sitwasyon. Sana andito si JP, para kung sakali mang may masamang mangyari ay may tutulong sa akin. Pero wala siya, at mukhang hindi na mangyayari pang maipagtanggol niya ako sa kung sino mang magtangka ng masama sa akin.

Bumuhos pa ang mga luha mula sa aking mata. Pagod na ako pero hindi ko mapigilang lumuha. Siguro natural na lang iyong bumubuhos. Maybe that's natural to someone who has been hurt. And I was hurt, big time.

"Hoy, sexy! Tambay ka muna dito.", napalingon ako sa banda ng mga kalalakihang nag-iinuman. Agad na bumalot ang takot sa aking kalooban. Binilisan ko ang aking paglalakad para iwasan ang mga lalaking iyon. Nakakakilabot ang kanilang mga titig sa akin, nanunuri. Para bang hinuhubadan nila ako sa kanilang mga isip.

Naghalakhakan sila nang hindi ko pansinin ang tawag nang isa.

"Tangina! Hoy, tinatawag kita.", awtomatiko akong napalingon sa lalaking tadtad ng tattoo ang katawan. Mapupula ang nanlilisik niyang mga mata habang matalim na nakatuon sa akin ang kanyang tingin. Wala ni isang salita ay nagpatuloy ako pero di pa man ako nakakalayo ay naramdaman ko na ang magaspang na palad na lumapat sa aking braso.

"Ang arte mo ha, hindi ka naman tagarito. Matuto kang rumespeto kung ayaw mo nang eskandalo.", ngumisi siya na parang aso habang pilit akong hinihila papunta sa tumpok ng kanyang grupo. Nanginginig man ay buong lakas kong binawi ang aking kamay pero di hamak na mas malakas siya kaysa sa akin.

Naramdaman ko ang lalong paghigpit ng kanyang kamay na naging marahas at masakit na iyon.

"Bitawan mo ako, please. Nasasaktan ako.", he just grinned at me and I felt even more terrified. I know this scenario, napapanuod ko ito sa mga pelikula. At ayokong mangyari iyon sa akin.

"Yan ang gusto ko, lumalaban. Masarap ka siguro kapares sa kama, ano?", hindi ko na napigilan at nasampal ko siya gamit ang isa kong kamay. Ni hindi siya natinag sa ginawa ko. Fear got over my entirety especially when I saw the other guys stood up to back him up. Lumapit sila sa amin at animo'y handang umalalay sa lalaking kaharap ko ngayon.

"Ayoko po ng gulo, please. Gusto ko nang umuwi."

Imbes na maawa ay lalong nagdilim ang paningin ng lalaki. Marahas niyang hinila ang aking braso at hinarap sa kanya. Ngayo'y kaunting distansya na lang ang nakapagitan sa aming dalawa. Ilang pulgada na lang at maglalapat na ang aming mga katawan. Nararamdaman ko na ang kanyang hininga sa aking mukha. Nakakadiri at nakakasulasok ang pinaghalong amoy ng sigarilyo at alak.

"Ayaw mo pala ng gulo pero nagiinarte ka. Sumama ka na lang kasi nang walang problema.", inilapit pa niya ang kanyang mukha at sinubukan akong halikan. Iniwas ko ang mukha ko. No way can this man kiss me, over my dead body.

Lakas-loob kong itinulak ang kanyang katawan at sinipa ang gitna ng kanyang mga hita. Napaluhod siya sa sakit at kinuha ko ang pagkakataong iyon para tumakbo.

Sumigaw ako para humingi ng tulong pero tila bingi't bulag ang mga nakakakita sa akin. I felt helpless, and tears started to run down my face again.

Nagpatuloy ako sa pagtakbo para makalayo sa mga lalaking patuloy ding sumusunod sa akin. I cried harder but I didn't stop running.

Matapos ang ilang minuto ay natagpuan ko rin ang high way. Nagdasal ako na sana ay may dumaang taxi para tuluyan na akong makatakas. Lumingon ako habang patuloy na tumakbo para tingnan kung nakasunod pa rin sila sa akin. And yes, they were still running after me.

Muli kong itinuon ang aking paningin sa daan pero huli na nang namalayan ko ang paparating na itim na Honda Civic. Isang malaks na impit na tunog ng preno ang narinig ko bago bumangga sa mahina kong katawan ang tumatakbong sasakyan. That moment, I thought of dying. And I wished I just did.

Mabagal ang takbo ng oras. Parang nagslow motion ang bawat galaw ng mga bagay sa paligid. Malakas ang pagbagsak ko sa aspaltong kalsada pero tila hindi ko na naramdaman ang sakit niyon. I felt numb. Mulat pa ang aking mata, gising pa ang aking diwa.

"Tangina pre, tara na. Baka masisi pa tayo dyan.", narinig ko pa ang usapan ng mga papalayong lalaking nagtangka nang masama sa akin.

Mabigat ang aking paghinga. Naramdaman ko ang pagbukas ng sasakyang bumundol sa akin saka iniluwa ang isang matangkad na lalaki. Sinubukan kong aninagin ang kanyang mukha pero unti-unti nang nagdilim ang aking paningin. And in an instant, everything went black.

THE ACTRESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon