9 | Coolest Class •

370 39 33
                                    

📖 THE CRIMSON HOST 📖

|| Coolest Class ||

'AUGUST'

Nagpupunas pa ako ng basa kong buhok pagkalabas ng cr after maligo nang may biglang tumamang unan sa mukha ko. Galing 'yun kay Lexus na parang gagong pagulong-gulong sa higaan ko.

"Tagal mo naman mag-shower! Nag-mas–"

Hindi na n'ya natapos pa ang sasabihin niya nang ibato ko sa kanya 'yung towel na ginamit ko sabay dampot sa unan na ibinato n'ya sa akin.

"'Wag mo akong itulad sa'yo, Lex! May control naman ako kahit papaano," sabi ko patungkol sa kabulastugan na sasabihin n'ya sana.

Tumawa naman ito. "Ilang percent 'yang kahit papaano na 'yan?"

".01%" sagot ko na sinabayan namin ng malakas na tawanan.

"Magbihis ka na nga para makababa na tayo at makakain. Kanina pa ako nagugutom eh!" sabi niya habang sinusuot ang t-shirt at jagger na suot n'ya kanina bago pumasok dito.

Ang gagong ito talaga, ugali na talaga n'ya 'yung bigla-biglang naghuhubad. Medyo nasasanay na rin ako pero weird talaga ng habit ni gago.

Matapos magbihis ay sabay na kaming lumabas ng room para bumaba sa cafeteria pero bago 'yun ay may isang pinto muna kaming dinaanan.

"Tingin mo, P're… seseryosohin kaya ni Pareng Brione 'yung deal?" tanong ni Lexus matapos akong kumatok sa pinto ng room ni Brione.

Dagdag na kasi sa tropa si Brione. Ayos naman siyang kasama kahit medyo tahimik, nakakasabay naman sa kagaguhan namin ni Lexus eh. Saka nakakasawa at nakaka-asiwa na rin mukha ni Lexus kahit na wala pa kaming one week na magkakasama.

Hindi na ako nakapagsalita para sagutin ang tanong ni Lexus dahil kasabay nang pagbukas ng pinto sa harapan namin ay ang pagsagot ni Brione sa tanong ni Lexus.

"Of course I will." Seryosong sabi nito.

Medyo basa-basa pa ang gulo-gulo n'yang buhok. Simpleng black shirt at jagger lang din ang suot n'ya tulad ng sa amin ni Lexus.

"Idea ni gago 'yun, Pareng Bri. Saka ikaw naman talaga ang gusto kong makakuha sa sisiw na 'yun kanina eh," sabi ko sabay akbay sa kanya.

"I know." Sakay ni Brione sa trip ko. "Even now I'm thinking about what to ask him to do."

Tumawa ako ng malakas sabay titig kay Lexus ng mapang-asar. "Hayaan mong tulungan kita mag-isip, Pare!"

Nalukot lang ang mukha ni Lexus nang lagpasan namin s'ya.

"Aba't isang dosenang kagaguhan nga talaga ang taglay mo, Agosto! Um-oo ka rin kaya damay ka rin sa consequence. Hoy!" sigaw ni Lexus bago ito humabol sa amin.

Nagtatawanan kami nang makarating kami sa cafeteria. Panay kasi ang paawa ni Lexus kay Brione na 'wag s'yang pahirapan sa deal na s'ya rin ang may kagagawan.

"Ubod ng yabang ka kasi, akala mo ikaw makakahuli ng sisiw. Ayan, magdusa ka!" Hinampas ko siya sa likuran.

Tumitig naman s'ya ng masama sa akin. "Heh! Don't exclude yourself to the deal. Kanina ka pa! Kakalmutin ko na 'yang mukha mo eh!"

Sa ingay naming magkwentuhan habang naglalakad ay marami ang napapatingin sa amin pero paki ba namin? Si pareng Brione nga deadma saka 'yung iba naman d'yan titig na may pagnanasa ang ginagawa.

'Si Angel kaya? Anong klaseng tingin kaya ang kanya?'

Maya-maya pa ay tumapik sa balikat ko si Lexus bago lumapit at may ibinulong.

The Crimson Host [ Weirdoverse ] [SLOW UPDATE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon