54 | Black Creatures •

160 15 26
                                    

📖 THE CRIMSON HOST 📖

|| Black Creatures  ||

'AUGUST'

"We're almost there! Nakikita ko na ang building na sinasabi mo, August!" sigaw ni Nathalia na kasalukuyang bumibitin sa mga buildings gamit ang Hair Alloy niya.

"I also see strange creatures ahead. There's five of them, I don't know if there are any more!"

Magulong kung iisipin, halos naging abandonado ang buong district 13 sa isang iglap lang ng wala kaming kamalay-malay at halos kaming mga Weirdos na lang ang naiwan pero nakakapagtaka rin na may mga naiwan ding mga Communis.

Ito ba ay sadya o may iba pang dahilan sa likod ng mga Communis na naiwan kasama namin?

Pero sa ngayon, ang priority muna ay kaligtasan ng mga Communis. Wala silang kakayahang ipagtanggol ang sarili nila lalo pa't may mga pagala-galang kung mga ano rito sa paligid.

Alam naming 'di maiiwasan na mapalaban pero may plano naman na kami at isa pa, boring din masyado kung walang bakbakan kaya ayos na rin ito.

Tiningala ko si Nathalia na nakabitin sa isang signboard.

"Okay! Si Andrei na ang bahalang tumingin sa buong paligid. Hintayin lang natin response niya! Maghanda na rin kayo! Bakbakan na ito!"

Sinagot naman nila itong tatlo. "OKAY!"

At ilang saglit nga lang ay nakatanggap na ako ng tugon galing kay Andrei. Si Andrei ang mata naming lahat kaya sa kaniya kami umaasa ng impormasyon gamit ang Radar Weirdness niya.

"Safe sa loob ng building, Boss. Nasa second floor ang mga kailangang i-rescue. Wala namang ibang creatures na malapit liban sa lima na nasa harapan ng building," bigay impormasyon ni Andrei.

Kahit hindi niya nakikita, tumango ako at sinenyasan ang tatlo na tumigil muna sa pagtakbo at magtago.

"Ayos! Salamat, Drei! Kami na ang bahala rito!"

"No problem, Boss! Ingat sila sa iyo!" sagot niya bago nawala ang boses sa isipan ko.

Ibinigay ko rin kaagad sa tatlo ang impormasyon na binigay sa akin ni Andrei. Ako lang kasi ng connected sa link ni Joy bilang ako ang leader ng team kaya ako lang ang nakikipag-communicate sa kanila.

Apat na lang kaming magkakasama ngayon dahil ang iba ay kumalat na rin para puntahan ang mga lugar na itinuro nila Joy na may kailangang tulungan.

Napag-usapan na naming apat na kaming dalawa ni Laser ang bahala sa mga kung anong nilalang na sinasabi ni Kuya Bastian.
Kahit na alam naming kaya rin namang lumaban ng dalawang babae, trabaho na naming dalawa ito ni Pareng Laser bilang mga barako ng grupo.

Ang pag-scout sa paligid na tamang-tama lang sa weirdness ni Nathalia ang naging role niya. At katulong si Theresa, silang dalawa ang kukuha at aalalay sa mga ililigtas namin.

Tulad ng sabi ni Kuya Bastian, maayos ang pagkaka-grupo niya sa amin. Sinigurado niya na pantay ang magiging ambag ng bawat isa sa bawat grupo para walang mahirapan sa gagawin namin.

Mula sa tagong eskinita sa gilid ng building malapit lang sa building na pakay namin, tahimik kaming sumilip sa limang kakatwang nilalang na parang nakikiramdam sa paligid.

"Tangna! Alam kong may makakaharap tayong halimaw ayon kay Kuya Bastian pero 'di pa rin ako makapaniwala sa itsura nila," mahina kong bulalas habang nakatitig sa mga nilalang na iyon. Hindi ko maiwasang taasan ng balahibo sa nakikita ko.

The Crimson Host [ Weirdoverse ] [SLOW UPDATE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon