Chapter 3
"Sure Ma'am. Hinding hindi ko po 'yan tatanggihan. So kailan po ito magaganap?", I asked Mrs. Yolanda Chan excitedly.
She's the Editor-in-Chief of 'Coutoure', one of the best-selling and leading fashion magazine in the country.
She called to inform me that she and her group wanted to take an interview with me to cover my true life story para raw i-feature for their magazine's next month's issue.
Hindi na ako nagpakipot pa. That would surely help me, especially my clothing line business in making it gain more popularity.
So after telling me that, walang kagatol-gatol akong UM-OO sa kanya.
"If it's okay with you, we wanted to do it next week. Masyado kasing maraming kailangang gawin, so it's better to start it up the earliest time possible.", paliwanag niya sa akin.
No problem sa'kin. Anytime, okay.
"That's not a problem to me Mrs. Chan. You can actually start anytime you want.", excited kong sabi.
Sa totoo lang kasi, sobra akong natutuwa sa success na natatamo ko ngayon.
At my age, it's a blessing that I'm moving through my goals in life. Kahit na marami akong pinagdaanan sa buhay, I'm happy that finally, I'm doing good in my line of interest, in which ngayon nga ay business ko na.
"Okay. If that's the case then I think we're settled already. I'll just call you again for further information."
"Sige po. Thank you Ma'am."
"Thank you rin Ms. Losada."
"My pleasure Ma'am."
Call ended.
Malapad ang ngiti sa mga labi ko. Napalitan ang masamang pakiramdam na idinulot ng muli naming pagkikita ni J--. Argh! Bakit ba naalala ko pa?
I was so happy kaya ibinalita ko agad ito sa staffs ko pati na rin kay Jarred and Rich. They're all happy for me. In fact, they assured me that I'll get their support during the interview.
I dunno how to exactly describe my feeling right now. Mixed emotions pero yung total feeling, alam ko synonymous siya sa happy. ^___^
---
Ngayon na 'yung first day ng photoshoot and interview ko para sa Coutoure Magazine. Kinakabahan ako although sanay na naman ako sa ganitong set-up.
Ang ipinagkaiba nga lang ngayon, ako na ang mismong haharap sa mga ilaw at cameras at photos ko na mismo ang mapi-print sa bawat pages ng magazine.
Dati kasi ako lang 'yung nagda-direct sa mga models kung pa'no nila ipo-project nang tama ang pagdadala sa mga damit ng Clothing Line ko. Now, I feel like I'm the model myself.
Waahh! This is it. The pressure is on. Alam ko hindi dapat ganitong ka-OA ang reaction ko dahil in the first place, wala namang ka-pressure-pressure sa pagpapapicture at pagpapa-interview. Eksaherada lang talaga siguro ako mag-react.
Pero ninenerbiyos talaga ako. Andameng tao. I feel like I'm a star. At the same time, masarap din naman ang feeling.
Nakakatense rin. Inaayusan na ako ng Make-up Artist. Katatapos lang kasi ng Hair Stylist sa pag-aayos ng buhok ko. Habang prente akong nakaupo at nakaharap sa salamin at nilalagyan ng kolorete sa mukha, busy naman 'yung baklang stylist sa pagpili ng mga damit at shoes na ipapasuot sa'kin para sa photoshoot mamaya.
Nakita kong pinagpe-pair-pair na niya 'yung mga susuotin ko. Ang gaganda talaga ng mga clothes ko. Designs ko kasi lahat 'yan, hindi naman sa pagmamayabang.
BINABASA MO ANG
THE ACTRESS
RomanceThis is a story of deceiving, forgetting, forgiving ang loving again; not a typical love story but is still not impossible to happen in reality. This is my first story posted in Wattpad. Hope you like it :) DJAsher's Note: Sa mga nakabasa na nito...