CHAPTER 4

122 4 3
                                    

Chapter 4

"Kilala mo ba 'yung ex-boyfriend ko?", basag ko sa katahimikan naming dalawa.. na ikinaluwa ng mga mata niya.

Hindi ko alam kung bakit 'yun 'yung lumabas sa bibig ko. Basta ko na lang naitanong.

Alam ko gulat siya. Ilang segundo rin bago siya nakapagsalita at nagtanong ng...

"H-ha?"

"Sabi ko... kung kilala mo 'yung ex-boyfriend ko? Hindi kasi nakukuwento sa'kin ni Rich...'yung bestfriend ko.."

"H-haah? Ah-ahh a-ano..Oo. Pero 'wag mo na lang itanong sa'kin. I think it won't help."

Mukhang nakalusot siya dun. Kahit kailan ang galing niyang humanap ng butas.

"Siguro nga."

Katahimikan na naman.

"Mahal mo pa ba siya?", siya naman ang bumasag sa pananahimik naming dalawa.

Ano nga ulit itinanong niya?

Kung mahal ko pa 'yung ex-boyfriend ko? Kung mahal ko pa siya? Tss.

"H-ha?"

Ako naman ang nautal ngayon. Awkward.

"Sabi ko kung mahal mo pa ba siya?"

He looked straight to my eyes.. 'Yung mata niya.. I see pain and sorrow.

"I-I don't know... Basta alam ko...galit ako..galit ako sa kanya.."

Binawi ko ang tingin ko sa kanya at humarap sa ibang direksiyon.

"I see... He's too stupid to let you go."

Napatingin ulit ako sa kanya after saying that.

Nagpatuloy siya sa pagsasalita.. "He doesn't deserve you. Nakikita ko kasi kung gaano kang nasaktan. At kung gaano ka pa ring nasasaktan hanggang ngayon.."

Tulala lang ako. Tahimik na nakikinig.

Inalis ko na ulit ang tingin ko sa kanya. Tinungga ko 'yung botelya ng tubig. Natuyuan yata ako ng laway...

"...kaya naiintindihan kita kung...kung ganyan kang kagalit sa kanya.."

I heard him laugh softly...pero bakit parang may halong sakit 'yung pagtawa niya?

Naguguluhan ako kung bakit niya sinasabi sa'kin lahat ng 'yon.

"But Carisse...kung darating ang araw na maalala mo na ulit siya...

Are you willing to give him another chance?"

Ang init ng atmosphere. Kahit air-conditioned ang room at may mga fans pa, ramdam ko 'yung init ng paligid.

Ano ba ang dapat kong isagot sa tanong niya? O dapat ko pa bang sagutin?

What for? Para malaman niyang... Ahhh.. Never mind.

"Ewan...Hindi ganung kadali magpatawad...lalo na't minahal ko siya nang sobra..."

I saw in my peripheral vision na napatungo lang siya...

"I understand...but what if hindi niya ginustong saktan ka? Na hindi niya sinasadya at...at nagpadala ka lang pala sa galit?"

"Then he owes me an explanation.. Kung hinarap niya ako at nagpaliwanag siya noon, baka maiintindihan ko pa..but..."

"But what?"

"But I think it's a little too late na."

Lalong nalukot 'yung mukha niya.

THE ACTRESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon